Share

Chapter 39

Allana Pov

May matagumpay na ngiti sa aking mga labi habang nakatingin ako kay Desmon na walang malay habang nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Dahil sa ginawa kong drama kanina kaya hindi siya naghinala na may binabalak akong hindi maganda laban sa kanya. Sa kagustuhan niyang hindi ako mapakasalan ay agad niyang ininom ang alak. Hindi man lang siya nag-isip at naghinala na baka may inilagay ako sa alak na ipinainom ko sa kanya.

Hindi ganoon ka-careless si Desmon noon. Lahat ng bagay ay dumadaan sa matalas niyang pakiramdam. Kaya nga hindi tumutol ang karamihan sa aming pack nang siya ang naging bagong alpha ng pack namin sa kabila ng kanyang bata pang edad at hindi ang aking ama ay dahil sa matalas niyang pakiramdam. Matapang, matalino at matalas ang pakiramdam. Iyan ang mga tinataglay na katangian ni Desmon dati ngunit bigla siyang nag-iba nang dalhin niya sa bahay niya ang aliping si Savina. Kaya nararapat lamang na mapatay ko ang babaeng iyon kahit na hindi na siya maalala pa ni De
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status