Share

Chapter 3: La Confrontacíon

Chapter 3: La Confrontación 

"Te extraño, Mama!" Umiiyak na pagpapahayag ko ng pangungulila sa kaniya.

Lumapit si Elouisse sa akin at hinagod ang aking likod upang aluin ako.

"Gigising din siya, magtiwala lang tayo." Umupo siya sa gilid ng kama ni mama.

"Elouisse, I want to know what happened three years ago." Tumingin ako sa kaniya at  bumakas sa mukha niya ang gulat sa aking sinabi.

Alanganin siyang tumingin sa akin at saka bumuntong hininga.

"Noong nangyari ang aksidente ay galing kayo sa bahay namin, kaarawan ko noon ngunit natapos ang masaya sanang araw ko sa isang bangungot," ani Elouisse at saka nagpunas ng luha.

"Noong araw na 'yon ay nakita ko si Tita Lisheria sa kwarto ni mom, naiwan nilang marahang nakabukas ang pinto kaya naman rinig na rinig ko ang paghagulgol ni Tita Lisheria at iyon ay dahil kay Tito Ezekiel." Tumingin muna siya kay mama at saka tumitig sa akin.

"Akala ko ay kailangan kong ilihim 'yon sa'yo ng araw na 'yon para hindi ka masaktan, sa halip na sabihin sa'yo ay pinili kong maglambing sa'yo at sabihing ikaw ang bestfriend ko iwanan ka man ng lahat o pagdudahan mo man ang sarili mo at sinabi kong 'wag mo 'yon kalilimutan gaya nang hindi mo pagkalimot sa pagkakaibigan natin," humihikbing ani Elouisse.

"Ngunit sadyang mapaglaro nga yata talaga ang tadhana, kasasabi ko lamang na 'wag mo 'yon kalilimutan ngunit  hindi natapos ang araw na 'yon at nabalitaan ko na lamang na nasa ospital ka at walang malay, matapos ang isang linggo saka ka lamang gumising," mas malakas at madamdaming hagulgol niya pa habang nagsasalita.

"Hindi mo na ako maalala,  Liah." Humagulgol na siya ng tuluyan at hindi ko naman napigilan ang luha ko.

"Akala ko 'yon na ang worst part pero hindi pa pala, nalaman namin sa doktor na nagte-take ka ng  anti-depressants for one year straight at saka lang nasabi sa amin ni Shia na matagal mo na  palang alam ang ginagawang pagloloko ni Tito Ezekiel at matagal mo na palang itinago ang ginawa niya—" hindi niya naituloy ang naiis sabihin

"Elouisse! Tama na," ani Laster na nasa loon na rin pala ng silid.

Nakaramdam ako ng matinding pagsakit ng ulo  at  may kung ano-ano akong naririnig.

"Huwag po, pakiusap!" pakiusap ng isang boses ng bata.

"Huwag niyo po akong saktan hindi po ako mag susumbong!" umiiyak na ani ng bata.

"Huwag po!" sigaw ulit ng boses.

"Liah!"

"Merliah, sumagot ka! Ayos ka lang?!" saka ko  lang namalayan na inaalog na ako ni Laster habang nakatitig sa akin at hawak ang magkabila kong balikat.

"Uuwi na ako," utal kong sabi.

Hinalikan ko sa noo ang aking mama at hinawi ang buhok niyang tumatakip sa kaniyang mukha.

"Babalik ako, Mama." Tumayo ako ngunit hinarang ako ni Laster.

"Ihahatid na kita, may biglaang utos si Señora Rustica kay Sam at Manong Bert kaya ako ang pinagsundo sa'yo." Kinuha niya ang gamit ko at hinila ako ng marahan palabas habang kasunod naman namin sila Elouisse at ang kanina pang tahimik na sina David at Rigil.

"Laster..." Nilingon niya ako nang hindi ko na nasundan ang pagtawag sa kaniya.

"Bakit?" alanging tanong niya.

"May alam ka rin ba tungkol sa nakaraan ko? Sino ka sa buhay ko? Anong alam mo?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya at tila 'di naman siya mapakali sa pagmamaneho nang marinig niya ang aking mga katanungan.

"Nandito na tayo," aniya at inihinto ang sasakyan  habang hinihintay na bumukas ang gate ng mansyon.

Halata sa kaniya na umiiwas siya sa tanong ko.

Bumukas ang gate at pinaandar niyang muli ang sasakyan papasok sa mansyon  at pumarada pagkarating sa  unahang pinto.

"Kung ano man ang mga tanong sa isip mo, malalaman mo balang araw ang mga kasagutan at sana paghandaan mo ang mga araw na iyon at magpakatatag sa lahat ng malalaman mo." Tinignan niya ako sa mga mata at bakas naman sa kaniya ang pag-aalala.

"Tara na at pumasok, naghihintay na ang Señor at Señora." Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan palabas ng sasakyan.

Nang makapasok sa mansyon ay agad kaming nagtungo sa hapag-kainan sapagkat naroon daw ang mga nakatatanda.

"Merliah! Maupo na kayo ni Laster at kumain ng hapunan," masiglang pag-aya ng aking Lola sa amin.

"Laster, come join us!" mailing aya naman ng aking Lolo kay Laster.

Naupo kami ni Laster at pinagsilbihan naman kami ng aming mga butler.

"So how's your day, Princess?" nakangiting tanong ni Lolo.

"It's fine naman po, Abuelo." Tumango siya sa'king sagot.

"How's your visit—" Hindi na naituloy ng aking Lola ang sasabihin niya nang biglang...

"Good evening!" bati nang taong Hindi ko kailanman hiniling na makita.

"Ezekiel, what brings you here?" takhang tanong ni Lolo sa aking Papa.

"Merliah and I have to talk" aniya at tumingin sa akin.

"Talk about what?" tanong naman ni Lola.

"This young lady right here did something terrible inside our campus earlier in the morning and made someone feel humiliated and ashamed, that someone happened to be her step-sister!" Galit na aniya.

I chuckled. "I made someone humiliated? What did I do for you to accuse me? Did she even tell you what she did to me? Did you ever asked or do you even have proofs and shreds of evidence?" sunod-sunod ag sarkastikong tanong ko.

I smirked when my dad didn't answer because I know that he knows I am right.

"You keep on scolding me and accusing me without basis and shreds of evidence, don't you think you're being so biased?" I asked.

"Liah! Wala akong kinakampihan sainyo ni Rach—" naputol and kaniyang sasabihin dahil sa aking sigaw.

"Wala?! Then what the hell are you doing here?! Why are you scolding me and accusing me without even asking what happened! I am so pissed!" I shouted.

Everyone has a shocked expression, maybe they didn't expect me to shout.

"You're being unreasonable, Liah! I told you to respect your sister and your  new mom." Abuela slapped him as he finished his sentence.

"How dare you, Ezekiel?!" Abuela is raging mad as she confronts Papa.

"Hindi ko siya kapatid at mas lalong hindi ko tatanggapin bilang bagong ina ang babae mo!" Padabog akong tumayo sa hapag at akmang aalis na ng dining area.

"Merliah, matuto kang gumalang sa akin bilang ama mo, ama mo parin ako sa kabila ng lahat ng pagkakamali ko dahil hindi ko malaman kung anong kasalanan ko sa'yo," mahinahing aniya na siyang nagpahinto sa akin.

I smirked as I turn to stare at him.

"Ano nga bang kasalanan mo, bakit hindi mo aminin ngayon sa akin, bakit hindi mo alam? Hindi mo nga ba alam o sinasamantala mo ang pagkakaroon ko ng amnesia para itago kung ano mang kahayupan ang ginawa niyo, ang kahayupan mo, huwag na huwag ka na muling magpapakita sa akin para akusahan ako dahil baka tuluyan kong kalimutan na anak mo ako at ikaw ang ama ko." Tumalikod na ako at tumungo sa aking kwarto at doon inilabas lahat ng sama ng loob na kanina pa nagpapahirap sa puso ko.

Why do I feel betrayed? Bakit parang ang dami kong hindi alam? Bakit pakiramdam ko lahat sila may itinatagong sikreto? 

I wiped my tears as I heard someone knocking.

"Liah, si Laster 'to." Hindi ako sumagot at pinagbuksan na lamang siya ng pinto.

"What do you need?" I asked.

"Can we talk?" I let him come in and close the door as he walk inside my room.

"What is it?" I asked.

"Are you okay?" he asked worriedly.

"Do you want an honest answer?" He nod as an answer.

"I am not, everyone's hiding something from me, I am not dumb and I am not stupid," mahinahong sabi ko at umupo sa aking kama.

"May mga bagay na hindi mo pa dapat malaman ngayon, nag-aalala ang lahat sa maaaring maging epekto ng mga iyon sa'yo," paliwanag niya at umupo sa aking tabi.

"Tama ako, may alam ka rin at may sinisikreto sa akin." Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang tignan ko siya sa kaniyang mga mata.

Nanatili siyang tahimik at marahang pinunasan ang luha sa aking mga pisngi at mata.

"Gusto kong malaman kung sino ka, kung anong nangyari sa'kin noon, kung anong dahilan ng lahat, kung bakit naging ganito ang lahat pero lahat na lang ng nasa paligid ko may itinatago at pakiramdam ko lahat kayo niloloko ako," umiiyak kong ani.

"I'm sorry, alam kong hindi mo deserve na paglihiman at alam kong karapatan mong malaman ang lahat pero hindi pa ito ang tamang oras." Niyakap niya ako at sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko na unti-unti akong kumakalma.

"Cry as much as you need and as long as you want, I'll be here for you so don't worry because I am here to protect you," aniya.

Hindi man ako sigurado kung anong naghihintay na kapalaran sa'kin ngunit napanatag ang loob ko nang dahil sa mga salitang binitawan sa'kin ni Laster.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap ngunit hindi ko  na namalayang nakatulog ako sa bisig niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status