Naalimpungatan ako nang maramdamang parang lumututang ako at parang may bumubuhat sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Napait akong napangiti nang nakita ang mukha ni Sir. "Zachary," wala sa sarili kong sambit. Kunot noo siyang sumulyap sa akin. Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang mukha niya. "Nananaginip ako," natatawa kong sambit. Hinawakan ko ang ilong niya at ibinaba sa labi. "Panaginip, panaginip, panaginip," tuloy tuloy na sambit ko at pilit na minumulat ang mata. "I don't know where's your address, so dito ka muna sa condo ko," nagising ang diwa ko at nanlaki ang mata ko nang magsalita siya kasabay nang paglapag sa akin sa kama. Dahil sa gulat na mapagtantong siya nga talaga iyon at hindi ako nananaginip, pansamantalang nawala ang sakit ng ulo ko dulot ng pag-inom ng alak. "S-Sir?" gulat na tanong ko. Inis niya lang akong tinignan at tumalikod. Mabilis akong bumangon, pero napaupo ulit nang makaramdam ng hilo. "Sige, inom pa! Why are you with Dexie! She's a
"Huwag kang malikot!" naramdaman ko ang inis sa boses ni Yunard nang napadaing ako at hinila ang kamay.Nangiya-iyak akong tumingin kay Yunard."Matagal pa ba? Ang sakit na kaya!" sambit ko, ngunit ang atensyon ay nasa daliri ko, tinatanggal niya ang kaunting bubog na bumaon sa daliri ko gamit ang karayom.Hindi ko kayang tignan kaya napapikit na lang ako at hinintay na matapos siya.Nakahinga ako ng maluwag nang matanggal na niya ang maliit na bubog. Ngunit napadaing ulit ako nang bigla niyang tinapunan iyon ng alcohol."Yunard, may galit ka ba!" inis kong sambit at hinila na ang kamay kong hawak niya."Kailan mo sasabihin?" napaangat ang tingin ko nan
"Akala ko ba kaibigan mo lang siya?" kumunot ang noo ko nang marinig iyon sa kanya.Pagkauwi na pagkauwi ko ay tumunog ang phone na ginagamit ko para sa trabaho. Nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko iyon nang makita ko ang pangalan ni Sir, ngunit wala akong nagawa kundi sagutin 'yon kasi baka tungkol sa trabaho 'yon."Si--" ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay naputol na ang tawag.Muli, dahil sa tawag na iyon ay parang nawala nanaman ako sa sarili. Ilang ulit kung binabalik balikan ang phone na iyon, nagbabakasakali na tumawag ulit siya, kaya lang nabigo ako, natapos na ang gabi ay wala akong nakuhang tawag galing sa kanya.***"Hindi mo pa rin ako kakausapin? Why are you so cold, Secretary Gillian?" Napatigil ako sa pagtali
Napangiti ako nang makita ko si Sir na lumabas sa kotse niya, may hawak itong phone at may kausap. Oo, napapayag niya ako na sa kanya sumabay.Nagcommute pa ako papunta sa mall, hindi pwede na sa mismong bahay niya ako sunduin kaya naisip ko na sabihing may bibilhin pa ako sa mall kaya roon na lang niya ako sunduin.Unti-unting bumagal ang paglakad ko nang matanaw si Ma'am Mandy na nasa loob ng sasakyan ni Sir.Sasama siya?Hindi ko alam kung tutuloy pa ako sa kotse niya, pero natanaw na niya ako kaya wala akong nagawa kundi maglakad ng mabagal papalapit sa kotse niya. Saka kapag hindi ako sumabay sa kanila, wala naman akong sasakyan, pwedeng commute, pero mamamahalan ako sa pamasahe.Kung alam ko lang na kasama pala s
Napasulyap ako kay Sir nang hiramin niya ang gitara ng isang empleyado. Tulad ng iba ay nakainom na rin kami, ngunit hindi naman ganoon karami para mahilo ulit ako. Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasang mamangha dahil palagi ko siyang nakikita na ballpen, laptop lang ang hawak niya, pero ngayon ay isang gintara na. Hindi ko alam na bagay pala niya ang humawak ng isang gitara. Napakurap kurap ako nang mapasulyap siya sa akin at makita ang titig ko sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin, pero naibalik din agad sa kanya nang marinig ang mahinang pagtawa niya. "Marunong ka?" wala sa sariling tanong ko na lang para matakpan ang hiyang nararamdaman. "I'm not sure if I still know, but because I want to sing a song for you, then..." mahinang sambit niya, pero tumigil din naman at hindi niya tinuloy ang sasabihin. He just bit his lips at malinaw sa akin ang ginawa niyang pagpasada ng tingin sa labi ko. Halos mamula tuloy ang buong mukha ko. Napatikhim ako nang mapansin ang ilang mata
Zachary's POV"I-I'm Sorry," napamura ako nang marinig iyon galing sa kanya. Napaatras ako. "Pero totoo yung nga--"Hindi ko na siya hinayaang tapusin ang sasabihin niya. 'Yun lang naman ang gusto kung malaman, kung totoo ang nakasulat sa papel na hawak ko."Huwag kang lalapit. King-ina, huwag kang lalapit!" sambit ko nang makita ang paghakbang nito.Ayoko siyang lumapit, baka kapag hinyaan ko siya makalimutan ko ang ginawa niyang 'to."As your boss, tinatanggal na kita bilang.... bilang secretary ko. Umalis ka na sa buhay ko. Huwag ka nang magpapakita pa, pakiusap. Pakiusap, umalis ka na," seryosong sambit ko bago tumalikod."Zachary, wait for me!" hindi ko pi
"Ayos ka lang ba, Anak? Namumutla ka." Si Papa na nakaupo sa sofa."Ayos lang, Pa," sambit ko at dumeretso sa kusina upang uminom.Alam ni Papa na natanggal na ako sa trabaho, pero hindi niya alam ang pinagbubuntis ko. Oo, sigurado na akong buntis ako dahil sa araw na rin na iyon ay sinamahan ako ni Dexie sa hospital. Gusto niya raw na mas masigurado ang pagbubuntis ko.Ilang ulit na rin akong pumunta para kausapin si Sir, ngunit palagi akong bigo. Ilang ulit akong naghintay sa labas para hintayin ang pagbaba niya para makausap siya. Ngayon kahit na masama ang pakiramdam ko, gusto ko pa rin pumunta para subukang kausapin siya ulit."Ate, aalis ka?" Napasulyap ako kay Nika na pumasok sa kusina."Oo, eh. May kailangan lang akong gawin. Bantayan mo muna si Zaji," nanghihinang sambit ko. Napapikit ako at muli na lang uminom ng tubig.Nakasimangot na lumapit sa akin Nika at niyakap ako. "Ate, magpahinga ka muna. Huwag ka munang lumabas ngayon. Namumutla ka, oh," sambit pa niya kaya napabunt
"Nasaan na ba 'yun?" rinig kong inis na sambit ni Yunard habang tinitignan ang phone."Papasok na ako, kakausapin ko lang naman siya," sambit ko."Ang sabi niya hintayin mo siya, Gillian. Bakit ba patagal ng patagal nagiging matigas ang ulo mo?" kunot noong sambit ni Yunard.Nakita ko na kasi kanina pa na pumasok doon si Sir kaya gustong gusto ko nang pumasok para kausapin siya, ngunit ayaw akong payagan ni Yunard, ang sabi niya ay binilin daw ni Dexie na bantayan niya ako at huwag hayaang pumasok nang wala siya.Hindi ko alam na nag-uusap pala ang dalawa, kaya nagulat ako nang sabihin niya iyon."Kaya ko naman kasi," sambit ko."Ang tigas