Share

Chapter Thirty

Tracy...

"READY ka na ba?" Napatingin ako kay Marc mula sa vanity mirror na nasa labas ko, "The party will start in a few seconds. Lalabas muna ako."

Tumango ako at nagbigay ng pilit na ngiti. Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin, kahit pa gaano kaganda ang nakikita kong naging ayos sa akin ay alam kong kitang-kita pa rin sa mga mata ko ang lungkot.

Pagkatapos ng araw na ito ay magbabago na ang buhay ko, hindi na kami magkikita pa ni Caleb kahit kailan. Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mata ko, he hates me, siguradong hindi na rin naman niya gugustuhing makita pa ako.

Pwede na ring ma-annul ang kasal namin dahil naikasal siya sa akin habang wala siya sa tamang pag-iisip niya at wala naman akong karapatan pang tumutol kung sakaling magdesisyon nga siya na ipawalang bisa na iyon.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status