Share

CHAPTER 36

“Hindi pa ba sapat ‘tong mga pinamili natin?”

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumasok kami sa mall ay narinig kong nagreklamo si Thunder. Hawak niya sa kaniyang mga kamay ang dalawang malalaking plastic bags ng groceries. Ewan ko ba rito kung bakit niya inalis kaagad sa trolley pagkatapos naming magbayad. Based on my estimation, those goods could last at least a week. Sakto sa balak kong pag-stay sa bahay niya ng hindi sosobra sa isang linggo.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi mapakali ang mga mata ko sa paglinga sa paligid. Baka sakaling may nakalimutan kaming bilhin. Wala rin naman akong narinig kay Thunder na nakasunod sa likuran ko. Nilingon ko siya para alamin kung nakasunod pa ba siya sa akin. Wala akong napansing pagrereklamo sa gwapo niyang mukha pero halatang mabigat at masakit na sa kamay ang mga bitbit niya.

“Mauna ka na sa sasakyan.” Bumaling siya sa akin.

“May bibilhin ka pa ba?”

&ldq

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status