Share

65.1 - Lungkot

Bakit nga ba wala pa rin siya hanggang ngayon? Bakit kaya pati si Dexie ay walang paramdaman? Pati si Yunard ay hindi ko makontact. Ano bang nangyayare sa kanila? Ano bang nangyayare roon? Noon ngang nasa ibang bansa sila ay nagagawa nilang tumawag, pero ngayon na nasa parehong bansa kami ay hindi na. Ano kayang nangyare sa mama nila? Malala ba?

Hindi matapos tapos ang mga tanong sa isip ko. Kakapasok pa lang ng tanong ay may susunod na tanong agad.

Tumawag ako kay Dexie, pero hindi nito sinasagot. Sinusubukan ko ring tawagan si Yunard, pero tulad ni Dexie ay hindi rin nito sinasagot ang tawag ko.

Nagtatrabaho ako sa resort, kaya shempre natatanong ko ang manager kung tumawag ba si Dexie, kaya lang pati ang manager ay walang balita kay Dexie. Nagtataka na ako. Nakakapagtaka na.

Ano bang nangyare? Resort ni Dexie iyon, kaya paanong hindi man lang siya tumawag? Oo nga at alam kung mayaman siya, na ang resort na 'yun ay isa lamang sa maliit na ari-arian nila, pero resort pa rin ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status