HINDI KO mapigilang hindi maging emosyonal sa naabutan kong ayos ng guest room niya—napaka ganda.Sobra akong nagulat sa surpresang ito ni Ken. Hindi ko alam kung paano niya ito naipahanda kahit na kauuwi lang niya kahapon pero sobra ko itong na-appreciate. Sa isang lalaking katulad niya, hindi ko lubos maisip na paghahandaan niya nang ganito ang birthday ko. Bukod doon, nakakatuwang isipin na mas naalala niya pang kaarawan ko ngayon kaysa sa akin.Ang kulay puce pink na canopy sleigh bed na may turkish rose na curtain ang unang nakaagaw ng pansin ko. Alam na alam niya talaga ang favorite color ko. Nakadagdag pa nga sa ganda niyon ang nakalaylay din sa kurtinang mga fairy lights. Akala ko sa mga palabas patungkol sa prinsesa ko lang makikita ang ganitong hitsura ng kama, hindi ko akalain na mae-experience ko pala.Sa ibabaw ng kama, naroon ang isang malaking bouquet ng pink tulips. May kasama pang isang malaking box ng regalo na siyempre ay hindi ko pa alam ang laman. Pagkatapos ay ma
NANUNUYO ANG lalamunan ko at hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Sh*t, ayoko nang lumabas pa roon o maski ang magpakita pa sa kanila sa mga susunod pang mga araw. Pakiramdam ko ay iyong scene kanina ang maalala nila sa tuwing magkakasalubong kami!“Love, lumabas ka na riyan . . . para kang timang na nagtatago riyan,” sabi pa sa akin ni Ken.“Ayoko na—nahihiya na ako. Gusto ko nang magpalamon sa lupa, Love,” sagot ko sa kaniya.“Bakit ka naman mahihiya? Sila ang mahiya sa atin dahil pasok sila nang pasok nang walang pasabi. At isa pa, mas malala pa sa naabutan nila kanina ang ginagawa ng mga iyon.” Binuksan niya ang nakatakip na kurtina ng kama. “Come on.”Umiling-iling ako habang nakasimangot sa kaniya. “Ayoko, Love, dito na lang ako.”“Hindi puwede.” Inilahad niya ang kamay niya sa akin para ako ayain nang bumaba sa kama at sumama na palabas sa kaniya. “Nahuli naman na nila tayo—hindi na magbabago iyon,” tatawa-tawa pang sabi niya.“Nagagawa mo pang t
“MARE!” KAAGAD na salubong sa akin ni Gwen pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin. Ikinawit pa niya ang kamay niya sa braso at kung makatingin sa akin ay para bang naghihintay siya ng isang kapana-panabik na kuwento.“Manahimik ka riyan, mare, wala akong ikukuwento sa iyo kung kailan at saan nangyari, but yes . . . I’m pregnant,” bulong ko sa kaniya.“Oh my gosh!” sigaw niya nang pabulong at talagang may nalalaman pang pagtakip ng palad sa bibig niya.Thanks God at nakahalata siyang ayaw kong malaman ng iba ang tungkol dito—subukan niya lang ipaalam sa kanila!“How does it feel ba, mare, ang makaisa ang isang Ken Sebastian Alvarez at matikman ang kaniyang nakakaakit na mga labi?” walanghiya pang tanong niya.Kinurot ko siya sa tagiliran. “Ano bang klaseng tanong iyan? Talaga bang gusto mong sagutin ko iyan?”“It’s just a normal question para sa mga taong naka-experience na ng pagme-make love!”Napasapo na lang ako sa noo ko. “It’s not a normal question, Gwen. But to give an answer
“ATE, SA kuwarto ko na lang din ikaw matulog, please?” Nagtatatalon pa si Kate habang nakikiusap siya sa akin. Nang malaman niya kasing dito ako mag-stay sa loob ng tatlong araw ay hindi na niya ako tinantanan na pakiusapan na sa tabi na niya matulog.“Kate, hindi kayo kasya ng Ate Ciashet mo roon. Single bed lang ang kutson mo at sa sobrang likot mo pang matulog, baka mamaya ay masipa mo pa siya o kung hindi man, maitulak pababa sa kama,” sabi sa kaniya ni Tita Babs habang nag-aayos kami ng gamit dito sa kuwarto ni Ken sa bahay nila.“Mommy, gusto ko tabi kami, dito na lang din ako matutulog sa kuwarto ni Kuya, sige na please?” pagpupumilit pa niya.“Ang laki-laki mo na, tatabi ka pa? Doon ka na lang matulog sa kuwarto namin ng Daddy mo kung gusto mo,” suhestiyon pa ni Tita.“Ayoko nga,” sumimangot pa siya. “Ang dikit-dikit ninyo parati, eh. Makakaistorbo lang ako. Kahit sa harap ko, nagyayakapan kayo ni Daddy.” Naramdaman ko ang paghawak ni Kate sa magkabila kong palad. “Please, Ate
“MAMA, PAPA, tapos na po ba kayo riyan?” tanong pa ni Ciashet sa kaniyang mga magulang habang abala siya sa pagsasaayos ng iilang mga gamit na dadalhin nila para sa outing. Pasikreto kasi silang inimbitahan ng mga magulang ni Ken na dumalo sa surprise birthday party nito. Ipinadala pa nga ng mommy ni Ken ang sasakyan nila para maghatid sa kanila sa venue.“Sandali lang, anak, ito kasing papa mo ay hindi makaisip ng susuotin, nahihiya raw siya baka mapagtawanan tayo,” sagot pa ng mama niya sa kaniya.“Ma, hindi ganoon sina Tita at Tito, promise! For sure magkakasundo kayo—sobrang welcoming nila,” malawak pa ang pagkakangiti ng babae. Excited na kasi siyang magkakilala ang mga magulang niya at ng nobyo niyang si Ken.“Okay na ba ito, anak? Hindi ba nakakahiya ang hitsura ko?” nangangamba pang tanong ng kaniyang ama sa kaniya. Inaayos pa nito ang kaniyang blue and gray stripes polo shirt.Nilingon ni Ciashet ang ama. Nilapitan niya pa ito at bahagyang inayos ang kuwelyo ng polo shirt nit
PINASAMAHAN AKO ni Tita Babs sa anim na umuwi muna sa bahay para kumuha ng mga gamit nila habang naroon sila sa ospital. Ayaw nilang iwanan si Ken doon at ayaw din nilang mag-stay ako nang matagal doon dahil tiyak daw na mai-stress lang ako—baka makasama pa sa dinadala ko.Gustong-gusto ko nang makita si Ken pero wala naman akong magawa. Wala akong ibang choice kundi ang hintayin siyang para makapasok ako sa kuwarto niya—doon lang daw kasi papayagan ng mga doktor na makapasok ang mga hindi kamag-anak ng pasyente.“Huwag ka nang sumama pabalik, Queen, okay? Iyon din naman ang bilin ni Tita. Dito ka na lang para makapagpahinga ka. Papupuntahin ko rito si Gwen,” sabi ni Coach.“No, gusto kong sumama . . . gusto kong naroon ako sa oras na magising siya.”“I know, pero ano namang magagawa mo roon, eh ni hindi nga tayo pinapapasok? Wala kang maayos na matutulugan doon kung sakali. Alagaan mo ang sarili mo at ang anak ninyo. For sure naman ay iyan din ang gusto ni King na gawin mo,” pagpapal
SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan
“WHAT’S WRONG with her? Parang hindi siya iyong nakakainis na babaeng kilala ko. Mukhang natutuhan na niyang mag-isip.” Naguguluhang tanong ni Ken.Hindi na kasi nawala sa isip niya ang hitsura ni Ciashet kanina. Malayong-malayo umano sa Ciashet na kilala niya ang kaharap niya kanina. Kaya nga sobra siyang nanibago habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito.Nasa ospital ang lahat ng kaibigan niya. Paano ba naman ay ipinatawag niya ang mga ito para ikuwento ang nangyari at pamamaalam ni Ciashet kanina sa kaniya. Dati-rati, sa tuwing sinasabi sa kaniya ng babae na titigilan na niya ito, kinabukasan ay alam niyang nariyan na naman iyon para manggulo.Pero ibang-iba ngayon. Nabakas niya ang kaseryosohan sa desisyon na iyon ni Ciashet.“I told you, King, hindi na siya iyong Ciashet na naaalala mo dahil nga four years ago na iyon! Ewan ko ba sa iyo kung bakit ayaw mong maniwala na mayroon na nga kayong relasyon. Hinanap mo siya, dude, hinanap mo!” Naiinis nang paliwanag sa kaniya ng k