Share

CHAPTER 15

“Mabuti naman at nandito ka na.”

“Hi?” bati ko sa kaniya na tila ba masama ang gising. Humigpit ang hawak ko sa tangkay ng rose.

“H’wag na tayong magplastikan, Jehan. I kept my distance from you and Vhan after your birthday. Tapos, ano ‘tong naririnig ko at pinagkakalat mo na ako ang rason ng break up niyo ni Vhan?”

Natigilan ako at tila ba sinampal sa narinig. Her words pierced directly to my spine, sending chills to my whole system. Nanatili ako sa kinatatayuan sa harapan niya habang nilalabanan ang bawat matatalim niyang mga tingin.

Wala akong mahuling salita na maaari kong ibato sa kaniya upang depensahan ang aking sarili. Bakas sa mukha ni Nanay Dolor na naguguluhan siya. Ganoon din naman si Lali na nakatayo sa gilid ko.

Napalunok ako ng sariling laway.

“Akala mo ba hindi ko alam? Obvious na pinagseselosan mo ako. Honestly, wala naman sa akin kung may pagdududa ka kay Vhan pero uso naman fact checking bago mag-assume ‘di ba? We’ve been friends for years and it’s disappointing to know na wala ka palang tiwala sa akin. Isaksak mo sa baga mo si Vhan nang matauhan ka!”

Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ko. Huminga ako nang malalim at binigyan siya ng masamang tingin. Nagngangalit ang aking panga sa kagustuhang pigilan ang sariling huwag magpadala sa galit.

Subalit may mga bagay talaga na kailangan nating ilabas upang gumaan ang pakiramdam natin. I didn’t know where those guts came from but I got my palm landed on her face. Nilapitan kami nina Lali at Nanay Dolor. Lali held my hand while Nanay Dolor hugged her.

Napatinga na lamang ako upang pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala sa aking mga mata.

“Quin, sige na… Sa susunod na lamang kayo mag-usap,” paki-usap ni Nanay sa kaniya bago siya nito binitiwan. Tinapunan ako sandali ni Quin ng masamang tingin saka siya padabog na naglakad paalis bitbit ang kaniyang bag. Nang makalabas na sa gate si Quin ay saka lang binitiwan ni Lali ang kamay ko.

“Ano bang nangyayari?” tanong ni Nanay kasabay ng paghakbang palapit sa akin. “Susmaryosep, Jehan! Nag-aaway kayo dahil lang sa lalaki? Nasaan na ang ilang taong pagkakaibigan na binuo niyo?”

In the end, ako pa rin ang lumabas na mali. Pinili ko na lamang na manahimik at tumuloy sa kwarto upang mapag-isa.

“Cham!” tawag ko sa kaniya na nasa unahan.

The corridor was a bit crowded dahil na rin sa kararating lang na mga estudyante na papunta sa kani-kanilang room, tulad ko. May iilang lumingon sa gawi ko habang si Cham naman ay patuloy pa rin sa paglalakad. Sinipat ko ang aking mukha sa naka-off na LED screen ng cellphone ko.

Naglagay ako ng concealer sa ibaba ng aking mga mata. Naglagay na rin ako ng eyeliner upang itago ang mugto kong mga mata resulta ng madramang pangyayari kahapon. Binilisan ko ang aking mga hakbang para habulin siya na malapit na sa room.

“Charmaine!” muli kong tawag sa kaniya. Lumingon siya sa gawi ko at noong magtagpo ang aming mga mata ay kusa siyang umiwas ng tingin. Tumuloy siya sa paglalakad papasok sa room namin.

Iniiwasan niya ba ako? Well, ano nga bang ipinagtataka ko? Malamang nasabi na sa kaniya ni Quin ang nangyari sa bahay kahapon. Huminto ako sa paglalakad nang mapagtanto ang bagay na iyon.

She’s on Aquinah’s side.

“Ako ba ang hinihintay mo? Napaka-sweet naman!” Napaigtad ako nang magulat sa boses na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko. Kusang umaliwalas ang mood ko nang makilalang si Liane iyon—abot pa hanggang sa tainga ang ngiti.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nalalanghap ko na rin ang mint scent ng candy na nginunguya niya. Naririnig ko ang pag-crack ng mga iyon sa pagitan ng kaniyang mga ngipin. Napansin ko rin si Thunder na nasa likuran at papunta sa direksyon namin. Nakasabit sa kanang balikat niya ang isang strap ng backpack at nakahawak sa lollipop na nasa kaniyang bibig ang kanan niyang kamay.

May malalim yata siyang iniisip. Nakayuko siya at ang mga makasasalubong na lamang niya ang nag-aadjust upang hindi sila magkabanggaan. Noong iilang hakbang na lamang ang layo niya sa amin ay saka siya umangat ng tingin. May kung anong excitement sa kaniyang mga mata. Tumakbo siya palapit sa akin saka ako pabirong sinakal gamit ang braso.

“Kuya! Ako ang nauna kay Jehan!”

“Who cares?” pambabara ni Thunder na ginantihan naman ni Liane ng masasamang tingin. Nagkatitigan silang dalawa na para bang nag-uusap.

“Psh. Mang-aagaw!” usal ni Liane saka padabog na naglakad paalis. Tinanggal ko naman ang braso ni Thunder sa aking balikat.

“Vhan Llorico!” May kung anong tumalon sa dibdib ko nang isigaw ni Liane ang pangalang iyon.

Sa hindi kalayuan, sa dulo ng corridor ay nakita ko si Vhan. Kumaway si Liane sa kaniya na sinuklian naman nito ng boxy-smile. There’s a part of me na humihiling na sana para sa akin ang ngiti na iyon—na sana may pag-asa pa kaming dalawa. Lumingon sa amin ni Thunder si Liane saka siya dumila para asarin ito.

“Mauna na ako sa inyo,” paalam ni Liane. Hindi na niya hinintay pa ang pagsang-ayon namin. Tumakbo na siya para lapitan si Vhan. May klase nga pala siya sa block namin ngayon.

Para akong nakatapak ng bubble gum at dumidikit sa sahig ang bawat kong hakbang. Seeing Liane walked beside Vhan to our room reminds me of that day wherein I happened to crossed ways with him and Aquinah on the staircase. Katulad ng araw na iyon, si Thunder din ang kasama ko.

The class hour being blockmates with Vhan felt like hell for me. Limitado ang kilos ko at tila ba isang malaking pagkakasala ang lumingon sa gawi niya.

“Siya nga pala, Mr. Llorico.” Lumaki yata ang tainga ko nang tawagin ni Miss Jang si Vhan. Humakbang siya palapit sa upuan ni Vhan, kung saan ay katabi nito si Liane. May iilan akong mga blockmates na lumingon sa gawi ni Vhan habang ang iba naman ay may kani-kanilang ginagawa.

“I got a word from the Dean. You’re not obliged to attend our regular class for this subject but make sure to pass the final exam.” Ayaw ko man sanang makiusyuso pa pero narinig ko nang buo ang sinabi ni Miss Jang. Matapos magpaalam ay lumabas na rin siya sa room.

Kung hindi na siya obligadong umattend ng klase sa subject na ito, maliit na ang posibilidad na magk-krus ang landas naming dalawa rito sa school. Naglakas ng loob na akong lumingon kay Vhan pero agad din akong umiwas noong magtagpo ang aming mga mata.

“Pst! May quiz daw sa next subject? Nakapag-review kayo?” Muli akong lumingon sa gawi ni Vhan nang marinig ang tanong ni Liane. Tumayo ito matapos magligpit ng gamit at tahimik na naglakad paalis. Sa nangyari kahapon, nawala na sa isip ko na may quiz pala ngayong araw.

Parehong mababa ang score naming tatlo sa nangyaring quiz. Mabuti na lang talaga at may one to five na identification part maliban sa 20 items na problem solving. Sa halip na magluksa sa nakuhang marka ay nagyaya si Thunder na mag-celebrate. Wala akong ideya sa kung ano ba ang dapat naming i-celebrate pero sumama na lang ako sa kanila ni Liane.

“Ginawa mo ba ‘yong sinabi ko sa iyo kahapon?”

Nilingon ko si Thunder na kanina pa yata nakatitig sa akin, magmula nang mapaalam ang huli naming instructor para sa araw na ito. Iilan na lamang kaming nasa room at nawala lang sa paningin ko si Cham nang hindi kami nagkakausap. Nang masigurong nasa bag ko na ang lahat ng gamit ko ay tumayo na ako para lumabas. Natigilan lang ako nang hilahin ni Thunder ang bag ko. Doon ko lang naalalang may sinasabi nga pala siya.

“Ah? ‘Yong tungkol sa salamin?” tanong ko at tumawa nang peke. “Ang dami ko kasing iniisip kahapon. Nakalimutan ko tuloy.”

Hawak pa rin niya ang bag ko kahit na nilingon ko na siya. Tumayo siya sa kinauupuan at itinulak ako upang muling maglakad. Nakasunod siya sa likuran ko habang hawak pa rin ang aking bag. Naiilang ako kaya naman hinubad ko na lamang ang pagkakasukbit ng bag sa balikat saka siya hinayaang bitbitin iyon.

“Kasama ba ako sa mga iniisip mo?”

“Hm?” Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya at walang paabiso akong pinitik sa noo.

Napaatras ako palayo sa kaniya at sinalat ang aking noo. Masakit din ‘yon, ah! Inirapan ko na lamang siya at bumaling ng tingin sa ibang direksyon kung saan ko nakita sina Vhan at Aquinah. Paliko sila sa may hagdanan, paakyat sa second floor. May kung anong kirot akong naramdaman nang makita na naman ang boxy-smile niyang iyon.

Ako lang yata ang nasaktan sa break-up naming dalawa.

“Jehan!” pukaw sa akin ni Thunder na agad ko namang nilingon. Napansin kong nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. I don’t know what was that for pero tinanggap ko pa rin. Huli na nang mapagtanto kong binabaybay namin ang kahabaan ng corridors nang magkahawak ang mga kamay.

“May tumatawag.” Itinaas ko ang hawak kong cellphone gamit ang malaya kong kamay. Binitiwan naman ni Thunder ang kamay ko. Humakbang ako ng ilang beses palayo sa kaniya.

“Hello?” My voice cracked. I waited for the person to the other line to speak but I heard nothing. Nilingon ko si Thunder sabay taas ng hawak kong phone. “Wala namang nagsasalita.”

“Baka prankster.” Nagkibit-balikat ako saka muling inilapat sa tainga ang cellphone.

“Um, Jey, it’s Corbi.” Sa wakas ay pagpapakilala niya. Ang ganda pala ng boses niya kapag hindi ko nakikita ang mukha niya. Mababa pero malinaw sa pandinig.

“You gave me your contact last time, right? It’s kinda urgent. Nasa school ka pa ba? Punta ka rito. SSC office.”

“Nakauwi na ako,” pagsisinungaling ko saka bumaling kay Thunder na mukhang na-curious sa kung sino ang kausap ko. Gusto rin yata niyang dagdagan pa ang mga problema ko sa buhay.

“I can see you. Magkasama kayo ni Kulog.” Bumuntong-hinga na lamang ako nang maalalang nasa lobby kami malapit sa Program Head office kung saan ay mayroong CCTV.

Mukhang wala akong takas sa presidente ng Student Council. Kumaway na lamang ako sa CCTV. I overheard him giggled on the other line.

“Bilis na!” Hindi na nga niya hinintay pang tumanggi ako. Pinatayan na niya ako kaagad. Tiningnan ko ang bag kong hawak ni Thunder. May usapan kaming celebration, e!

“Pinatatawag ako ni SC President,” ani ko at sinubukang abutin ang bag mula sa kaniya. Inilayo niya ito sa akin na siyang ipinagtaka ko.

“Collateral ‘to. Tawagan mo ako mamaya para masundo kita. Kapag hindi ka sumipot mamaya, hindi mo makukuha ‘tong bag.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status