Share

13- Heating up

Lumagos sa kusina si Jacob at nakita sina Mia at Isabel na abalang-abala sa pagluluto ng kani-kaniyang putahe. Nanlilimahid na ang mga ito sa pawis. "Ang bango naman!" wika niya.

"Ay, Sir Jacob!" nagulat na bulalas ni Isabel. "Amoy pa lang, masarap na, 'no? Ano pa kaya kapag kinain n'yo na?" May landi sa tuno ng boses nito.

Napataas ang kilay ni Mia. Effortless talaga si Isabel sa pag-inis sa kaniya. "Walang kasama si Lola?" tanong niya kay Jacob.

"Gising na siya. Naghihintay na lang na tawagin para kumain. Excited na siyang kumain ng mga niluto ninyo," tugon ng binata.

Kumuha si Isabel ng isang lutong lumpia. Tinuhog niya iyon ng tinidor at tsaka hinipan. Pagkatapos ay lumapit siya kay Jacob. "Tikman n'yo po, Sir Jacob. Tiyak kong makakalimutan mo ang iyong pangalan," anito.

Para hindi mapahiya ang dalaga, tinikman ni Jacob ang lumpia. "Hmm. Masarap! Marunong ka palang magluto, Isabel," aniya.

"Syempre ho. Pwedeng-pwede nang mag-asawa," tugon ni Isabel.

"Jacob, come here," wika naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status