Share

Chapter Four

Caleb..

PUMUNTA ako kasama si Tracy sa Tagaytay para bisitahin ang pamilya ko doon, ang mga Criebo.

Pagkarating pa lang ay sinalubong na ako ng Lolo at Lola ko, matagal ko rin silang hindi nakita kaya alam kong sobra nila akong namiss, nagpahanda sila ng makakain at ginusto pa nga na dun na ako magpalipas ng gabi, inakala din nila girlfriend ko si Tracy. Natutuwa ako na makita ulit sila pero hindi ko sinabi yung katotohanan tungkol sa sarili ko dahil na rin sa matanda na sila at tingin ko ay hindi na rin naman nila kailangang malaman pa.

"Pasensya ka na kung napagkamalan ka nilang girlfriend ko." Sabi ko kay Tracy habang nasa kotse na kami at nagmamaneho ako pauwi ng Makati.

"Okay lang po Sir, ganun naman po talaga yata ang mga grandparents."

"Ikaw? Wala ka na ba talagang pamilya, kahit lolo at lola o mga pinsan sa parehong side ng mama at papa mo?"

Natahimik siya at umiling. Mas malala pa ang sitwasyon niya kaysa sa akin, pakiramdam ko parehas kami ng pinagdaanan, bata pa lang ako nung iniwan kami ng Papa ko para sa ibang babae at dahil din dun kaya araw-araw kong nakikitang umiiyak ang Mama ko hanggang sa isang araw hindi na niya kinaya, hinatid niya lang ako noon kayla Lola pagkatapos nung gabi natagpuan na lang siyang patay sa mismong kwarto nila ni Papa, noong bata ako hindi nila sinabi sa akin yun, lagi kong itatanong kung nasaan si Mama at bakit niya ako hindi binalikan, sasabihin nilang umalis lang hanggang sa tumanda na ako at dun lang nila inamin sa akin ang lahat-lahat, masyadong masakit yun para sa akin dahil naghintay ako sa isang taong kahit kailan hindi na pala talaga babalik.

Ang dami kong tanong noon. Hindi ba ako naging sapat para sa Mama ko para gawin niya yung bagay na yun at iwan ako? Pero kahit anong tanong ko hindi na masasagot yun lalo pa at patay na rin yung ama kong iniwan kami at yung babae niya. Mali man pero wala akong naramdaman ni lungkot dahil na rin siguro sa galit ako sa nangyari, galit ako sa ama ko at sa mga Cysco dahil nalaman ko rin na ang pangalan ng babae ni Papa ay si Anastascia Cysco. Muntik na rin masira ang reputasyon ng pamilya ko dahil sa babaeng yun at sa ginawa ni Papa. Hindi ako galit sa mga Simonne dahil na rin sila na ang tumayong pangalawang magulang ko, yung mga magulang ni Jay at Gael, pati na rin sila Gael at iba ko pang pinsan ay parang naging kapatid ko na rin, sila ang dahilan kaya kinaya kong magpatuloy sa buhay, lagi silang nakasuporta kaya hindi ko lubos maisip kung anong pakiramdam ng wala sila.

Napatingin ako ulit kay Tracy ng magred ang stop light. Paano niya nakaya lahat ng yun na mag-isa siya?

Naalala ko pa nung pumunta akong New York at mag-isa lang na namuhay doon para makalayo na rin sa lahat ng bali-balitang naririnig ko sa paligid, lagi na lang kasing laman ng usapan ang pamilya ko, para yung isang magazine na pagkatapos mabasa ng mga tao at makalimutan ay maglalabas na naman ng panibagong issue, ganun na ganun ang balita noon, pagkatapos ng isang balita titigil iyon ng ilang buwan at uungkatin na naman ng iba, pag-uusapan yung kaso hanggang sa dumating sa punto na pati ako naaapektuhan na sa eskwelehan at hinahabol na rin minsan ng Media dahil nakasuhan pa nga noon yung eskwelehan na pinapasukan ko sa paglalabas ng mga impormasyon tungkol sa akin dahil paano nga naman ba malalaman na ako ang anak ni Crisanto Simonne kung sobrang ingat naman ang pamilya ko na itago sa publiko yun sa sobrang laki ng problemang dinulot nun ay nagpasya sila na paaralin na lang ako sa malayong lugar na hindi ako masusundan ng mga kaguluhan, sa lugar na makakapamuhay ako ng normal at tahimik, nahirapan ako nung una pero nakapag-adjust naman ako at kinaya ko hanggang sa nagustuhan ko na.

"Sir green na yung ilaw." Sabi ni Tracy at dun ako natauhan kaya agad ko ng pinaandar ang kotse.

Paminsan-minsan ay napapalingon pa rin ako sa kanya, nakaya kong mamuhay mag-isa sa New York dahil may pera at sumusuporta sa akin pero siya, paano niya nagawa yun?

"May gusto po ba kayong sabihin Sir? Kanina pa po kasi kayo tingin ng tingin."

Napaiwas ako ng tingin at bumalik sa daang tinatahak namin, "I'm just wondering how you manage to live without any family."

"Ibig niyo pong sabihin?"

"Naisip ko lang. Hindi ba mahirap? Ako kasi nabuhay ako sa New York pero may suporta yun eh ikaw? Paano mo nagawa kung wala kang pamilya?"

"Simple lang naman po eh, nagtrabaho. Nakalimutan ko po yatang sabihin, nung bata pa lang po ako wala na akong Nanay kasi nagkahiwalay po sila ng Tatay ko."

"Hindi ba sabi ko 'wag ka ng mag po."

"Okay Sir. Yun nga bata pa lang ako naghiwalay na sila kaya yung Tatay ko na ang bumuhay sa akin pagkatapos nung nagcollege na ako, saka po siya binawian ng buhay at dun na ako nagdesisyon na mag-aral, may naipon naman kasi kami kahit papano tapos meron kaming maliit na sakahan dun sa probinsiya at ibinenta ko yun para makapag-aral at napadpad na nga ako sa Maynila kasi iniisip ko na mas maayos kung dito ako magtatrabaho."

"Ahh, yung Nanay mo, sabi mo naghiwalay sila ng Tatay mo, hindi mo ba siya hinanap o inisip mo na lang patay na siya kasi iniwan ka niya?"

"Nalaman ko ho na hinanap niya ako pero huli na, nahanap ko po siya kasi may mga nakakakilala sa kanila nung Tatay ko at sinabi sa akin na ilang beses daw siyang bumalik para sa akin at ibinigay nila lahat ng impormasyon tungkol sa Nanay ko."

"Pagkatapos?"

"Yun na rin ang isa na rin sa dahilan kaya napunta ako dito, hinanap ko rin si Nanay kaso wala na siya, may katiwala yung isang bahay na nakausap ko, pinagtrabahuan daw kasi yun ni Nanay., may lalaki daw na nagsabi kay Nanay na tutulungan siyang mahanap ako, pinagkatiwalaan siya ng Nanay ko pero sa huli, niloko lang siya at dahil dun daw kaya namatay siya."

"I'm sorry kung tinatanong ko sayo itong mga personal na bagay."

"Okay lang Sir, kung yun yung kailangan niyo para makilala ako at malaman na hindi ho ako espiya ng mga Cysco."

Tumawa ako ng bahagya, "Wag kang mag-alala hindi ko na iniisip yun. Isa pa alam ko na mahirap din ang pinagdaanan mo, in a way pakiramdam ko parehas tayo kahit pa magkaiba tayo ng estado sa buhay isa lang pinapakita nun. Hindi kayang kontrolin ng kahit gaano karaming pera ang buhay ng isang tao, tao pa rin tayo, being rich or poor won't save us from all the problems, tragedy and agony this life has to offer, hindi porke't mayaman ka ligtas ka na sa trahedya, we all experience problems, sa iba-ibang paraang nga lang kaya yung makakilala ako ng taong parang kagaya ng naranasan ko ay sobrang nakaka-amaze lang, parang pinagtagpo talaga tayo kasi alam niya." Tinuro ko yung nasa taas, "Na magkakaintindihan tayo because we went through the same pain, this must be fate, you think so?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya.

"Yun nga siguro yun." Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa. Hindi ko nasagot agad yun dahil nagmamaneho ako, sunod ay nakita ko na may kinuha si Tracy sa bag niya. Inilabas niya yung cellphone niya at may tinignan.

"Sir, hinahanap kayo ng mga Simonne."

"Bakit daw?"

"Emergency daw po."

Natigilan ako at napa-apak agad sa brakes ng kotse, tumitig ako kay Tracy para tignan kung nagbibiro ba siya pero seryoso ang mga tingin niya, inilabas ko na ang cellphone ko sa bulsa at binasa ang mga text, sila Ivan at Neon ang nagtetext at tawag ng tawag kaya agad kong minaniubra yung kotse papunta sa Hotel Simonne dahil dun daw ako hihintayin nila Ivan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status