Share

Chapter Three

Tracy...

BREATHE in, breathe out. Ilang beses kong ginawa yan bago kumatok sa pintuan nung Hotel Suite ni Mr. Caleb Simonne. Inasahan ko ng magkikita kami pero hindi ko inexpect na agad-agad, nanlaki ang mata ko pagkabukas ng pinto. Isang taong pulang-pula ang buhok ang nakatayo sa harap ko.

Nakita ko na siya dati pero bakit nandito siya, "Ahm..."

"Ikaw yung?" Napangiti siya sabay turo sa akin, "So hindi ka natanggal?" Nakita ko ang pagngiti niya. Umiling ako.

"Si Caleb ba ang ipinunta mo?" Tanong niya kaya tumango naman ako, "Ganyan ka ba talaga? Parang walang boses?"

Tumikhim ako at yumuko bilang paggalang, "Pasensya na po, nandito po ako ngayon kasi ipinadala ako ni Sir Gabriel para maging temporary assistant ni Sir Calvin Criebo Simonne."

Tumango siya, "Paalis na rin naman ako kaya ikaw ng bahala." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ngumiti, bakit parang kinakabahan ako dun sa paraan ng pagtitig niya? "Nakapagpahinga na rin naman siya ng halos dalawang araw kaya mabuti na rin na nandito ka na. Uulitin ko, ikaw ng bahala sa kanya."

Tumango na ako at dumaan na siya sa harap ko.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang isang napakagwapong mukha, nakita ko na siya sa picture pero iba sa personal, literal na napatulala ako kahit pa hindi naman yun ang intensyon ko, gwapo talaga ang mga Simonne pero iba ang dating sa akin ng kaharap ko ngayon.

"You are?" Natauhan ako sa tanong niya.

"T-Tr-Tra--" Parang naumid yung dila ko na hindi nagkandautal-utal na ako kaya tumikhim ako ulit bago muling nagsalita, "Tracy Martinez Sir Calvin, I was sent by Sir Gabriel to be your temporary secretary to assist you while you are here in the Philippines." Inilahad ko ang kamay ko na tinanggap naman niya at napatingin ako sa kamay namin.

"Oh ikaw pala yung magiging assistant ko habang nandito pa ako, just call me Caleb, hindi ako sanay sa Calvin." Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako pagkatapos ay binawi ko na yung kamay ko, "May mga kailangan akong asikasuhin habang nandito ako, I'm on vacation dahil nag-aaral pa ako sa New York pero dahil nga wala na rin naman yung mga magulang ko hindi ko pwedeng iasa na lang lahat sa mga pinsan ko. Wait for me here."

Tumalikod siya at saglit akong napaisip, ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ako dapat ganito lalo na sa harapan niya, sa harapan nung anak ng taong naging dahilan ng pagkamatay ni Nanay. Isa siyang Simonne at hindi ko dapat makalimutan na sila ang kalaban, na kaya ako nandito para manmanan sila, ngayong kaharap ko na ang nag-iisang anak ni Conrado dapat mas maging maingat ako sa bawat kilos ko, dapat makuha ko ang tiwala niya dahil pag nangyari yun, mas magkakaroon ako ng maraming impormasyon tungkol sa ama niya, sa pamilya nila at tungkol kay Nanay.

Naikuyom ko ang kamao ko ng maalala ko na naman ang ginawa ng pamilya ng mga Simonne para mapagtakpan lang yung eskandalo ng pamilya nila.

"Tracy." Napatingin ako kay Caleb na nakatalikod pa rin sa akin at nakaharap sa laptop niya.

"Yes Sir?"

"Si Gael? Bakit nga pala wala siya?"

"Sir Caleb, hindi ko rin po alam, akala ko nga po makikita ko po siya dito."

"Drop the 'po'. Ilang taon ka na ba?"

"Eighteen Sir." Lumingon siya sa akin.

"Eighteen? Halos dalawang taon lang nga ang tanda ko sayo. Ang bata mo pa pero secretary ka na? You must be really smart kaya natanggap ka sa trabaho, tapos ka na ba ng college?"

"H-hindi pa po Sir."

Nangunot yung noo niya, "Hindi pa?"

Tumango ako at napayuko.

"Paano ka natanggap kung ganun? May working experience ka na ba?"

"Y-Yes Sir, nakapagtrabaho na po ako sa Cysco Company."

Nakita ko yung pagdilim ng ekspresyon sa mukha niya at tumalikod ulit, "Kaya pala, so I guess mapagkakatiwalaan ka naman sa trabaho?"

Hindi nakaligtas pa pandinig ko yung tono ng pagkakatanong niya sa akin nun, parang naghihinala siya, "Kung iniisip niyo po Sir na espiya ako ng kumpanya nila nagkakamali po kayo. Kinailangan ko lang po ng trabaho para masuportahan yung sarili ko."

"Eh bakit hindi sa mga Cysco? Hindi ba sila maayos magpasweldo?"

"Hindi naman po sa hindi maayos magpasweldo."

"Oh di bakit ka umalis dun?"

"Mas malaki lang po talagang magpasweldo sa trabaho ko ngayon kasi sekretarya nga po ang posisyon ko at libre din po yung pagtira ko sa Isla Simonne, kasama na dun yung tubig at kuryente, masyado na pong malaking tulong yun para sa akin, ang iisipin ko na lang yung pansarili kong gagamitin araw-araw kasama ng pagkain, lalo na po at wala na akong mga magulang, hindi naman po kasi ako kasing yaman niyo kaya kung may mga ganitong oportunidad na darating sa akin bakit ko pa po papalampasin?"

Natigilan siya sa sinabi ko at humingang malalim, "Wala ka bang balak na magpatuloy sa college? Alam mo na, mahirap ding makwestiyon ka ng mga tao na iisiping nakuha mo yung posisyon mo ngayon kahit hindi ka pa nakakatapos."

"Gusto ko pong makatapos, dalawang taon na lang naman po yung kailangan kong gugulin na oras sa kolehiyo pero sa ngayon po nag-iipon ako kaya nga po malaking tulong na yung libre ako sa tinitirhan sa Isla Simonne dahil sobra-sobra na po yung suswelduhin ko buwan-buwan para sa pansariling mga gamit at pagkain sa pang araw-araw, wala na rin naman po akong pamilyang kailangang padalhan kaya nakakaipon na po ako ng mas malaki kumpara sa dati na iniisip ko pa po yung renta ng bahay, kuryente at tubig, mas triple na po kasi ng ipon ko dati ang nagagawa ko ngayon."

"Ano bang course mo?"

"Business Management po."

"Parehas pala tayo." Humarap na ulit siya sa akin at ngumiti, "Pasensya ka na sakin, ganito lang talaga ako, matanong.

"Pero nasabi po sa akin ni Sir Gabriel na isa kayo sa mga designer para sa Simonne Clothings tapos yun po ang course niyo?"

"Well gusto ko rin kasi yung ginagawa ko, gusto kong gumagawa ng designs ng mga damit, nung una hobby lang pero nakita ni Jay na may potential ako pagdating dun kaya kinuha niya yung ibang designs ko para sa Simonne Clothings, syempre madami pang pinagdadaanan yun, minsan magpapasa ako ng 20 designs at ang maa-approve lang dun ay dalawa hanggang lima, maswerte ng umabot ng seven o ni kalahati man lang pero kailangan ko ring mag-focus sa mga business na naiwan sakin, gaya nga ng sinabi mo hindi lahat pinapanganak na gaya ko kaya inaalagaan ko ng mabuti yung mga naiwan sa akin at ngayon ka, magsisimula na ang pagtatrabaho mo sa akin."

"Yes Sir." Ngumiti na ako sa kanya.

"Sige, may mga kailangan lang ako ipagawa sayo pagkatapos bukas at sa susunod na araw free ang schedule ko dahil gusto ko na rin makasama yung pamilya ko."

Inilabas ko na ang notebook at ballpen na nasa bag ko at sinimulan ko ng ilista lahat ng sinasabi ni Sir Caleb.

---

"Good job Ana, ngayon mas malapit na tayo sa anak ni Conrado, hindi ko naisip na ganun kadali makukuha mong tiwala nila, these Simonnes are so gullible, akala ko pa naman medyo mahihirapan tayo pero hindi pala." Ngumiti ako kay Marc ng itaas niya yung baso ng champagne, "Ngayon pa lang siguro eh dapat i-congratulate na kita, hindi ka nagkamali dahil mabibigyan na rin natin ng hustisya ang Mama mo. Let's toast to that!"

Itinaas ko rin ang sarili kong baso at muling ngumiti sa kanya.

'Para kay Nanay,' tama lang ang ginagawa ko dahil para ito sa pamilya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status