Share

Chapter Two

Caleb...

"JAY nakita mo na ba yung mga designs na pinakita ko sayo?" tanong ko sa pinsan ko sa phone.

"I'll check it later Caleb, sorry I'm kind of busy these past few days, na-approve na yung isa sa proposal ko kay Papa pero alam mo na pag na-approve kailangan ko na agad asikasuhin, kaya salamat na rin sa tulong mo."

"Of course, kahit kailan."

"So how's New York?"

"Fun."

"Hmmm, fun?"

"Yeah," biglang pumasok yung kaibigan ko.

"Hey Vinny look what I got!" Excited niyang sabi at pinakita yung kulay pink dress na nakalagay sa isang paperbag, siya yung room mate ko na si Christy, well his name is really Christian pero gaya ko, he's gay. Sumenyas ako na tumahimik siya saglit at ginawa naman niya.

"Who was that?" Narinig kong sabi ni Jay.

"Oh no one, sa kabilang room yata yun, alam mo naman kasi itong inuupahan ko."

"Bakit kasi nagtitiis ka sa ganyang lugar? You know you can live in a better place than where you are now."

"I'd rather not Jay, mas gusto ko na itong simple lang, ayokong waldasin lahat ng meron ako dahil lang sa pagtira sa isang mamahaling apartment, alam mo naman na nag-aaral ako dito, buti sana kung may mapagkakakitaan ako, before you know it baka wala na akong pera pagka-graduate ko."

Tumawa siya sa kabilang linya, "Okay, sige talo na ako sayo. Ikaw na talagang pinaka business minded sa atin pero may utang ka pa rin sakin at kay Gael."

"I know, I know Jay. Kung bakit naman kasi nagpakasal kayo agad nila Gael kung kailan wala pa ako, ininvite niyo nga ako dun pa sa mismong araw na hindi ako talaga makakauwi dahil nagagahol ako sa oras, andami kong hinahabol na deadlines nun, nagulat nga ako na pati ikaw nagpakasal na at nauna ka pa kay Gael ah, si Gael maiintindihan ko pa, we've known Hebe for so long at kung gaano natin kahabang nakilala si Hebe, mas mahaba pa dun yung panahon in love na yung loko na yun sa bestfriend niya, everyone knows that they're going to end up with each other kaya sayo ako nagulat, ni hindi ko nga kilala itong Rhia na sinasabi mo."

"You'll meet her once you come back."

"Well kung ganun edi 2 years pa bago ko siya makilala?"

"Bakit 'di ka na lang kasi umuwi dito? Alam mong mas magiging simple ang lahat para sayo, mas madali, hindi mo na kailangan magtipid at magpakahirap makatapos lang, ano bang meron diyan sa New York at parang ayaw mo ng umuwi?"

Napatahimik ako, ano bang meron dito?

Malaya ako, malaya sa mga mga taong pag nalaman kung sino ako at ano ako ay huhusgahan ako. Dito sa New York wala silang pakialam kung straight ka, homosexual, bisexual o kung ano pa man, ang importante kasi dito basta't may utak ka at ibubuga lahat may panlaban ka, wala silang pakialam sa kasarian mo basta gawin mo ng maayos ang trabaho mo.

"Caleb, I'm saying this because I'm just wondering, hindi ka ba nalulungkot diyan? Wala kang pamilyang kasama."

"I'm fine Jay pero naisip ko, siguro nga kung nasa Pilipinas ako ngayon baka mas maayos nga yung buhay ko, I'll think about it."

"Mabuti pa nga, tama na rin naman yung ilang taon kang tumira diyan, dito ka rin naman magtatayo ng business di ba? Isa kang Criebo at Simonne, hindi pa ba sapat yun para mabuhay?"

Ako naman ang tumawa na sa kanya, "Alam natin na lahat tayo may gustong patunayan hindi lang dahil sa dala natin yung mga apelyido natin."

"I know, I have plans for me and Rhia, for our future and our children pero gusto kong gawin yun sa sarili ko rin, yung hindi aasa sa apelyidong meron tayo."

Napailing ako, "In love na in love ka talaga diyan sa asawa mo."

"Syempre naman."

"Sige na, baka nakakalimutan mo na 12 hours ang pagkakaiba ng oras diyan at dito."

"Oo nga pala, malapit ng mag lunch break ang mga empleyado kaya magtu-twelve na rin diyan."

"Kaya nga, sige na matutulog na ako, buti na lang afternoon ang class ko bukas."

"Sige, ingat ka diyan Caleb, mahirap ang mag-isa."

"Yeah." Tumingin ako kay Christy na ngumiti naman sa akin.

"So is your cousin telling you to go back to the Philippines again?" Tumango ako, "Why don't you consider it Vinny? You can just tell them the truth about yourself, I'm sure if they're really your family they will accept you for who you are." Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat.

Napaisip ako, ngayon na ba ang tamang panahon?

---

"Sa wakas!" Narinig kong sabi ni Gael sa kabilang linya habang kausap ko siya, "After 100 years naisipan mo na rin bumalik dito sa Pilipinas."

"Bakasyon lang, dito pa rin ako mag-aaral at babalik pa rin ako dito."

"Pero at least uuwi ka hindi ba?"

"Kamusta na?"

"Ako bang kinukumusta mo o yung shares mo?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Parehas. Ikaw saka yung buhay may asawa, nakausap ko nung nakaraan si Jay, ang saya saya niya at halatang in love na in love dun sa asawa niya." Tumawa din siya.

"Oo nga." Napansin kong parang nanahimik siya.

"Bakit parang ayaw mong pag-usapan yung tungkol sayo? Eh di ba nga ikaw itong simula pa pagkabata ay in love na diyan sa bestfriend mo na asawa mo na ngayon, bakit parang hindi ka masaya?"

"Kinasal kami hindi dahil sa pagmamahal."

"What?!" Napatigil ako sa pagguhit ng mga dinedesenyo ko.

"You heard me right Caleb, ako lang yatang nagmamahal, nagpakasal siya para ibigay na sa kanya yung pamamahala ng pastry business ng pamilya niya kasi kahit yung parents niya kami yung gusto."

"So ganun pala yun. I've always thought that you and Hebe would end up together be--"

"Siguro kayo lang nag-isip nun, yan din sabi ni Jay na akala niya mahal ako ni Hebe, akala ko rin. Huwag na nating pag-usapan okay?"

"O-okay. Gael, one more thing, pag-uwi ko nga pala diyan kailangan ko ng temporary secretary, alam mo na kahit na sabihin kong bakasyon ko diyan alam naman natin na kailangan ko pa rin asikasuhin yung mga bagay bagay."

"I know, pwede kong ipahiram sayo yung secretary ko sa ngayon kasi mas makakatulong siya sayo."

"Good, uuwi ako after 3 weeks."

---

Napatingin ako sa paligid, may hinahanap ang mga mata ko, kakababa ko lang ng eroplano at ramdam ko pa ang jet lag.

Napalingon ako sa gawing kaliwa at may nakita akong isang pamilyar na babae, "Hebe?"

"Caleb!" Nagulat ako ng may biglang umangkas sa likuran ko at ginulo yung buhok ko, "Namiss ka namin!"

"Aray ko! Ano ba?" Pilit kong inaalis sa pagkakaangkas sakin yung mabigat na tao na itong nasa likod ko, bigla siyang bumaba at nanlaki ang mata ko, "Neon?!"

Literal na gulat na gulat ako dahil sa itsura niya, yung buhok niya maikli na akala mo apoy na pulang pula at maraming hikaw sa isang tenga tapos parang rocker na gothic na hindi ko maintindihan, "Anong klaseng fashion meron ka?"

"Grabe! Kakauwi mo lang dito, kakalapag lang nung eroplano tapos una mong papansinin itong itsura ko? Talagang itong attire ko?"

"Eh bakit--" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napakunot ang noo ko, "Nevermind." Napailing na lang ako, "Nasaan yung iba?"

Nag-pout siya ng labi sabay nagkibit-balikat, "Nagtext lang sila sa akin at nagvolunteer ako na ako ng lang susundo sayo, si Kuya Ivan busy sa school tapos yung iba alam mo naman meron ng mga asawa."

"Oh ikaw? Bakit ka nandito? Siguro hindi ka na pumapasok?"

Tumawa siya, "Grabe ka talaga! Wala lang akong klase sa ngayon, pasalamat ka nga sinundo kita, makuntento ka nga sakin!" Natawa na rin ako sa sinabi niya.

Napalingon ulit ako sa kaliwa kung saan nakita ko si Hebe kanina pero wala na siya, may kausap pa nga siyang babae din pero siguro namalikmata lang ako at dahil na rin sa pagod sa naging byahe.

Tinulungan na ako ni Neon sa pagbubuhat ng gamit ko at dumiretso na kami sa Hotel Simonne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status