Share

CHAPTER 41

“Sir Martin, nandito na ho si Jey!” Sa halip na ipagpilitan ang sarili ko sa alam ko namang mali ay umalis na lang ako sa bahay ni Thunder at nagpahatid sa taxi na sinakyan ko sa bahay ni lolo Martin.

Papasok pa lang ako sa main door ng bahay ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Nanay Rosing. Naabutan ko siya sa harap ng double door ng library ni Lolo rito sa bahay niya. Bahagyang nakabukas ang isang pinto ng double door habang ang isa naman ay nanatiling nakasara at siyang kinakatok ng matanda. Nilapitan ko siya roon sa pag-aakalang naroon si Lolo sa library niya.

Naroon nga si Lolo. Abala siya sa kung ano mang hinahanap niya sa drawing ng wooden desk kaya siguro hindi man lang niya narinig ang pagtawag at makailang katok ni Nanay Rosing sa pinto. Tila ba dinaanan ng buhawi ang nasabing silid, sa dami ng mga nagkalat na papel sa sahig. Mas dumarami pa nga iyon at nadaragdagan habang kinakalkal ni Lolo ang mga drawers. Humakbang ako papasok at pinulot

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status