Share

Chapter 33

Savina Pov

"Hindi ako makahinga, Desmon," reklamo ko sa kanya. Napakahigpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga.

"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin sa akin sabay bitaw sa kanyang mahigpit na yakap.

"Bakit ka nandito? At bakit ganyan ang reaksyon mo nung nakita mo ako?" Hindi ko napigilang tanungin siya. Ang totoo gusto ko lang marinig sa labi niya na nag-aalala siya sa akin. Na miss niya ako. Na gusto niyang sabihin sa akin na magbati na kami at gusto niya akong bumalik sa kanyang bahay. Gusto kong marinig sa labi niya na mahal niya ako. Kapag nangyari iyon, ako na ang magiging pinakamasayang babae sa mundo.

"Alam mo na nararamdaman ko kung nasaan ka at naramdaman ko kanina na nasa teritoryo ka ni Alpha Dorco. Bakit ka nagpunta doon? Alam mo bang napakadelikado ng lugar na iyon, lalo na ang lalaking iyon? Ganyan ba kalakas ang tiwala mo kapangyarihan mo kaya malakas ang loob moat hindi mo pinapansin ang panganib sa iyong buhay?" Galit sa akin si Desmon. M
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status