Share

Chapter 1: Bienvenida Querida Princesa

Chapter 1: Bienvinida Querida Princesa 

Merliah's PoV  

Matapos ang tatlong taon na pag-aaral ko sa Spain at pagsasanay sa paggamit ng baril at iba't ibang uri ng mga patalim at bomba, pinabalik na ako ng aking abuelo  sa Pilipinas upang dito na ipagpatuloy ang aking pag-aaral at nang sa gayon ay maging bihasa na ako sa pagpapatakbo ng aming mga negosyo.

Sa nakalipas na tatlong taon, matapos ang aksidenteng nangyari sa amin ng aking mama ay sa Espanya na ako nag-aral at nanirahan. Sa pagsasanay at pag-aaral ko lamang  ginugol ang oras ko sa Espanya at hindi  na pinagtuunan  pa ng pansin ang aking nakaraan at alaalang nakalimutan ko nang dahil sa trahedyang  iyon.

May kung anong kirot sa aking puso na biglang sumibol nang maalala kong ang aking mama na nasa ospital at tatlong taon nang comatose. 

Sumiklab naman ang galit sa aking puso nang maalala ko ang sinabi sa akin ng aking abuela't abuelo, ang aking ama raw ang siyang may kasalanan kung bakit nangyari ang car accident tatlong taon na ang nakalilipas. 

Ang aking papa ay nakikipagtalo sa aking mama habang nagmamaneho, dahil sa pagtawag ng  isang babaeng kinalolokohan ng aking ama ay nabangga kami ng ten wheeler truck.

Sinubukan  iwasan ng aking ama ang truck ngunit hindi nagtagumpay, kaya naman ang kanan na bahagi at likod na parte ang tinamaan kung saan kami naroon ng aking ina.

Kasalukuyan akong naghahanda ng mga gamit ko na gagamitin sa first day ko sa university na pag-aari ng pamilya ko, ang La Luna International University.

Akmang papasok na ako sa banyo upang maligo nang mag-ring ang  cellphone ko.

*Abuelo's calling*

"Buenas días, Abuelo! Porque llamaste?" magiliw na bati ko nang magandang umaga at nagtatanong kung bakit siya napatawag.

"Buenos días, hija! I just want to remind you that today is your first day at our university, your car is already outside of our mansion and the key will be handed to you by your personal butler together with my gift for your first day, I'm sorry I was not able to give it to you personally because I have too many meetings to attend," he explained that made me chuckle.

"What are you laughing at, young lady?" he asked curiously.

"Nothing it's  just that you're treating me like a toddler again, Abuelo!" I said while laughing.

"You're so silly  anyway I have to go now, adios!" he said before ending the call.

Agad akong naligo at nang matapos ay tumungo ako sa aking walk-in closet upang pumili ng isusuot, wala pa kasi akong uniform ang sabi nila sa akin ay baka next week pa maibigay iyon.

Kumuha lamang ako ng pink square pants at  white crop  top na hindi gaanong revealing at white sandals at  Gucci sunglass.

Matapos magbihis at mag-ayos ay kinuha ko na sa aking butler ang mga kailangan ko at ang regalo sa akin ng aking abuelo.

Napailing naman ako nang makita ang aking  bagong sasakyan na color white and gold Lamborghini Aventador para gawing school service ko.

Maganda ang interior ng sasakyan at doon ko na rin naisipang buksan ang regalo sa akin. 

Namangha ako  nang makita ang dalawang  customized 1911 Colt 38 with vines and berries design na 18k rose gold at mga bala nito at isang dagger knife—na halatang ipinasadya para sa akin dahil sa kulay gintong disenyo nito na may mga ruby stones na nagsilbing  bulaklak sa disenyong nakaukit na parang vines.

Napawi naman ang aking ngiti nang maisip na kaya ito niregalo sa akin dahil gusto na nila akong pumasok sa mundo ng mafia at aaminin kong hindi  pa ako handa.

Kasalukuyan na akong nagmamaneho nang biglang may humarang  na dalawang itim na sasakyan sa aking  daraanan kung saan lumabas ang apat na lalaking naka itim at may hawak na revolver.

Agad naman akong naging alerto at nang akmang aatras ako ay saka ko nakita na may dalawa pang kotse ang huminto sa aking likuran, apat ulit na lalaki ang lumabas mula sa dalawang sasakyan.

Habang papalapit sila sa akin ay inihanda ko naman  ang regalong baril sa akin at ikinasa ang mga iyon.

Ilang hakbang na lang ang layo nila sa akin habang tinatawagan ko naman ang aking butler at agad naman itong sumagot. 

Binilinan ko si Sam— ang butler ko na magpadala ng tulong at sinabi sa kaniya ang lokasyon ko.

Buong tapang akong lumabas ng aking sasakyan  matapos kong isukbit sa aking sling bag  ang mga baril at isuot ang aking sunglass.

"Who are you and what do you want from me?" I asked in a very flat tone.

Ngumisi sila sa akin at nilingon ang mga kasama nila, kaya naman nilingon ko rin ang mga ito at nakitang papalapit sila sa akin.

"Sumama ka sa amin ng matiwasay at hindi ka masasaktan," ani nang lalaking papalapit sa akin habang nakangisi.

Nang akmang hahawakan ako ng dalawang lalaki mula sa harapan ay agad akong nanlaban, buong lakas ko itong tinadyakan at humagis naman ito pabagsak sa lupa.

Sinugod ako ng tatlo pang natitira kaya naman isa-isa ko silang nilabanan at pinatumba. Siniguro kong mapupuruhan sila sa bawat pagtama ng aking tuhod, kamao at siko sa mga sikmura, pagkalalaki at mukha nila.

Agad kong inilabas mula sa aking sling bag ang dalawang 1911 Colt 38 na iniregalo sakin, itinutok ko ang mga iyon sa dalawang nagmula sa likuran nang makitang akmang bubunot sila ng baril.

Pinatamaan ko ang kamay ng isang lalaki na bumunot ng baril nang  itutok niya iyon sa akin kaya agad niyang nabitawan ang baril at ininda ang sakit.

Nang umastang susugod ang apat kong pinatumba ay agad kong pinagbabaril ang mga binti at kamay nila, nakatutok naman ang isa ko pang baril sa isa pang lalaki na nagmula sa likuran. Puro pagmumura ang aking narinig matapos ko silang pagbabarilin. 

Agad kong binaril ang lalaking natitirang nakatayo nang paputukan niya ako at mapalad akong hindi iyon tumama sa akin.

Habol hininga ko silang tinitigan isa-isa nang biglang may kumabig sa aking beywang  mula sa likuran at may naramdaman akong malamig na bagay sa aking sentido, agad kong nabitawan ang mga baril ko sa sobrang gulat.

"Bienvinida querida, princesa!" ani ng lalaki mula sa aking likuran.

"Quien eres tu y que necesitas de mi?" pagalit kong tanong sa kaniya at pilit na nag pupumiglas sa kaniya .

"Ang nag-iisang Princess Merliah Moxary Valentía Hernandez, nagmula sa dalawang pinakamayayaman at tanyag na pamilya sa iba't ibang sulok ng mundo at ang nag-iisang tagapagmana ng mga angkan na iyon ay mamamatay sa aking mga kamay, isang karangalan ang mabahiran ng iyong dugo ang aking kamay!" mahabang  sabi na 'to naku kunwaring namamangha at sa palagay ko ay marami  siyang nalalaman tungkol sa akin.

Hindi ako sumagot at pilit na pumiglas,  agad kong hinawi ang kaniyang kamay na may hawak na baril at nakipag-agawan ng baril sa kaniya nang bigla niya akong sipain nang napakalakas na naging  sanhi nang aking pagkatumba.

Labis ang kaba ko nang makitang itinutok niya sa akin ang baril  at nang lingunin ko naman ang mga kasamahan niya ay nakatayo na.

"Adios, princesa!" ani ng lalaking may hawak na baril.

Naipikit ko na lamang ang aking mga mata nang itinutok niya sa akin ang baril at akmang kakalabitin na ang gatilyo.

*bang*

Isang malakas na putok ng baril ang aking narinig, pinakiramdaman ko ang aking sarili at napagtantong hindi ako tinamaan.

Agad kong nilingon ang lalaki na ngayon ay naliligo na sa sarili niyang dugo, may tama siya sa ulo kaya napapikit naman ako nang dahil sa kaniyang itsura.

Mabilis kong dinampot ang aking mga baril na  malapit sa lalaki at agad na hinanap  kung sino ang may gawa noon at nakita ko naman ang isang lalaking matipuno, matangkad, at gwapo.

Pakiramdam ko ay kilala ko ang taong ito ngunit hindi ko siya maalala, iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya habang papalapit siya sa akin at tinignan ako. 

Nakita ko ang aking butler at ilan sa mga body guards na nasa paligid ng lugar at ang iba naman ay kasalukuyang dinadakip ang mga lalaking humarang sa akin.

"Señorita nasaktan po ba kayo?" Lumapit sa akin ang aking butler.

"Hindi naman, Sam." Tugon ko rito.

"Tss hindi raw nasaktan ngunit may gasgas ang siko at marumi ang likuran," ani nang lalaking lumapit sa akin sa aroganteng boses.

Sinamaan ko naman ito  ng tingin at nginisian lang ako at saka ako hinila nito papalapit sa aking sasakyan.

"Huwag mo kong hawakan ano ba?!" pagalit kong  sigaw sa kaniya  ngunit ang antipatikong ito ay hindi ako sinagot at  pinaupo lamang ako sa passenger seat ng sasakyan ko.

"Diyan ka lang at babalik ako." Utos niya na akala mo kung sino.

Salubong ang kilay ko nang sundan siya ng tingin habang lumalapit sa aking butler na may kinukuha naman sa compartment ng sasakyan, nang makuha ang kulay silver na box ay iniabot  sa kaniya iyon ng aking butler.

Tinaasan ko naman siya ng kilay nang pumasok siya at naupo sa driver seat ng aking sasakyan, kinuha niya ang aking kaliwang braso at maingat na hinarap ang aking siko na dumudugo pala.

Ginamot niya ang aking sugat at saka pinaandar ang makina ng sasakyan nang hindi man lang kumikibo.

"Hoy ano ba sa akala mo ang ginagawa mo?" inis na talagang tanong ko.

"Manahimik ka na lang diyan at ako ang magmamaneho ako si Jhay Laster, isa sa La Luna Mafia assassins," ani niya.

Napalingon naman ako sa kaniya nang marinig ang pagpapakilala niya, may kung anong  humaplos sa aking puso at tila maluluha ako nang dahil sa aking narinig ngunit 'di ko maintindihan kung bakit.

"Huwag mo akong titigan señorita," malamig na tugon niya.

"Hindi naman kita tinititigan!" agad kong depensa at tumingin na lamang sa bintana.

Hindi naman na siya sumagot pa at nagmaneho na lang. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa parking lot ng university.

Hinugot niya ang susi ng sasakyan at iniabot iyon sa akin, wala sa sarili ko namang inabot iyon  at mabilis siyang lumabas ng aking sasakyan.

Akmang bubuksan ko ang pinto  nang may magbukas nito mula sa labas, nang tignan ko kung sino ay walang iba kung hindi si Laster.

"Salamat!" utal at pabiglang ani ko.

Tanging tango lang naman ang isinagot niya at saka isinara ang pinto ng kotse at iginiya ako papasok ng campus.

Wala nang students sa paligid kaya naman tinignan ko ang aking wrist watch 10:00 am na, isang oras na akong huli sa klase kaya wala na ring mga students sa  paligid.

Nakarating ako sa office ng dean kung saan ang aking abuela ang dean.

Nang makapasok kami ay agad akong sinalubong ng aking abuela  nang may pag-aalala.

"Dios mío, mi nieta queridísimo!" aniya at niyakap ako ng mahigpit. 

Ngayon lang kami ulit nagkita sapagkat kahapon lang naman ako dumating, wala sila kahapon dahil nasa isang business venture sila at madaling araw na nakarating.

"Me alegro de verte de nuevo, Abuela!" nakangiting bati ko sa kaniya.

"Me enteré de lo que pasó, nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

"I'm fine, please don't worry too much." Tugon ko.

Hiningi ko sa kaniya ang schedule ko at ang section na kabibilangan ko, agad naman niya itong iniabot sa akin at sinabing sumabay na raw ako kay Laster dahil kaklase ko  raw ito and now, I hate this day!

Sa daan papunta ng classroom ay tahimik si Laster at hindi man lang niya ako nililingon,  bukod doon ay kapansin-pansin na hindi niya ako tinitignan  sa mga mata ko mula pa kanina.

"Laster," mahinang tawag ko sa kaniya at bahagya naman itong  huminto at lumingon sa akin ngunit hindi niya ako magawang tignan sa aking mga mata.

"Bakit?" mahinahong tanong niya.

"Nakilala na ba kita noon?" alanganing tanong  ko at biglang lumamlam ang kaniyang mata, nabasa ko sa mga ito ang lungkot na lalo kong ipinagtakha.

"Oo," mahina at malungkot na sabi niya at tumalikod.

Magtatanong pa sana ako ng biglang—nanikip ang aking paghinga matapos ng isang malakas na tunog na sa pakiwari ko ay putok ng baril.

"Laste—" nilingon niya ako ngunit 'di ko na nagawang tapusin pa ang aking sasabihin.

Naramdaman kong  sinalo niya ako at nakita kong natataranta siya, tumulo ang luha niya sa aking mukha.

"Mahal!" ang huling salitang narinig ko bago tuluyang magdilim ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status