Share

Kabanata 26

MARAMING ARAW ang lumipas matapos ang nangyaring insidente doon sa mansyon nila Wade. Nakakapagtaka na maski isang balita tungkol doon ay wala akong narinig. Tahimik lang din si Ken at hindi na muling binuksan ang usapan tungkol doon. Sa tuwing mababanggit ko nga 'yon ay kaagad niyang iniiba ang usapan.

"Love, dress up."

Taka akong napatingin sa kaniya. Katatapos lang ng duty ko para sa huling araw ng OJT dito sa company nila. Sa wakas ay natapos ko na rin ang kinakailangang oras para rito. Research na lang ang kailangan kong ayusin at makaka-graduate na ako.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

"Anywhere. Magpapahangin?"

Napakunot ang noo ko. Himala yatang nag-ayang lumabas ang taong ‘to ngayon. Usually ay gusto niyang nasa coffee shop lang o hindi naman kaya ay nakakulong lang sa loob ng unit niya. Siguro ay naburyo na rin siya sa katatrabaho kaya ganoon. Kahit sino naman siguro ay magsasawa sa ginagawa niya kung paulit-ulit lang naman ito araw-araw.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status