Share

33- Realizations

"Where is Natalia?" tanong ni Vincent sa asawang si Diana na umiinom noon ng tsaa.

"Did I hear you right? Hinahanap mo si Natalia?" sarkastikong tugon ni Diana.

Nagbuntong-hininga si Vincent. "Pinag-isipan ko ang lahat ng mga sinabi ninyo sa akin," aniya. "I realized that you were right. I changed. I forgot you both. Napabayaan kita bilang asawa ko, at napabayaan ko ang anak natin. Hindi pa rin ako titigil sa paghahanap kay Mia, pero gusto kong bumawi kay Natalia."

Nagbago ang rehistro sa mukha ni Diana. Gumaan iyon. "Babawi ka kay Natalia?" aniya. Tumango si Vincent.

"Hindi pa naman siguro huli ang lahat."

"Of course!" nakangiting tugon ni Diana. "She's at her friend's house, pero uuwi siya mayamaya lang." Tumayo siya at nilapitan ang asawa. Hinaplos niya ang mukha nito. "Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Miss na miss ka na ng anak natin. Hindi na ako makapaghintay na makita kayong mag-ama na kagaya ng dati."

"Kagaya ng dati?" Muling nagbuntong-hininga si Vincent
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status