Share

Chapter One

CHAPTER ONE : VARIEGATE

MABILIS akong tumakbo pababa ng aking k'warto. Hiniklat ko lang basta ang aking purple bag na may design na snowflakes at basta nalang ding isinuot ang aking boots. 

"Teka,Brythe! Mag-almusal ka muna!." Nakinig ko ang sigaw ni Mama ng lumabas na ako ng bahay,napatigil ako at nakita siya sa may pinto. May hawak siyang lunch box.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.

Iniabot niya sa akin ang lunchbox kaya tipid akong ngumiti.

"Sa school na 'ma, I'm late." Tumango siya kaya tumakbo na ako palayo sa kaniya.

"Ibutones mo anak ang uniform mo!." Hindi ko na inintindi pa ang sinabi ni mama,sobrang late na ako. Pagagalitan na naman ako ng bakla naming teacher at parurusahan nang halos tatlong oras.

Iniisip ko palang nangangalay na agad ako, kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko.

Malapit na ako sa school gate namin ng makakita ako ng mga mokong na nagbubugbog na naman sa isang papalikong daan. 

Napasulyap ako sa aking wrist watch at nakitang 8:30 na! Napasulyap ako sa gate nang school namin na sarado na at sa mga mokong na nambubugbog.

Napabuntong hininga ako at umayos sa aking pagkakatayo.

Late na din naman ako,bakit hindi ko pa lubos-lubusin diba?

Ibinaba ko ang aking lunch box, masasarap ang luto ni Mama kaya ayuko silang madamay.

"Hoy!." Sigaw ko sa kanila,kaya napatigil naman ang isang maangas na matabang lalaki sa pagsipa sa kawawang lalaki.

Pinaglaruan ko sa aking kamay ang bato na napulot ko sa aking harap, sana naman ay matapos ito ng mabilis.

Sinamaan ako ng tingin ng mga lalaking ito, at suminghot pa. Mga adik pala itong mga ito eh.

"Anong kailangan mo?." Maangas na tanong ng parang lider sa akin.

Napangisi naman ako at inayos ang hindi ko pa nasusuklay na buhok ko.

"Let the boy go,para wala ng gulo." Tinawanan lang nila ako at tiningnan na para bang isa akong uri ng mababang nilalang.

Ang lalakas ng loob nila,ang lapit lang nila sa school hindi ba sila natatakot?

"Patahimikin niyo ang madaldal na babaeng 'yan." Nangunot ang noo ko,sabi sa bahay ang tahimik ko nga daw. Tapos sila sasabihan ako ng madaldal?

Ibin'welo ko ang hawak kong bato at tinantiya 'yung mabuti.

Nang alam ko ng sakto na ay ibinato ko 'yun ng napakalakas at pinatama iyun sa birdy ng lider nila.

"Aray! Fuck--" Napaluhod ang mataba nilang lider at mangiyak-ngiyak na nakahawak sa kaniyang alaga,ngumisi lang ako at dinampot ang aking lunch box. 

Matapos kung damputin 'yun ay mabilis kong kinuha ang lalaking binugbog.

"Habulin sila! Mga tanga!." Tinulungan ko sa pagtakbo itong si Boy, kawawa naman siya alam kung bugbog na bugbog siya.

Nang makaabot kami sa gate ay bumalik ang mga totoy at nag sign ng bad finger sa akin.

Binelatan ko lang sila at ngumisi.

"Kuya pabukas naman no'ng gate oh,kawawa naman itong si Boy. Nabugbog diyan sa kanto. Kayo naman kasi eh,hindi kayo nagbabantay ng mabuti." Sinamaan ako ng tingin ni kuyang guard bago kami pinagbuksan ng gate.

"Dadalahin na muna kita sa clinic,doon ka nalang muna." Mahinang tango ang isinagot niya sa aking sinabi.

Nang madala ko na siya sa clinic ay nagmalaflash na naman ako ng takbo. 

Patay na naman ako.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto sa classroom namin ay naramdaman ko ang pamilyar na katahimikan.

"LATE KA NA NAMAN!!." Pinagdikit ko ang mga ngipin ko at medyo natatakot na lumakad papasok sa classroom.

"Sorry ma'am este sir,este ma'am-sir. Hindi na talaga ako uulit,last na 'to." Sinamaan ako ng tingin ng bakla naming teacher at galit na itinuro ang daan papunta sa upuan ko.

"Pagbibigyan kita ngayon,pero sa susunod hindi na,bahala ka na." Nag bow ako sa harap niya at nagpasalamat

Lumakad na ako papunta sa upuan ko at inayos ang aking sarili,tama nga si mama bukas pa ang mga butones ng uniform ko.

Nang maisara ko 'yun ay natuon na ang atensiyon ko kay sir na nagkaklase na sa amin. 

****

         Ilang sunod-sunod ng bell namin ang nagpatigil sa pagkaklase ng bakla naming teacher,halos dalawang oras din kasi ang time ng subject niya sa amin.

"Okay, class dismissed." Lumabas na siya ng classroom namin. Ganoon din naman ang mga kaklase ko na atat na atat lumbas ng classroom.

Humalumbaba lang ako sa aking table at pinagmasdan lang ang mga kaklase ko habang lumalabas. Wala naman akong balak lumabas eh,may pagkain na man na ako.

Nang makalabas na silang lahat ay saka ko ipinatong ang lunch box ko sa aking table at binuksan 'yun.

Agad akong napangiti ng maamoy ang masarap na amoy ng kebab at steak na nilagyan pa ng sauce sa ibabaw.

May kaunting rice din doon na may smiley face pa na ginamit ay ang piraso ng omelet.

Dinampot ko na ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain,hindi ako nag-almusal kaya gutom na gutom na ako.

Mahinang dighay ang pinakawalan ko ng matapos ako sa pagkain.

Napatingin ako sa buong classroom namin at nagtaka dahil wala pa ding bumabalik kahit isa sa mga kaklase ko.

Napasulyap ako sa bag ko ng maramdaman ang paglamig no'n,agad ko 'yung binuksan at nakita ang nag-go-glow kong maskara.

Anong nangyayari?

Hinawakan ko agad 'yun at naramdaman ang kakaibang lamig,kung hindi pa ako sanay sa paghawak sa maskarang ito ay baka mabitawan ko pa.

Tumingin muna ako sa paligid ko at nang masigurong walang tao ay tumayo na ako at isinuot ang aking maskara.

Nang tuluyan na itong lumapat sa aking mukha ay naramdaman ko ang pamilyar na 'chill' na kumakalat sa buo kong katawan.

Itinaas ko ang aking mga braso at naramdaman do'n ang pagkalat ng snowflakes. 

Nang i-stretch ko ang aking binti ay ganoon din ang nangyari,hanggang sa umikot na ito sa aking katawan.

Lumapag ako sa sementadong papag namin na iba na ang aking ayos, may maskarang kulay purple ang aking mukha at napalitan ang kulay ng aking nga mata.

Hanggang sa aking ilong lang ang maskara kaya't kita ang aking naging pulang labi.

Ang aking kamay ay nabalutan na ng kulay sky blue na may highlights ng purple na gloves na umabot hanggang sa ibaba ng aking siko.

Ganoon din ang kulay ng aking boots na hanggang sa baba ng aking tuhod.

At ang aking damit na nabago sa style na Queen Ann at fit sa aking katawan, kulay blue ito na muling may highlights ng purple at may design na mga snowflakes. Pinaresan ito ng circle skirt na sobrang iksi. 

Ang aking mahabang buhok na kulay brown ay nabago na din ang style,kung kanina ay nakalupaypay at sabog ito ngayon ay naging bright brown with the highlights of red at nakasalapid na. Naramdaman ko din ang paglagay ng maliit na koronong style snowflake sa aking ulo.

Nang alam kong maayos na ang lahat sa pagpapalit anyo ko ay mabilis akong lumabas ng classroom.

Naramdaman ko ang kakaibang init ng lumabas ako, walang katao-tao sa bawat classroom.

Sobrang tahimik,at hindi lang basta tahimik. Nakakakilabot ang katahimikang 'yun.

"Ang tagal mo naman,kanina pa kita hinihintay.." Natigil ako sa dahil sa biglaang may magsalita.

Natuon ang tingin ko sa isang likod ng kung sino,nakatalikod siya sa akin at alam kong nakataas ang paa niya sa isa sa mga lamesa ng canteen namin.

"Sino ka?." 'Yun ang naitanong ko agad ng makita ang mga estudyante na nakatigil lang,para bang naging estatwa ang mga ito.

"Ako si Saicott, ang alagad ng anino." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status