Jacob smiled when she saw Mia's twinkling eyes habang iginagala nito ang mga mata sa paligid. "Ang ganda rito, ano?" aniya sa dalaga. Sa sobrang pagkamangha ay ngiti lang ang itinugon ni Mia."Jacob!"Napalingon ang binata nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Manong Vic!" nakangiting tugon niya. "Ba't hindi ka man lang nagsabi na darating ka ngayong araw?" tugon ni Vic. Katiwala ito ni Anita sa farm."Maaabala pa ho kayo. Alam kong mag-iisip kayong paghandaan ako.""Natural! Ilang taon kang hindi nakauwi rito.""Ayos lang ho iyon, Mang Vic," tugon niya. "Ang Lola?"Nagbuntong-hininga si Vic. "Nasa bahay n'yo. Sa tuwing makikita ako ay itinataboy ako. Hindi niya ako nakikilala, Jacob. Pero may mga araw naman na naaalala niya ako," anito.Bumagsak ang mga balikat ni Jacob. "Makilala niya ho kaya ako?" nag-aalalang wika niya."Oo naman. Walang ibang bukambibig iyon kundi ikaw. Sabik na sabik na ngang makita ka. Paulit-ulit ang tanong doon sa tagapangalaga niya kung kailan ka ba da
"Kain lang nang kain, hija" nakangiting wika ni Anita kay Mia. "Paboritong ulam iyan ni Jacob. Noong bata pa siya, madalas niyang hilingin sa akin na ipagluto ko siya ng sinigang."Ngumiti si Jacob. "Marami pa po kayong naaalala tungkol sa akin," aniya."Basta tungkol sa paborito kong apo," tugon ni Anita."Mananaba ho yata ako rito sa sarap ninyong magluto," wika ni Mia."Huwag kang matakot tumaba. Maganda ka naman," tugon ni Anita.Napangiti ang dalaga. Hindi na niya matandaan ang huling beses na nag-enjoy siya sa pagkain lalo na at masayang kasalo ang mag-lola."Mukhang may pinagmanahan ka sa pambobola, ah," wika ni Mia kay Jacob habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. Nagpresenta siyang siya na ang gagawa nito, ngunit hindi pumayag si Jacob dahil bisita raw siya. Hindi raw uso sa kanila ang kasambahay dahil lahat ng gawaing-bahay ay magaan lamang lalo na at nag-iisa na lamang sa malaking bahay si Anita. Ang nag-aalaga kay Anita ay siya na rin mismo ang nag-aasikaso sa ibang gaw
"Mia!" Maya't maya ang tawag ni Jacob sa dalaga. Kinakabahan siyang baka lumayo ito. Nagkataon namang nakasalubong niya si Vic. "Nakita n'yo ho ba si Mia?" tanong niya rito. "Nasa manggahan," tugon ni Vic.Tinapik niya ito sa balikat. "Salamat ho," tugon niya at saka siya nagmamadaling tumakbo patungo sa manggahan. Napangiti siya nang makita si Mia na nakaupo sa isa sa mga manggang sadyang nakahiga ang katawan. "Alam mo bang iyan ang paboritong pwesto ko rito sa manggahan?" wika niya. Napalingon sa kaniya ang dalaga. "Bakit ka naman biglang umalis? Ang sabi ng Lola, samahan kita, 'di ba?""Ba't ka pa pumunta rito? 'Di ba ang sabi ko naman, kaya kong mamasyal mag-isa? Hindi naman ako mawawala rito kahit gaano pa kalawak ang farm na ito."Lumapit si Jacob sa dalaga at umupo sa tabi nito. "Nagsiselos ka ba?" aniya.Natawa si Mia. "Okay ka lang ba?" aniya."Nagsiselos ka raw, eh. Iyon ang sabi ni Isabel.""Oh, my God! Where did you get that idea?" tugon niya. "Naaasar lang ako do'n sa ba
"Sorry po, Sir Jacob," wika ni Isabel. "Saglit ko lang ho iniwan si Lola Anita. Hindi ko naman ho alam na may balak siyang magluto. Ang totoo ho niyan ay hindi na namin talaga siya pinapayagan na kumilos nang walang nakabantay dahil nga pwedeng mangyari ang ganito."Tumango si Jacob. "Okay lang, Isabel. Wala kang kasalanan. Dapat inalam ko ang lahat tungkol sa kondisyon ni Lola. Sisiguraduhin kong hindi na ito mangyayari.""Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital?" nag-aalalang tanong ni Mia habang inaalo ang matanda na bahagya pang nanginginig."Nurse ho ako, Ma'am Mia," wika ni Isabel. "Kailangan lang ni Lola ng pahinga. Pinainom ko na rin siya ng gamot. Mayamaya lang ay kakalma na siya."Bumuntong-hininga si Mia.Bahagyang nasunog ang kusina ng malaking bahay. Nakalimutan ni Anita na isara ang stove na ginamit nito sa pagluluto. Nakita raw ni Vic ang usok na nanggagaling sa bahay kaya tumakbo siya patungo roon. Naabutan niya si Anita na natataranta sa pagpatay ng apoy. Mabuti na la
Lumagos sa kusina si Jacob at nakita sina Mia at Isabel na abalang-abala sa pagluluto ng kani-kaniyang putahe. Nanlilimahid na ang mga ito sa pawis. "Ang bango naman!" wika niya."Ay, Sir Jacob!" nagulat na bulalas ni Isabel. "Amoy pa lang, masarap na, 'no? Ano pa kaya kapag kinain n'yo na?" May landi sa tuno ng boses nito.Napataas ang kilay ni Mia. Effortless talaga si Isabel sa pag-inis sa kaniya. "Walang kasama si Lola?" tanong niya kay Jacob."Gising na siya. Naghihintay na lang na tawagin para kumain. Excited na siyang kumain ng mga niluto ninyo," tugon ng binata.Kumuha si Isabel ng isang lutong lumpia. Tinuhog niya iyon ng tinidor at tsaka hinipan. Pagkatapos ay lumapit siya kay Jacob. "Tikman n'yo po, Sir Jacob. Tiyak kong makakalimutan mo ang iyong pangalan," anito.Para hindi mapahiya ang dalaga, tinikman ni Jacob ang lumpia. "Hmm. Masarap! Marunong ka palang magluto, Isabel," aniya."Syempre ho. Pwedeng-pwede nang mag-asawa," tugon ni Isabel."Jacob, come here," wika naman
"Oliver!"Napukaw ang isip ni Oliver sa lakas ng boses ni Natalia. She slammed the table, too."What's happening to you?" wika ni Natalia. "Kasama kita, pero parang wala ka rito. It's our anniversary, but I feel like I'm celebrating alone." Buong araw siyang abala sa pag-aasikaso ng kanilang dinner date, at ang tanging kailangan niya ay ang atensiyon ng nobyo."I'm sorry," tugon ni Oliver.Nagsalubong ang mga kilay ni Natalia. "Ano, iniisip mo na naman si Mia?" aniya."No. Of course not! Kulang lang ako sa tulog.""Kulang sa tulog? Bakit, ano ba'ng pinaggagagawa mo?"Umiling si Oliver. "Let's just eat. Come on. Pasensyahan mo na ako. Babawi na lang ako sa iyo later," aniya."You're getting on my nerves, Oliver. Huwag ka nang magkaila na iniisip mo pa rin ang Mia na iyon. Ano? Have you fallen for her for real?" Sunod-sunod ang kaniyang paghinga dahil sa pagsikip ng kaniyang dibdib."Are you sure you really want to talk about this?" His face turned serious. "Yes, Oliver. I want to talk
"Please let me do this," wika ni Mia kay Jacob. "Kaunting bagay lang ito kompara sa mga ginagawa mo para sa akin. Please!" Lumabi siya. "Bahala ka. Kapag 'di mo ako pinayagang maghugas ng pinggan, mahihiya na akong kumain."Napangiti si Jacob. "Okay," aniya. "Baka lang kasi pagod ka dahil nagluto ka.""Hindi ako pagod," tugon ni Mia. Ngumiti siya. Sa wakas ay hinayaan na siya ni Jacob. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Isabel. "Bakit hindi pa siya umaalis? Gabi na. Saan ba siya umuuwi?""Sinasamahan niya si Lola sa kwarto," tugon ni Jacob. "Sinabi sa akin ni Mang Vic na simula nang ma-diagnose ng stage 5 dementia si Lola, in-advise na kailangan lagi siyang may kasama. Kaya naghanap kaagad sila ng caregiver para kay Lola. Luckily, nahanap nila si Isabel. She's a registered nurse. She's the best caregiver they could find for Lola. Single siya kaya wala pa siyang masyadong hustle sa buhay kaya pumayag siyang magtrabaho rito nang stay-in. She lives thirty minutes away from here."
Nagising si Mia sa marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kwarto. Alas sais na ng umaga. Dali-dali siyang bumangon upang buksan ang pinto. "Jacob!" nakangiting bulalas niya nang ang gwapong mukha ng binata ang bumungad sa kaniya.Nanlaki ang mga mata niya nang biglang magbaba ng tingin si Jacob. Nakalimutan niyang manipis na satin dress lang ang kaniyang suot. Kaagad siyang nagtago sa likod ng pinto."I have some t-shirts and pants here for you," wika ni Jacob. "These are mine. Makakapal ang tela ng mga ito kaya kahit wala kang panloob ay hindi mahahalata." Iniabot niya iyon sa dalaga na malugod naman nitong tinanggap."S-salamat," wika ni Mia. "Aalis na ba tayo?"Jacob nodded. "Are you hungry already? Sa labas na lang tayo mag-agahan. Lola is still asleep. Pagbalik natin, baka gising na siya. Tapos aalis na tayo papunta sa beach.""Okay. Salamat ulit, Jacob. Lalabas na lang ako kapag tapos na akong magbihis."Jacob nodded and left. Nailing at natawa siya habang ipini-play sa kaniyang