Share

CHAPTER 31

JEHAN’S POV

“Sabi ko, paabot ng brush!” nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gahiblang pagitan ng mga mukha namin ni Thunder. Naka-squat siya sa harapan ko at tanging lalagyan lang ng paint brush at ilang lata ng pintura ang nakapagitan sa amin. Sa lapit ng mukha niya ay naaamoy ko ang yosi na hinithit niya kanina.

Today is the third day of our community service at tulad ng na-assign sa akin, nandito ako ngayon sa gilid ng daan—sa harap ng pader kung saan gagawin ang mural painting. Dalawang araw din namin itong nilinis at ngayon nga ay nagsisimula na si Thunder sa pagguhit. Naroon lang siya sa taas ng ladder kanina, paanong nandito na siya sa harapan ko?

“S-sorry?” Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na halos nabigyan ng pansin ang mga nasa paligid. Nasa walo kaming nandito at ang ilan sa kanila ay sinisimulan na ang pagpinta sa pader, ayon sa utos ni Thunder. Nakatitig siya sa akin kaya naman tinitigan ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status