Share

27- Unwelcomed Guest

Three days have passed since Jacob left and went to Canada. Pakiramdam ni Mia ay taon na ang dumaan. Palagi naman siyang tinatawagan ng nobyo katulad ng pangako nito, ngunit lalo lamang siyang nangungulila. Ang sabi ni Jacob ay gagawin nito ang lahat upang matapos ang mga kailangan nitong gawin, ngunit walang nagawa si Mia nang sabihin nito na maaring umabot ito doon ng isang buwan dahil sa unforseen circumstances. Gusto niyang magtampo, ngunit alam niyang hindi rin naman gusto ni Jacob na magtagal doon.

"Ang mabuti pa siguro ay maghanap ka ng pansamantalang mapaglilibangan habang hinihintay mo si Jacob," wika ni Anita sa kaniya isang araw habang sila ay nag-aagahan.

"Huwag ho ninyo akong alalaahanin, Lola Anita. Nairaraos ko naman ang bawat araw," tugon ng dalaga.

"Nami-miss ko na rin ang apo ko," wika pa ni Anita. Bumagsak ang mga balikat nito. Nilapitan ito ni Mia.

"Uuwi rin po si Jacob," anang dalaga habang hinahaplos ang likuran ng matanda. Sa huli, siya rin pala ang magko-comfo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status