Share

65.2 - Social Media

"Hindi ko na alam kung ano pa bang palusot ang pwede kong sabihin kay Zacky, Nika. Gabi gabi nalang nagtatanong siya. Gabi gabi na lang malungkot siya," mahinang sambit ko.

Inilapag ni Nika sa mesa ang hawak na pinggan, kung saan nakalagay ang nalutong isda. Hindi ito nagsalita. Alam kong alam niya rin na palaging malungkot si Zacky dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zachary, ang ama niya.

"Ayokong sabihin 'to, Ate, pero paano kung wala na kayong hinihintay?" Alanganing sambit ni Nika.

Umawang ang labi. Pati ako ay hindi alam kung anong gagawin ko.

"Ate! Ate Nika!" Napasulyap kami ni Nika kay Zaji nang sumigaw ito galing sa loob.

"Oh? Anong problema mo?" Si Niko kay Zaji.

Biglang bumagal ang lakad nito.

"Ate Gillian, nandiyan ka pala," alanganing sambit niya.

Hawak hawak nito ang phone na para bang may gustong sabihin, pero bigla siyang nagdalawang isip. Ano bang problema niya?

"Bakit, Zaji?" Tanong ko.

Napakamot ito sa ulo at ngumuso. Hindi ko maiwasang ikuno
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status