Ang puso ni Jay na nasa kaniyang lalamunan kanina sa wakas ay bumalik na sa dati. “Alam mo ba kung nasaan si Jenson?”Si Josephine ay pinatatalas ang kaniyang sungay at pinagyabang, “Dati pa man ay alam ko nang may tinatago ‘yang anak mo. ‘Yon ang dahilan kung bakit nagpunta ako rito upang pagmasdan siya noong umaga, ang batang ‘yon ay lumabas ng bahay noong alas sais. Dala-dala niya ang kaniyang bag at sumakay sa Bus 989 na patungo sa City North.”Nasindak si Jay. Sa kaniyang mga mata, si Jenson ay isang maliit na bata lamang na hindi kailanman lalabas nang walang kasamang nakatatanda. Paano niya nagawa nang ganoon kalayo nang mag-isa?“Jay, iyon lang naman ang masasabi ko. Nagmamaneho ako ngayon, sinusundan ko ang bus. Tatawagin kita sa sandaling may malaman ako tungkol sa kaniya.” Natapos magsalita si Josephine at binaba ang telepono.Bago pa man matanong ni Jay sa kaniya kung nasaan si Jenson, nalulugmok niyang binato ang kaniyang selpon sa gilid. Ang tanging magagawa na lamang niy
Bigla siyang tumakbo sa loob ng bahay dahil hindi siya sigurado kung si Robbie ay nasa loob.Iyon ay dahil minsan ay lumalabas si Robbie upang maglaro nang mag-isa. Akala niya ay sa sobrang miss niya kay Jenson ay nagkamali siya ng akala kay Robbie.Nang makita ni Jenson ang kaniyang Mommy na tumakbo palayo pagkatapos siyang makita, ang mga luha sa sulok ng kaniyang mga mata ay umagos.Gayunpaman, lumabas muli si Rose sa sumunod na sandali at niyakap nang mahigpit si Jenson.“Jens, ikaw nga talaga ‘yan.” Siya ay lubos na nasisiyahan at nananabik. Binuhat niya si Jenson gamit ang isang kamay at sinara ang pinto gamit ang kabila habang sumisigaw sa dalawang batang antukin sa kanilang silid. “Robbie, Zetty. Lumabas na kayo. Tignan niyo kung sino ang bumisita sa inyo.”Mabilis na tumakbo palabas sina Robbie at Zetty habang suot-suot pa ang kanilang mga pajama. Nang makita ni Zetty si Jenson, ang kaniyang mga mata ay nanlaki. “Kamukhang-kamukha niya si Robbie!”Tumingin si Robbie kay Jenson
Pagkatapos malaman ni Jay Ares na nabigo si Josephine na sundan si Jenson, nag-aalinlangan siyang tumawag kay Rose Loyle, tila nag-aalala sa kaligtasan ng bata.Nagulat si Rose nang makita niya ang pangalan ng tumatawag. Hindi niya sinasadyang mabitawan ang selpon at ito ay nahulog sa sahig.Ang selpon ay bumagsak sa sahig nang may matigas na tunog. Ang likod na takip ng selpon ay natanggal at ito ay agad na namatay. Ang pagtunog ay biglang tumigil.Hinihintay ni Jay na sagutin ang kaniyang tawag nang may isang tinig na nagsabi sa kaniya na ang telepono sa kabilang linya ay namatay. Ang gwapo niyang mukha ay nagdilim. ‘Ang lakas naman ng loob niyang patayin ang kaniyang selpon?’Napagdesisyunan ni Jay na personal na magtungo sa Splendid Town upang harap-harapan siyang tanungin. Nang palabas na ang kaniyang Rolls Royce sa garahe, nakatanggap siya ng isang tawag mula kay Rose. Si Jay ay bahagyang nagulat nang makita niya ang tawag. Bigla niyang naalala na kailangan siya nitong sundin d
“Wala ka nang masabi, ano? Naubusan ka na ba ng mga palusot?” Malamig na sabi ni Jay.Ang mapanlaban na tono ni Rose ay biglang lumambot. “Sa tingin ko kailangan kong munang pag-isipan kung ano ang nangyayari.”Agad na pinatay ni Jay ang telepono.Sumigaw si Rose kay Robbie sa palaruan. “Lumapit ka nga rito, Robert Loyle.”Mabilis na lumapit si Robbie at tumayo na parang isang sundalo sa harap ni Rose. “Narito na si Robert Loyle. Ano ang maiuutos mo, Commander?”Nagtanong si Rose habang nakahalukipkip ang kaniyang mga braso. “Sabihin mo nga sa akin ang totoo, ano’ng ginawa mo nitong mga nakaraan kasama si Jenson Ares?”“Nagkamali ako, Mommy.” Yumuko si Robbie at humingi ng tawad nang makita niyang galit ang kaniyang ina.“‘Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Seryoso ito. Sabihin mo sa akin ang lahat.”Hindi naglakas-loob si Robbie na itago ang katotohanan nang sabihin ng kaniyang ina na seryoso ang kanilang pag-uusapan. “‘Wag kang magagalit sa akin, Mommy, sasabihin ko sa ‘yo ang lahat. N
Nang dumating si Jay sa Block 9 ng Splendid Town, lumitaw si Josephine sa likod ng isang palamuting bato. “Kanina pa ako nag-iintay dito, pero ang Jenson na iyon ay hindi pa rin lumalabas,” nalulungkot niyang sinabi.Malungkot na tumingin si Jay sa nakasaradong pinto ng apartment complex at tumalikod upang kausapin si Grayson na sumama sa kaniya. “Pumunta ka sa management office at hanapin mo ang unit number ni Rose Loyle.”Nang paalis na sana si Grayson, ang pinto ng apartment ay biglang bumukas. Lumitaw si Rose Loyle habang buhat-buhat si ‘Jenson’. Ang kaniyang mga mata ay mapula, halatang dahil sa pag-iyak.“Hipag?” Ngumiti si Josephine nang makita niya si Rose.Nakatanggap si Josephine ng pamatay na titig ni Jay. “Tumigil ka nga. Wala siyang relasyon sa Pamilya Ares.”Natakot si Josephine sa panakot na titig ng kaniyang kapatid. “Ano’ng ibig mong sabihin? Siya ang mommy ni Jenson,” angal niya.Malapit nang kainin ni Jay si Josephine gamit ang kaniyang mga mata. Mahinang sinampal ni
Hindi na magawa pa ni Josephine na ngumiti dahil napagtanto niya na mukhang mas lumala ang schizophrenia ni Jenson.“Oh, hindi. Kuya, malala na ang schizophrenia ng baby ng pamilya natin.”Tumingin si Jay kay Robbie na nakangiti nang maliwanag, at ang kaniyang mood ay pumangit.Ang unang bagay na ginawa ni Jay pagkatapos niyang dalhin si Robbie pabalik ay ang ilabas ang bag na naglalaman ng mga gamot upang maudyok si Robbie na inumin ang mga ito. “Maging mabait ka at inumin mo ‘to.”Bumuntong-hininga si Robbie na parang isang matanda. “Hay. Kapag nagbigay ang kalangitan ng mahirap na gawain, kailangan ng isang tao na sumailalim sa lahat ng kahirapan, sakit, at gutom upang maabot ang yugto ng kawalan…”Nagdugo ang puso ni Jay habang siya ay nakatingin sa kaniyang matalino at cute na anak.Kinuha ni Robbie ang gamot at nagpaawa sa kaniyang daddy. “Daddy, pwede bang ‘wag ko itong inumin?”Gumatong pa nga si Josephine sa pamamagitan ng pagsabi ng, “Jenson, hindi pwede. Ang sakit mo ay nak
Si Robbie ay ganap na walang masabi at inasar si Josephine. “Tita Josephine, ang lawak talagang imahinasyon mo. Sayang lang dahil hindi ka nagsusulat ng libro.”Agad na ninais ni Josephine na hilain ang tenga ni Robbie. Sa tuwing makikipag-away siya kay Jenson, hihilahin niya ang tenga nito dahil sa nakasanayan. Susubukan ni Jenson na iwasan ang kaniyang mga kamay at bigyan siya ng masamang tingin bilang pagprotesta. Gayunpaman, ang taong naka-upo rito ngayon ay si Robbie na marunong mag-Taekwondo. Ang una niyang reaksyon sa karahasan ay hindi ang iwasan ito at gamitin ang kaniyang mga natutunan.Tinabing niya ang papalapit na kamay ni Josephine at hinawakan ang kaniyang kamay. Hinila niya ito at nagsanhi ito kay Josephine na mapahiyaw sa sakit.“Ah… Ang sakit! Jenson, bitawan mo ako!”Binitawan ni Robbie si Josephine. Pinagpag niya ang kaniyang kamay sa sakit at tumingin kay Jay nang may malalim na pagkabalisa. “Kuya, nakikita mo naman, ‘di ba? Hindi ka naniniwala no’ng sinabi ko sa’
“Mali ba ako?” Sabi ni Robbie. “Sa hilig mong makipagtsismisan at hukayin ang sikreto ng iba, handa kang maghukay ng tatlong talampakan sa ilalim ng lupa para lamang malaman ang sikreto ng iba. Hindi ko alam kung anong ibang tawag sa ‘yo maliban sa isang manghuhukay?”Sa sobrang galit ni Josephine ay inangat niya ang kaniyang kamao at ninais na suntukin si Robbie. Tumakbo si Robbie sa paligid ng bahay, patalon-talon sa paligid. Hinabol siya ni Josephine nang matagal bago siya magsimulang hingalin. Kahit gaano kabilis ang kaniyang pagtakbo, hindi niya pa rin magawang hawakan ang mga damit ni Robbie.Pinanood ni Jay ang masayang nag-aaway na magtita sa gilid. Kahit na siya ay nagulat sa mga pagbabago kay ‘Jenson’ na siyang masiyahin na at aktibo, hindi rin naman siguro masama kung ganito ang kaniyang magiging permanenteng katauhan.Dahil wala ang kanilang drayber, nautusan si Josephine na imaneho sila patungo sa Kentucky habang sina Jay at Robbie ay naka-upo sa likod. Sinadyang ayusin ni