Share

CHAPTER 47

Third Person’s POV

“Anong ginagawa mo rito?” halos pabulong na tanong ni Aquinah sa taong nadatnan niya sa labas ng bahay nila. Nakasandal ang lalaki sa pundasyon ng gate na hanggang balikat lang nito. Sa higpit ng pagkakahalukipkip niya ay halatang giniginaw na ito sa tagal ng pagtayo roon.

“Anong ginagawa mo rito?” pag-uulit niya sa tanong. Nilingon siya nito na para bang doon lang niya naramdaman ang presensya ni Aquinah.

Nakasuklob ang hood ng suot niyang jacket sa kaniyang ulo at halos hindi makita ni Quin ang kaniyang mukha. Pero base sa tindig, katawan, height, at pamilyar na pabango nitong gamit ay walang dudang si Craig iyon lalo na’t kaka-message lang nito sa kaniya na nasa labas siya ng bahay nila.

Matapos ang mainit na away nila ng mommy niya sa bahay nito kanina ay nagpasya sila ng papa niyang umuwi na muna sa bahay nila.

Instead of answering her questions, Craig pulled her for a warm hug.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status