“Bakit nandito sa kwarto mo ‘yong TV?”
What a nonsensical question I could ever ask. Katatapos lang naming palitan ang mattress ng kama niya ng binili ko kanina. Siya ang may-ari ng bahay pero siya itong nag-a-adjust para sa akin.
“Dahil walang tao sa living room?”
Well, it’s a given answer. Expected ko rin na ganoon ang magiging sagot niya. Sino nga naman ang manonood doon kung siya lang mag-isa ang tao rito sa bahay niya? Inirapan ko si Thunder at tumawa naman siya nang sarkastiko. May mga binago kami sa kwarto niya tulad na lamang ng ilang mga paintings na ikinabit namin sa wall pati na rin ang ayos ng walk-in closet.
“Ayusin din natin ‘yong living room,” suggestion ko. Kinuha kasi namin ang painting doon ni Gum kaya nagkaroon ng awang sa ibang bahagi ng wall sa living room.
“Hindi ka pa ba napapagod?”
Ang totoo niyan, pagod na rin ako. Hapon na rin kasi. Gusto ko lang na tumuloy-tuloy ang usapan namin. It felt awkward talking to hi
“Jehan!” Mula sa nakabibinging katahimikan na bumabalot sa room habang nag-eexam kanina ay napalitan ito ng hindi magkamayaw na mga boses. Katatapos lang ng exam namin sa apat na subject at kani-kaniya na sa paglabas sa room ang mga classmates ko. May naulinigan akong tumawag sa pangalan ko pero dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng mga gamit pabalik sa bag. “Jey, tumawag sa akin si tita Mariz kagabi, hinahanap ka!” Umangat ako ng tingin at nakita si Cham na palapit sa pwesto ko. “Anong sinabi mo?” “Sinabi kong natutulog ka na. Mabuti na lang at gabing-gabi na siya tumawag. Paano kung tumawag ulit mamaya? Anong sasabihin ko?” “Ikaw na ang bahalang gumawa ng kwento.” Tumayo ako pagkatapos isira ang sling bag saka ito isinukbit sa kanang balikat. Iilan na lang kaming narito sa loob ng room at nauna nang lumabas si Thunder. Kung inaakala niyong nag-review siya kasama ko kagabi,
“Hoy, Jehan Xaimylle! Kanina ka pa, ha!? Bakit hindi mo ako pinapansin?”Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko si Thunder. Kanina pa niya ako ginugulo magmula nang maupo kami sa mga respective seats namin. Ilang oras na ang lumipas nang magsimula ang exams. Sa ngayon ay nakatapos na kami ng tatlo. I’m not confident with my answers. Kumpara kahapon, paniguradong babagsak ako sa lahat ng exam ko ngayong araw. Sino ba naman kasi ang makakapag-review nang maayos kung ginulat ka ng ganoong balita?We still have five minutes before the next and thankfully last exam. Pero sinayang ko lang ang limang minutong iyon sa pakikipagtitigan sa kaniya. Kusang bumalik sa wisyo ang isipan ko saka umiwas ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses ni Ma’am Elissa sa unahan. Habang namimigay ng mga examination papers ay nilingon ko si Thunder na nakatingin pa rin sa akin.Wala akong mapansing kakaiba sa kaniya. I mean, he doesn’t felt like guilty
“You’re awake.”Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para makapag-adjust sa liwanag ng paligid. Tanging ang ilaw lang sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa kinaroroonan namin. Gabi na yata. Ilang minuto pa akong nanatiling nakahiga sa matigas at makitid na higaan habang inaalala ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay. Bumangon ako nang mag-sink in sa utak ko ang lahat.“Vhan!” pagtawag ko sa pangalan niya. Nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng wooden bench—sa bandang paanan—kung saan ako nakahiga. Sa unahan siya nakatingin. Iginala ko ng tingin ang paligid. Base sa mga locker na nakahilera sa unahan at tunog ng mga motorsiklo sa labas ay unti-unti akong naging pamilyar sa lugar. Dinala niya ako sa motocross camp.“Bakit tayo nandito? Vhan, ano ‘to?”“May gusto lang akong malaman.” Tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa akin. Kinuha niya sa bulsa ng jeans ang cellphon
“Sir Martin, nandito na ho si Jey!” Sa halip na ipagpilitan ang sarili ko sa alam ko namang mali ay umalis na lang ako sa bahay ni Thunder at nagpahatid sa taxi na sinakyan ko sa bahay ni lolo Martin.Papasok pa lang ako sa main door ng bahay ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Nanay Rosing. Naabutan ko siya sa harap ng double door ng library ni Lolo rito sa bahay niya. Bahagyang nakabukas ang isang pinto ng double door habang ang isa naman ay nanatiling nakasara at siyang kinakatok ng matanda. Nilapitan ko siya roon sa pag-aakalang naroon si Lolo sa library niya.Naroon nga si Lolo. Abala siya sa kung ano mang hinahanap niya sa drawing ng wooden desk kaya siguro hindi man lang niya narinig ang pagtawag at makailang katok ni Nanay Rosing sa pinto. Tila ba dinaanan ng buhawi ang nasabing silid, sa dami ng mga nagkalat na papel sa sahig. Mas dumarami pa nga iyon at nadaragdagan habang kinakalkal ni Lolo ang mga drawers. Humakbang ako papasok at pinulot
THIRD PERSON’S POV:“What the hell?” usal ni Blythe matapos marinig ang pagiging emotional ng lalaking kaharap niya. Sa isiping may nangyayaring paranormal sa bahay ng kinikilala niyang pinsan ay muli siyang sumulyap sa pinto.“Namamalikmata lang siguro ako. There’s no way that she’s pranking me.” Nilingon ni Blythe si Thunder saka ito tinaasan ng kilay. Muling nagpatuloy sa pagkain ng paborito niyang Chicken Curry si Thunder.“Anyways, okay lang ba if I stay here until weekend? Maliban kasi sa ‘yo and sa parents ko, wala ng ibang nakakaalam ng pag-uwi ko rito sa Pilipinas,” bakas ang American accent sa boses na saad ni Blythe. Napaghahalataang lumaki sa ibang bansa.Umangat ng ulo si Thunder upang harapin siya. Ang maputi at blonde-haired na babaeng naabutan ni Jehan sa bahay ni Thunder ay walang iba kung ‘di ang second cousin nilang si Blythe Zamora. Anak ito ng kai
Jehan’s Point of View“Jehan…”Siguro kung normal lang na araw ito, baka napuri ko na ang interior design ng bahay nina Aquinah. But sadly, I wasn’t able to roam my gaze around as my mind was blown in shocked. Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo na nakapaligid sa akin.“Wala bang magpapaliwag sa akin kung anong meron dito?” Mabigat ang paghinga ko silang tinitigan. Mula kay Quin, lumipat ako ng tingin kay mom at pagkatapos ay kay tito Arc.“Tito, ano hong ibig-sabihin nito?” cracked ang boses at natatawa kong tanong. “Mom!”Sa halip na magsalita, napalunok ng sariling laway si Mommy at umiwas ng tingin. Humakbang siya palayo ay Quin at nanghihinang umupo sa couch na nasa gilid niya. Muli akong bumaling kay tito na hindi makatingin nang tuwid sa akin. Wala akong nakuhang response sa dalawang nakakatanda kaya bumaling ako kay Aquinah. Diretsa siyang nakatingin sa akin nang m
“Apo, nandito ka na pala. Kumain ka na ba?” bati sa akin ni Lolo pagkatapos kong kumatok nang tatlong beses sa nakabukas pang pinto ng kaniyang kwarto.Hindi ko siya naabutan sa dining at nakasabay sa dinner nang dumating ako sa bahay niya mula sa motocross camp. May mga gamot daw kasi siyang kailangang inumin on time. Si Nanay Rosing na lang at ang iba pang kasambahay ang nakasabay ko sa pagkain. Kaya naman pagkatapos kumain at mag-ayos ng sarili ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya.Ngumiti ako nang pilit bago nilakihan ang awang ng pintuan at saka humakbang papasok. Maingat na bumangon si Lolo mula sa pagkakahiga niya sa kama. Mabilis kong isinara ang pinto para sana alalayan siya sa pagbangon pero huli na ako. Umupo na ako sa gilid ng kama niya sa bandang kanan.“Kumain na ho ako,” sagot ko sa naging tanong niya.“I’m sorry… I’m sorry for causing all these chaos,” ani niya sa mababang tinig
Para ba akong na-paralyze. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan at nakabibingi ang malakas na tibok ng puso ko. Paulit-ulit na sumisigaw ang utak ko at sinasabi sa akin na hindi ko totoong kapatid si Thunder.“For real ba?” paniniguro ko pa nga.“Alam mo, Jey. Kung gaano ka kaganda, gan‘on ka rin ka-slow! If you want your feelings for him to be incest, e ‘di maniwala ka sa mga kalokohan ni mama.” Para akong nabunutan ng tinik sa paa. Pabagsak akong humiga sa malambot na kama ni Cham at kinapa ang dibdib kong nagwawala pa rin.Hindi kami magkapatid ni Thunder. It felt like a pirated audio that keeps on playing on the back of my mind. ‘Yon ba ang gusto sana niyang sabihin sa akin pero hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita? May ngiti sa labi akong bumangon at hinablot ang sling bag ko. Naabutan kong magkasalo sa sink sina Aquinah at Cham na sabay na nagto-toothbrush.“Aalis muna ako pero