Share

Chapter 43

Savina Pov

Hindi ako makapaniwala na ganito na siya kung makatingin sa akin. Isang kaaway na dapat ay patayin. Ano ba ang ginawa sa kanya ni Allana at tila hindi niya ako nakikilala?

"Siya ba ang babaeng tinutukoy mo, Allana? Ang babaeng malakas ang loob na kalabanin tayo? Ang babaeng witch na siyang nag-iisang survivor sa ginawang pagpatay ng aking ama sa mga natitirang lahi ng mga witches?" tanong ni Desmon kay Allana habang matalim ang tingin sa pagkakatitig sa akin. Kahit konting recognition sa kanyang mukha ay wala akong nakikita kaya natitiyak ko na nakalimutan na nga niya ako.

"Oo, mahal kong asawa. Siya nga ang babaeng iyon na aking tinutukoy," mabilis na sagot ni Allana. Talagang binigyang diin pa niya ang mga salitang "asawa ko" na tila ba nais niyang iparating sa akin na wala na akong magagawa para maagaw sa kanya si Desmon dahil asawa na siya nito ngayon.

Tila pinipiga ang aking puso sa kaalamang hindi ako nakikilala ni Desmon at lalong-lalo nang may asawa na siya. At ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status