Share

Chapter Thirty Three

Tracy...

NAKAUPO si Caleb sa sofa habang nilalagyan ko ng pain relieving patch ang balikat niya na may pasa dahil na nga rin sa naging paghampas ng tungkod sa kanya ni Lolo Anastacio.

Sumandal siya at ang sa bandang tiyan naman niya ang sunod na nilagyan ko, bahagya siyang napaigik sa nangyari kaya iniatras ko ang mga kamay ko at tumingin sa kanya, "Ayos ka lang ba? Baka kailangan ka ng dalhin sa ospital."

Tumawa siya, "Ospital agad? Hindi ko naman ikamamatay ito."

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko pag nasasaktan ka, ilang beses ka na rin namang naisugod sa ospital at tuwing nangyayari iyon nag-aalala ako sa'yo."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status