Share

𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 35

HINDI KO mapigilang hindi maging emosyonal sa naabutan kong ayos ng guest room niya—napaka ganda.

Sobra akong nagulat sa surpresang ito ni Ken. Hindi ko alam kung paano niya ito naipahanda kahit na kauuwi lang niya kahapon pero sobra ko itong na-appreciate. Sa isang lalaking katulad niya, hindi ko lubos maisip na paghahandaan niya nang ganito ang birthday ko. Bukod doon, nakakatuwang isipin na mas naalala niya pang kaarawan ko ngayon kaysa sa akin.

Ang kulay puce pink na canopy sleigh bed na may turkish rose na curtain ang unang nakaagaw ng pansin ko. Alam na alam niya talaga ang favorite color ko. Nakadagdag pa nga sa ganda niyon ang nakalaylay din sa kurtinang mga fairy lights. Akala ko sa mga palabas patungkol sa prinsesa ko lang makikita ang ganitong hitsura ng kama, hindi ko akalain na mae-experience ko pala.

Sa ibabaw ng kama, naroon ang isang malaking bouquet ng pink tulips. May kasama pang isang malaking box ng regalo na siyempre ay hindi ko pa alam ang laman. Pagkatapos ay ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status