Share

Chapter 54

Savina Pov

Pakiramdam ko ay nakakita ako ng anghel nang makita ko si Donny na nakatayo sa harapan ni Allana at hawak ang dulo ng latigo ng babae. Pilit na hinihila ni Allana ang kanyang latigo ngunit hindi nito magawang hilahin iyon mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Donny.

"Bakit ka nakikialam dito, Donny? Ano ba ang pakialam mo sa babaeng iyan?" nanlilisik ang mga mata sa galit na tanong ni Allana kay Donny.

Magkakilala ang dalawa kaya ibig sabihin au sa mundong ito rin nakatira si Donny. Obvious namang alam niya ang tunay kong katauhan ngunit bakit niya itinago sa akin ang totoo niyang pagkatao? Sinadya ba niya na makipagkaibigan sa akin noon? Sa ano namang dahilan? At saka sino ba talaga siya at tila hindi siya natatakot na harapin ang galit ni Allana?

"Kaibigan ko si Savina kaya bilang kaibigan niya ay natural lamang na ipagtanggol ko siya," mabilis na sagot ni Donny. Madilim ang mukha nito at tila nakahanda itong pumatay para lamang maipagtanggol ako.

"Ako ang Luna ni Alpha D
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status