Share

Kabanata 32

“NAKIPAG-AWAY KA na naman, para ka talagang ewan. Madaling mag-init ang ulo mo at ang sungit-sungit mo pa,” malumanay na sermon ko sa kaniya.

As usual, ako na naman ang personal nurse niya. Narito na kami ngayon sa unit ni Ken at kasalukuyan siyang sinisermunan dahil sa pakikipagbasag-ulo niya. Minsan naiisip kong ang solusyon niya sa lahat ng problema ay pakikipagsuntukan eh.

“Kung nagsabi ka kung saan ka nagpunta, eh ‘di sana ay hindi ako nagpanic nang ganoon,” paninisi pa niya sa akin.

“Love, huwag ka kasing masyadong maging padalos-dalos,” sabi ko. Idinampi-dampi ko ang cold compress na kinuha ko sa labas kanina sa pasa na nasa mukha niya.

“Paanong hindi ako magpapadalos-dalos? Kalat na kalat sa social media ang pag-aaway ng mga mga g*go dahil sa iyo.”

Napakunot ang noo ko. “Sino? At bakit naman sila mag-aaway nang dahil sa akin?”

“Sina Ji at Wade. Nag-away daw sila nang dahil sa iyo kanina.”

“Dahil?”

Nagkibit-balikat siya sa akin. “Sigurado akong nakipag-away si Ji dahil m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status