Share

Chapter Sixteen

Tracy...

PABALIK na sana ako sa hotel room namin ng makasalubong ko ang isa sa mga naging kaibigan ko ng magtrabaho ako dito noon, si John na mas gusto magpatawag sa pangalang Joan.

"Joan!" Hindi siya lumingon sa akin, "John Ulgoton!"

Dahil sa sinabi ko ang buo niyang pangalan ay nakuha ko ang atensyon niya, base sa suot niya ay mukha na siyang manager ng branch ng Love Pastries na ito.

"Tracy? Girl loka ka!" Tumakbo siya palapit sa akin, sa unang tingin ay mukha siyang lalaki, pati nga boses ay lalaki kung wala yung mga kulot sa pagsasalita niya, "Girl bakit ngayon ka lang bumalik? Ang tagal mong MIA dyusko ka!"

Tumawa ako, "Hindi mo pa ako papansinin sana ah."

"Kaloka ka, kung hindi mo ba naman ako tawagin sa buo kong pangalan."

"Tinawag kitang Joan hindi ka lumingon." Tinuro ko ang mukha niya, "Dito ka pa rin pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status