Share

31- Missing

"Sh*t, girl! One-night-stand na nauwi sa pagmamahalan?" Natakpan ni Bianca ang bibig nang ikuwento ni Mia ang mga nangyari.

"One-night-stand lang ang totoo ro'n," tugon ni Mia kasabay ng isang buntong-hininga. "Hindi niya ako minahal. Ginamit niya lang ako."

Bumagsak ang sulok ng mga labi ni Danica. "Sad," anito. Napabuntong-hininga rin ito. "Pero pa'no kung mahal ka na nga niya talaga? It can happen, you know. Baka nahulog siya sa iyo in the process."

"Masyadong malalim ang dahilan sa ginawa niya. I don't believe na natutunan niya akong mahalin kung puno ng puot para sa ama ko ang puso niya. Napakagaling niya lang talagang magpanggap dahil napaniwala niya akong mahal niya ako." Nangilid ang mga luha niya.

"Ikaw na rin ang nagsabi. Puot sa ama mo, hindi sa iyo. Ayaw mo ba siyang i-confront? Hindi ba mas okay na sa bibig niya mismo manggaling ang totoo? May pinagsamahan naman kayo."

"Para ano? Para mas masaktan ako kapag sinabi niyang totoo ang lahat ng sinabi ng Sandra na iyon? O para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status