Share

Chapter 49

Savina Pov

"Bakit nais mo akong maging alipin, Desmon? Hindi ka ba nag-aalala na baka matakasan ko ang mga sundalo mong nagbabantay sa paligid?" nananantiya kong tanong kay Desmon. Baka kasi kahit paano ay may naaalala siya tungkol sa akin o may familiarity siyang nararamdaman kaya inilabas niya ako sa kulungan at ginawa na lamang niyang alipin.

"Huwag ka ngang masyadong mayabang, Savina. Noong may kapangyarihan ka pa ay nagawa ka naming hulihin ngayon pa kaya na wala ka nang kapangyarihan? Tangkain mo mang tumakas ay hindi ka magtatagumpay. Wala kang laban ngayon kahit pa isang ordinaryong taong-lobo ang makaharap mo," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi ni Allana. Tumayo siya sa kinauupuan at pinatamaan ng latigong hawak niya ang aking mga tuhod. Bigla akong napaluhod sa kanilang harapan ngunit hindi ako d*****g sa sakit kahit pa parang hiniwa ng matalim na bagay ang aking tuhod.

"Tama si Allana, Savina. Tangkain mo mang tumakas ay hindi ka pa rin magtatagumpay kaya ano ang d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status