Share

12- Building tension

"Sorry po, Sir Jacob," wika ni Isabel. "Saglit ko lang ho iniwan si Lola Anita. Hindi ko naman ho alam na may balak siyang magluto. Ang totoo ho niyan ay hindi na namin talaga siya pinapayagan na kumilos nang walang nakabantay dahil nga pwedeng mangyari ang ganito."

Tumango si Jacob. "Okay lang, Isabel. Wala kang kasalanan. Dapat inalam ko ang lahat tungkol sa kondisyon ni Lola. Sisiguraduhin kong hindi na ito mangyayari."

"Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital?" nag-aalalang tanong ni Mia habang inaalo ang matanda na bahagya pang nanginginig.

"Nurse ho ako, Ma'am Mia," wika ni Isabel. "Kailangan lang ni Lola ng pahinga. Pinainom ko na rin siya ng gamot. Mayamaya lang ay kakalma na siya."

Bumuntong-hininga si Mia.

Bahagyang nasunog ang kusina ng malaking bahay. Nakalimutan ni Anita na isara ang stove na ginamit nito sa pagluluto. Nakita raw ni Vic ang usok na nanggagaling sa bahay kaya tumakbo siya patungo roon. Naabutan niya si Anita na natataranta sa pagpatay ng apoy. Mabuti na la
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status