Share

Chapter 24

Savina Pov

Medyo matagal din kaming hindi nagkita ni Julie kaya tila walang katapusan ang kuwentuhan namin. Nalaman ko mula sa kanya na protektado ni Desmon ang village nila kaya wala nang mga taong-lobo na nagtangkang umatake pa sa kanilang village. Kapag bumalik na ako sa bahay niya ay kakausapin ko siya tungkol sa mga nalaman ko kay Julie.

Napasarap ang kuwentuhan namin ni Julie kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Nagulat na lamang ako nang makita kong madilim na pala sa labas ng bahay nila.

"Kailangan ko nang bumalik sa bahay ni Desmon, Julie. Tiyak na pagagalitan na naman niya ako dahil umalis ako ng walang paalam," paalam ko sa kaibigan ko.

Nakangiting tumango siya sa akin. "Natutuwa akong malaman na magaling ka nang gumamit ng kapangyarihan mo, Savina. Ngayon ay hindi na ako masyadong mag-aalala sa'yo dahil alam ko na kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo. At saka, sa tingin ko ay hindi naman masama si Alpha Desmon. Baka hindi rin ang kanyang ama ang totoong pumat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status