Share

Ikalabing-tatlong Kabanata

Site

It's not even a big deal to others. It's just a mere soccer coach. But for the sports committee of the campus, it was really a controversial scoop.

Usap-usapan ang pagbibitaw sa puwesto ng soccer coach. Pati narin ang assistant coach. It was even published in the campus forum and journalism platforms. 

I don't want this to complicate more. Kung sinabi ko kina Daddy at Mommy ay siguradong ipapakulong nila ang coach na iyon.

Somehow, naawa ako dahil nawalan siya ng trabaho. I know it's both his profession and his source of income. Pero mas okay na ang ganito. Because it might lead to more victims of rape incident among girls.

Naging malaking tandang pananong kung bakit walang paalam o rason man lang ang ibinilin ng coach. At nabuhay ang hearsays na baka raw may nagawang masama o corruption ng funds sa soccer department.

The rest of the details were zippered by silence and investigations.

Ganoon parin ang daloy ng class. The same routine I am used to, listening and writing notes in my notebook.

Ang pinagkaiba lamang ngayon ay nanatili sa palaisipan ko ang nangyari noong nakaraang gabi kasama si Yves habang nakikinig sa discussion ng guro namin. Hindi mawaglit sa isipan ko at kung saan saan napupunta ang makulit kung imahinasiyon.

Natapos din naman ang class. Nagtungo ako sa cafeteria para bumili ng makakain.

Nahagilap ko si Yves na may kasamang babae. He's even whispering some words that made the girl giggled.

Napaiwas ako ng tingin.

Nilantakan ko ang pagkain. That's his nature. So why would I assume that there's something on his actions last night?

God! I'm slowly detatching with myself. Hindi na ako ito!

Pagkatapos kung kumain ay umalis ako. Sa kasamaang palad ay nagkatitigan kami ni Yves habang naglalakad ako. Naroon siya sa mesa kasama ang isang babae.

Tinitigan ko muna ang babae na nakahawak sa braso niya.

I halfly smiled at umalis.

The class ended. I'm thankful that Leticia didn't bug me. She was more busy and preserving her new found friendship with Winona. Good for her.

Ang ginawa ko lamang magdamag ay ang makinig at idistract ang sarili ko.

Malamya akong nag-ayos ng mga gamit ko. Nahihibang na ata ako sa mga inaakto ko.

This is not the real Pastel!

Naiisip ko na weekend bukas. I can rest and have my leisure time.

Kinabukasan, maagang akong ginising ni Daddy para pumunta sa site. Wala akong choice kundi ang sumama sa kaniya at para naman masuri ang lote.

Kaagad na nakarating din kami ng ilang minuto sa mismong lugar. The site was situated near the business center of Estancia. Kalapit nito ang iba't ibang establisyemento sa paligid. 

"What do you think?" hindi pa kami nakababa sa kotse ay naaninag ko na sa labas ang site na na may mga barikada at construction signs. This is the lot of the Paint Shop business na magiging extended business ng pamilya namin.

Nakita ko na ang plano para sa malaking lupang ito. It will be a two-story building and has a boastful land area. Both exteriors and interiors are to be followed by constructors but they have given us a sneek peak of what will be the visualization of the building.

"Ang laki." yun lamang ang nasabi ko. My fragile self couldn't absorb the lot in front of me. Masyado atang malaki sa inaasahan ko. I felt pressured knowing that it's not just a mere handling but a more complex one.

"It's a normal reaction for you. You're really a toddler in business."

Nabaling ako sa kaniya. "What do you mean Dad?"

He tapped my shoulder. Ngayon ko lang napansin na masyado atang out of place ang damit ko. I'm just wearing a simple shirt and jeans.

"For you, it's already big. But for others, it's just a dot on their standards."

"Pero malaki naman talaga." pagpupumilit ko.  He sent a smirk at me.

Tuluyang bumaba na kami. Mabuti at hindi umuulan at kitang kita ang kabuuan nito. There are still trees and it needs to have environmental permit before it will be uprooted. O pupwedi raw magtatanim ng sampung seedlings kapalit nito.

Gusto ni Daddy na magco-comply sa DENR regarding this matter. At kung ako rin naman ganoon din ang gagawin ko.

Pagpasok namin sa site ay bumangad sa amin ang mga materyales at mga construction workers na kasalukuyang nagtatrabaho. Nang nahagip nila kami ng tingin ay bahagyang napatigil sila sa mga ginagawa.

I felt shy. Some even bowed at us. I just flash a smile to them.

"Goodmorning sir and ma'am." the foreman spoke.

Nakahilera ang mga tauhan niya.

"Magandang umaga din. How's work?" si Daddy. Tahimik lamang ako sa gilid niya at nagmumuni-muni sa paligid. It's still a messy site but for sure it will change in the long run.

Some construction workers expressed their thoughts. I just eavesdrop on their conversation. Nakisama narin si Daddy sa usapan.

"Before I forgot this is Pastel, my daughter. And she will be handling this business." napaayos ako ng tayo at napatitig sa kanila. Their stares were just centered at me. Binati nila ako.

"Babae pala ang maghahandle?" tanong ng mas batang construction worker. He has a bulky built at moreno. Batak na batak ang katawan niya. He's now smiling at me. At kitang kita ang mariing pagtitig niya sa akin. He even held his chin like he's daydreaming.

Bahagyang napakunot ang noo ko at ako na mismo ang tumango sa kaniya. Daddy nodded too.

"May problema ba kung babae? I think my daughter could handle it."

He shook his head.

"Wala naman boss. Humahanga lang ako." kinantiyawan ng mga kasamahan niya ang banat nito. Nag-init bigla ang mukha ko.

"May gusto ka ba sa anak ko, Roel?" si Daddy.

Hindi nakasagot ang lalaki. Biglang nailang ako. Ngumisi lamang si Daddy.

"Baka mahiya si Ma'am Pastel. Pasensya na po Ma'am malandi talaga si Roel." sagot ng foreman. Napakamot lamang si Roel ng ulo.

"We need to roam around. You can now go back to your work." si Daddy. Kinindatan muna ako ni Roel bago tumalikod. Bahagyang nagulat na lamang ako. Ang landi ah!

Sinundan ko si Daddy sa paglalakad. Kasalukuyang naghuhukay palang sila ng lupa para sa foundation ng building.

We inspected the materials too. At mukhang hindi pa naideliver ang iilang kakailanganin.

"Dad, mukhang may napansin ako." napatigil si Daddy sa pag-iinspect. At binalingan ako.

"What is it?"

I cleared my throat. "The barracks of the construction workers were too near in the holes. Baka may madisgrasya kapag may hazard na mangyari."

He shifted his gaze to the barracks. Masyadong malapit at iilang metro lang ang layo sa hukay na ginagawa nila.

Tumango siya. "That's just temporary barracks. Pero sasabihan ko sila."

Nagulat kami ng biglaang bumukas ang improvised gate sa entrance ng site. May truck na pumasok na hula ko'y may dala-dalang sako ng semento na idedeliver dito.

"Ayan na siguro ang delivery." naunang nagtungo si Daddy sa delivery truck. Hindi na ako sumunod at nagpaiwan.

Iginala ko ang mata ko. Sa posisyon ko makikita ang mga construction workers na ngayo'y nagbubuhat ng mga construction materials at iilang mga bakal.

Kalaunan, nasawa ako kakatingin sa kanila at sa palibot kung kaya napagpasiyahan kung puntahan si Daddy.

Habang naglalakad ay kita kung papaano ako tawanan ng lalaking nagngangalang Roel sa di kalayuan dahil nalalagyan ng putik ang sapatos ko. Hindi ko na lamang siya pinansin.

I don't find it annoying. Hindi lang talaga siguro ako sanay sa mga ganoong tao.

Nang medyo malapit na ako sa delivery truck ay rinig ko na may kausap si Daddy. Maybe he's talking to the delivery man or fixing the upcoming deliveries of the materials.

Nasa likod sila ng truck. Kaya naman lumibot ako papunta doon at nadatnan ang kausap ni Daddy.

Laking gulat ko na narito si Yves. He's wearing a paired blue jumper and wearing an orange construction hat. Kahit na medyo kakaiba ang itsura niya ngayon ay hindi maipagkakaila ang ganda ng hubog ng katawan at kakisigan niya.

Ilang minuto akong natigilan bago bumalik ang ulirat ko nang nahagip ni Yves ang posisyon ko. Kita sa ekspresiyon niya ang gulat pero kaagad na napalitan ng pagkamangha.

I swallowed hard.

Ngumuso siya. Nalingunan kaagad ako ni Daddy nang napatigil si Yves sa pag-uusap sa kaniya.

"Pastel, halika." Daddy signed me to go on their position. I didn't have the choice but to follow his order. Ayoko namang magmukhang bastos at unwelcoming kay Yves.

Ramdam ko ang titig ni Yves sa akin.

Ang HGC ba ang kinuha ni Daddy para magsupply ng materyales sa amin? I thought they are rival in this field? Pero mukha atang healthy competition ang namamayani sa gitna ng dalawang kompanya.

"Iha, hindi ko pala nasabi sayo. Sila ang napiling magdedeliver ng mga materyales sa atin dahil sila ang nanalo sa bidding na naganap." si Daddy.

Napabaling ako kay Yves na ngayon ay matamang tinitingan ang reaksiyon ko. Naconscious ako bigla.

"Uhhh..bakit--" naurungan ako sa pagsasalita nang nakita ko ang ekspresiyon ni Yves na nanunukso.

Not that I'm doubtful with their products... pero marami akong naiisip na maaring mangyari.

"Anak..they are the major supplier of the branded and efficient materials here in local." si Daddy na parang nahihiya. Naninigurado lang naman ako. At tsaka possible talaga ang mga naiisip ko.

Tumango ako. "Are you skeptic with our company? We are not competing with the Syjuco. At tsaka hindi namin gawaiin iyon." seryosong sabi ni Yves.

I shook my head, not acknowledging my doubts. Alam kung hindi tama ang pag-isipan siya ng masama. Pero mukhang hindi naman nila siguro gagawin iyon.

"H-hindi naman.."

"Yves, she will be handling this company. You can communicate with her for the upcoming deliveries. Siya na ang mamahala sa construction operation. I'm just here guiding her." tumango si Yves. And he smirked.

"Sure--" natigil ang pag-uusap namin sa tawag ni Roel sa likod namin.

Kaagad na napabaling kaming lahat sa kaniya pati narin si Yves.

He is slightly running to us and has a snack and juice in his hand.

Medyo hinihingal pa siya nang huminto sa harapan namin.

"Snack po muna kayo." una niyang ibinigay kay Daddy ang sandwich at juice. At huli niya akong binigyan.

Nanatili siya sa harapan namin. Nahihiya naman akong hindi tanggapin kahit busog pa ako.

"Salamat." ani ko. Daddy said it too. Ngumiti lamang siya pero nakasentro ang atensiyon niya sa akin.

Nalingunan niya ang seryosong mukha ni Yves.

"Kukuhanan ko rin ng makakain si manong kargador." si Roel na may paglalaro sa tono. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kitang-kita kung papaano gumuhit ang pagkairita sa mukha ni Yves.

"Roel--" si Daddy.

"I'm not hungry." ani ni Yves na parang pinipigilan ang kasamaan niya.

Napataas ang kilay ni Roel. "Ay, spokening englishero pala ang kargador." natatawang sabi ni Roel.

I know Roel is just mocking like it's casual to say it. Pero kasi si Yves iyan! Arrogante at may kasamaan ang ugali.

Binalingan siya ni Yves. Napawi ang ngiti ni Roel kaya dali-daling tumalikod paalis.

He gritted his teeth.

"Sorry, Yves. Hindi niya ata alam. Pagpasensyahan muna sasabihan ko na lang mamaya." pagpapaumanhin ni Daddy.

Ibang tao na ang nagdala ng snack. Siguro natakot iyon sa titig ni Yves. Mabuti at tinanggap niya naman.

May sinagot na tawag si Daddy kaya naiwan kaming dalawa. Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan sa pagitan namin.

Naupo muna kami sa bench. Tanging ang ingay ng pagpukpok ng mga bakal at tunog ng cement mixer ang naririnig ko.

Nag-uumpisa narin sa paghahakoy ng mga steels ang mga construction workers.

"Hmmm.." he hummed in the middle of my thinking. Napabaling ako sa kaniya. Nagkatitigan kami.

"Somehow, I like the sandwich." tukoy niya sa kinakain niya. Ngayon ko lang napansin na kinakain niya na pala ang sandwich.

"Sorry nga pala sa sinabi ni Roel.." seryosong sabi ko. Napatigil siya pagnguya.

"Who's that guy? Mabuti at napigilan ko ang sarili ko.." sabi niya.

Ang nakakapagtataka naman ay kung bakit ganiyan ang suot niya. Kahit na may itsura marami paring mag-coconclude na kargador nga ang trabaho niya.

"Ayaw mong kumain?" turo niya sa sandwich na hawak ko. I don't know if he's concern or I am just hallucinating with my own thoughts.

"Medyo busog pa ako. Kumain kasi ako kanina bago pumunta rito." he flexes his arm. At bahagyang tinupi ang jumper suit hanggang braso.

Napasunod ang tingin ko at namangha sa mumunting balahibong naroon sa braso niya.

"You should eat..." ani niya pero nang naaninag na nakatingin ako sa kaniya ay napakunot ang noo niya.

Kahapon, babaero siya. Ngayon, parang ang sobrang banal niyang tingnan.

May pagtatanong sa mukha niya. Napalunok ako sa intensidad ng titig niya.

"W-why are you staring? You like me?" may bahid nang kung ano sa tono niya. Tsaka napangisi.

"U-hmm, y-yes." gusto kung umpugin ang ulo ko sa mga bakal dahil sa sobrang prangka kung pagsagot sa kaniya. Napaiwas ako ng tingin sa kahihiyan.

What the hell is wrong with me? Masyado na akong transparent sa pagtingin ko sa kaniya. I should be stammering and shy with him. Pero mukhang nagiging confident ako sa pagiging outspoken sa mga naiisip ko pagdating sa kaniya.

Binalot kami ng katahimikan.

Unti-unting akong napatingin ako kay Yves. Natigilan siya at umaawang ang labi na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

May bakas din ng pagpula sa tenga niya.

"Tss." he shifted his gaze to different direction.

It was really awkward. Napalinga ako sa paligid para hanapin si Daddy. Antagal naman ata ng tawag niya.

"Kailan kayo ulit magdedeliver?" naisipan kung itanong sa kaniya.

Nakaside view siya. His jawline is defined and flawlessly sculpted in his face. Kahit na sa ganitong anggulo ay masasabi ko talagang may ibubuga siya.

"Tomorrow..so I'm expecting someone who will accommodate me here tommorow."

"Pero..baka may class o projects na gagawin bukas."

Napataas ang kilay niya.

"Have your own time management." simpleng sambit niya.

Napasunod ang tingin ko nang may kinuha siya na information card sa bulsa niya. Kaagad na iminuwestra niya iyon sa harapan ko.

"This is my calling card."

"Can I call you then?" naiisip ko palang na magtatawagan kaming dalawa ay nag-iinit na ang mukha ko..

"No. That's only used for business purposes." supladong sabi niya.

"O-oo naman." pagsasang-ayon ko sa sinabi niya.

"But tommorow I can call you right for the delivery?"

He nodded. "Yes. But I don't like multiple calls."

Ang arte naman! Sumang-ayon naman ako.

"Do you have any questions in your mind? Malapit ng matapos ang paghahakot." tumayo na siya ngayon. Kaya napatayo narin ako.

Wala akong maisip na tanong!!

"Uh, why are you wearing that suit?" he gazed at my direction seems amused of my question.

He chuckled. "Because it's my working clothes."

"I mean... you're the successor of HGC.."

"I'm in charge with the delivery services. And wearing this won't made me less of a person."

Patago akong humanga. Nagpasalamat narin ako sa pagliligtas niya sa akin noong nakaraang araw. He just replied a nod to me.

Dumating kaagad si Daddy. Nag-usap muna silang dalawa bago tuluyang umalis si Yves.

Pagkatapos noon ay nagpaalam narin kami sa mga trabahante.

"How's Yves? Humahanga talaga ako sa batang yon."

"Bakit dad?"

"He has a future plans for their company. At mukhang ang attitude ang hahatak ng maraming investors sa kanila."

Was Daddy got hooked with his attitude too?

"Yves is arrogant dad. Tsaka mukhang babaero. Ano'ng part doon ang makakahatak ng maraming investors?" nagtatakang tanong ko.

Natawa si Daddy. "That is the real him. He's not pretentious with his self. Kaya naman grabe ang encourager methods niya pagdating sa pagpersuade ng tao. Idagdag na natin ang charisma at itsura niya."

Napaisip ako. He's right. Yves knows how to deal with his strength. At tsaka mukhang professional na si Yves kahit na bata pa siya.

"Interesado karin sa kaniya?" nabilaukan ako sa sinabi ni Daddy.

"H-hindi.."

"I admit he's good in business in a young age. Pero marami akong narinig sa kaniya. His name was even dragged to a scandal and a lot of more concerning girls and bar fights. Wala namang masama na humanga pero alamin mo muna kung ang hinahangaan mong tao ay deserving ng adoration mo. Don't be superficial."

"Dad, hindi naman eh." I sounded defensive.

Sumakay na kami sa kotse at palabas na kami ng site. Pero iyon parin ang pinag-uusapan namin.

"Saan ba ang HGC dad?" tanong ko.

May inginuso siya sa akin. Nangunot noo ako. Ang tanging naaninag ko lamang ay isang malaking building sa di kalayuan. Sa itsura palang ay mukhang malaki talaga.

"Sa harap lang natin?" I exclaimed. Tumango siya ng walang pasubaling. Bakit hindi niya sinabi?

"I know it's very risky to establish the building near them. But they are not prioritizing paints in their business. And I think it's an opportunity for us."

"Pero baka..pag-isipan tayo ng masama dad."

"Alam kung iyon talaga ang iisipan mo. But come to think of it? If they are not good in one aspect then we will be the one to fill it in an equal and legal way. Business is business."

"O-okay po. I just hope na hindi umabot sa ganon."

He just assured me.

I'm really learning right now.

"Gusto mo bang dumaan tayo sa HGC?"

Tumango ako. Kalaunan, nakarating din naman kami.

It is really big. Sa malapitan ay nagmamayabang ang disenyo ng establisyemento. The walls were screaming solid steels and painted with gray color.

Sa ibabaw nito ay ang malaking bold letters ng HGC. Naaagaw pansin ng mga tao ang acronyms. Lahat ata nang napapadaan ay napapatingala rin sa ibabaw.

Sa labas ay makikita ang mga produkto at mga nakadisplay na fishing at farming machines. Mayroon ding kakadating na mga naglalakihang delivery trucks na nakaparada sa parking lot nila.

Dagsaan din ang mga customers nila na matiyagang pumipila.

Ipi-nark ni Daddy ang kotse sa isang restaurant na kadugtong ng HGC. They owned this business too? Sobrang dami naman ata ng negosyo nila. It must be hard to handle such business.

We decided to eat here. Pagpasok namin ay sinalubong ako ng malamig na hangin. The ambiance of the restaurant is really nice. Kahit na hardware business ang kalapit nito ay hindi natatabunan ang purpose nito sa mga customer.

Unlike the outside of this building, the restaurant is the contrast. It was classy and at the same time more relaxing to stay.

Maraming tao sa loob. Pero nakakita si Dad ng bakanteng mesa kaya nakahinga ako ng maluwag.

Ngayon ata ako inatake ng gutom.

Si Daddy ang nag-order ng pagkain. Nanatili ako sa table at nagmumuni-muni. Nawili ako sa jazz music na naka play. It's just funny to observe the over all movement of the customers. Pati ang music ay nakikisabay sa bawat pagsubo nila ng pagkain sa mga bibig nila.

My eyes was busy observing everything while waiting for Daddy. Pero napako bigla ang tingin ko sa may gilid na parte na table. Medyo may kalayuan pero hindi nagkakamali ang mata ko. It was Yves with other girl. Nakabihis na siya ngayon ng polo shirt and pants.

Maganda ang babae at sopistikada. Sobrang pula din ng mukha niya at medyo hapit ang suot.

Kitang-kita ko kung papaano siya ngumisi sa babae at may sinasabi. Ang mas nakakagulat pa ay ang pasimpleng paghimas niya sa hita ng babae. Kinurot iyon ng babae at hanggang hindi na natiis ay pinabayaan nalang.

Narito ba sila para kumain o maglandian? Parang hindi sila nakakaramdan na may mga taong nakamasid sa mga pinanggagawa nila.  It's a public place!

Walang pakielam ang babae at napakagat pa ng labi.

Kahit na hindi ko na dapat pakielaman ang ginagawa nila ay di ko maatim na mapatitig.

Hinawakan ng babae ang braso ni Yves. At hinimas himas din! Yves just smirked.

What the hell! Mukhang napapansin na sila ng mga customers na malapit sa kanila. Nagbubulungan na ang mga tao sa likod nila. Pero patuloy parin ang ginagawa nila.

Kinuha ko ang calling card na ibinigay niya at kaagad na tinype ang numerong nakasaad. Hindi niya kaagad na sinagot ang tawag. Ilang segundo pa ay nakita kung napatigil si Yves sa paglalandi sa babae at pinagtuunan ng pansin ang cellphone.

"H-Hello." bungad ko habang nakatingin sa kanila sa di kalayuan. Naririnig ko pa na nagsasalita ang babae ng kung ano.

"Sino to? I'm busy."

"This is Pastel."

"Oh, didn't I tell you to call me if it's only for business?" hinawi niya ang hawak ng babae.

"O-oo." ani ko.

"Then why are you calling?"

"I'm calling to save your image. Hinay hinay naman kayo sa landian niyo." nanlaki ang mata niya. Kaagarang nilibot niya ang mata niya at nasentro sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at may pandidiri sa mukha.

"Tss, why do you care?" panay ang tanong ng babae sa kaniya pero hindi niya pinapansin.

"I'm not caring for you. I'm worried with the customers. They don't deserve your live porn." tumiin ang bagang niya. At gumuhit ang galit.

Galit na siya?!

"Where did you learn that words?"

"From you." naaninag ko na si Daddy na dala-dala ang orders namin.

"Mind your own business." matigas niyang sabi.

Hindi ko na siya sinagot at ibinaba ang tawag. Dinaluhan ko si Daddy para kunin ang order.

Kaagad na sinimulan kung kumain. Maraming pinagsasabi si Daddy tungkol sa mga suppliers ng paint. Mariin lamang akong nakinig sa kaniya at sa mga bilin niya.

Napag-usapan din namin ang tentative completion date ng building. Medyo malayo pa pala. Sa mga buwan na iyon pupwedi kung aralin ang pasikot sikot ng pagnenegosyo at magpaturo kay Dad.

In this way, I can make the remaining free months more productive. May plano narin patungkol sa time management. I'm also sacrificing my supposed student life, only focusing on studying and enjoying. But now trying the newest flavor of being a multitasking woman. And that's something to be proud of.

This is really foreign to me. I have now two priorities and it's kinda weird to have one brain only. 

Ninakawan ko ng tingin ang table ni Yves kung nasaan siya kanina. Nadatnan ko ang bakante ng upuan. Wala na sila? Hinanap ko ang anino niya pero mukhang umalis na ata. Luminga ulit ako sa ibang direksiyon para kumpirmahin pero napagod lang ang mata ko. Mabuti naman.

I blinked twice. Pero wala na talaga.

I just shrugged. Baka umuwi na at doon na lang napagpasiyahan na ipatuloy ang ginagawa nila.

Nang ibinalik ko ang tingin kay Daddy, lumihis bigla ang titig ko sa likurang bahagi malapit sa counter kung nasaan si Yves na kasalukuyang nakatayo at nakatingin sa direksiyon ko. I was off guarded with his stares and the humour that's slowly escaping on his lips.

He's smirking. Like he caught me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status