Savina PovPakiramdam ko ay nakakita ako ng anghel nang makita ko si Donny na nakatayo sa harapan ni Allana at hawak ang dulo ng latigo ng babae. Pilit na hinihila ni Allana ang kanyang latigo ngunit hindi nito magawang hilahin iyon mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Donny. "Bakit ka nakikialam dito, Donny? Ano ba ang pakialam mo sa babaeng iyan?" nanlilisik ang mga mata sa galit na tanong ni Allana kay Donny. Magkakilala ang dalawa kaya ibig sabihin au sa mundong ito rin nakatira si Donny. Obvious namang alam niya ang tunay kong katauhan ngunit bakit niya itinago sa akin ang totoo niyang pagkatao? Sinadya ba niya na makipagkaibigan sa akin noon? Sa ano namang dahilan? At saka sino ba talaga siya at tila hindi siya natatakot na harapin ang galit ni Allana?"Kaibigan ko si Savina kaya bilang kaibigan niya ay natural lamang na ipagtanggol ko siya," mabilis na sagot ni Donny. Madilim ang mukha nito at tila nakahanda itong pumatay para lamang maipagtanggol ako."Ako ang Luna ni Alpha D
Savina PovUnti-unting nagbalik ang aking kamalayan. Sa tindi kasi ng inabot kong sakit sa katawan dahil sa ginawa sa akin ni Allana ay hinimatay ako pagkalabas ni Donny sa bahay ng babaeng iyon. "Gising ka na pala, Savina. Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang mga latay mo sa katawan?" agad na tanong sa akin ni Donny nang makita niyang gising na ako. Bumangon ako at naupo na lamang sa kama. "Hindi na. Para ngang hindi ako nakaramdam ng sakit. Ano ba ang ginamit mong gamot sa akin?" naisip ko na ang ginamit niyang gamot sa akin ay katulad ng gamot na ginamit ko naman kay Desmon. "Miracle fruit. Dinurog ko ito at piniga ang katas saka paunti-unti kong ipinainom sa'yo kanina. May malay ka na kasi pero hinang-hina ka naman at dumadaing sa sakit," paliwanag sa akin ni Donny.Akala ko ay hindi ako nagising nang mahimatay ako kanina. Ngunit may malabong alaala na pumasok sa aking isip. Tila naalala ko nga na may iniinom akong mapait na liquid kanina pagkatapos ay muling nawala
Savina Pov"Kailangan mo ba talagang bumalik sa bahay ni Desmon, Savina?" tanong sa akin ni Donny habang naglalakad kami papunta sa bahay ng kanyang kapatid. Magmula nang malaman niya ang desisyon ko na bumalik sa bahay ni Desmon ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong tinanong. Alam ko na ayaw na niyang bumalik pa ako sa bahay ng kanyang kapatid ngunit kagustuhan ko ang bumalik kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ako.Pangatlong araw ngayon at kailangan ko nang bumalik sa bahay ni Desmon katulad ng kanyang sinabi sa akin. Nag-aalala ako na baka totohanin niya ang banta niyang papatayin niya ang lahat ng mga bihag nilang witches."Alam kong nag-aalala ka sa akin, Donny. Pero kailangan ko itong gawin. Para ito sa mga witches na bihag nila at para na rin sa kapatid mo," kausap ko sa kanya nang huminto ako sa paglalakad at hinarap siya."Sorry sa pagiging makulit ko. Nag-aalala lang talaga ako sa kaligtasan mo," mabigat ang dibdib na sabi niya sa akin. "Ngun
Savina PovPagalit na itinulak ako ni Desmon paupo sa ibabaw ng kanyang kama. Sa loob ng kanyang silid niya kasi ako dinala matapos niya akong hilahin papasok sa bahay niya."Ano ba ang problema mo, Desmon? Bakit dinala mo ako rito sa silid mo sa halip na bigyan ako ng trabaho. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit mo ako nais bumalik dito, hindi ba? Nais mo lang akong gawing alipin bago mo ako patayin pagsapit ng eclipse," galit na tanong ko sa kanya. Agad din akong tumayo matapos kong mapaupo sa gilid ng kanyang kama nang itinulak niya ako."Ano ang ginawa ninyo ni Donny sa bahay niya? At paano mo siya nakilala?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin. Kung tinanong niya ako ng ganito noong hindi pa niya ako nakakalimutan ay tiyak na iisipin kong nagseselos siya kay Donny. Iyon kasi ang ipinahihiwatig sa akin ng kanyang tanong. Ngunit hindi pa niya ako maalala ngayon kaya hindi ko iisipin na nagseselos siya sa kapatid niya. Marahil iniisip niyang kaya ngayon lang ako bumalik sa
Savina PovPagmulat ko ng aking mga mata ay aking paligid ang agad kong sinuri. Nasa loob na ako ngayon ng aking silid. Buhay ako. Humihinga pa at walang sugat. Hindi ako pinatay ni Desmon. Muling nabuhayan ako ng pag-asa. Bumangon ako sa kama at lumabas sa aking silid para sana puntahan si Desmon at kausapin. Ngunit biglang nagbago ang aking isip nang mapansin kong ang tahimik yata ng buong paligid. Lumabas ako sa bahay niya at nakita kong manaka-naka lamang ang mga sundalong omega na nagpa-patrol sa labas ng bahay niya. Nagtaka ako kung bakit nabawasan yata ang mga sundalo ni Desmon. Ngunit hindi ko na masyadong inisip pa ang dahilan kung bakit kaunti lamang ang mga sundalo sa paligid. Bigla kasing pumasok sa aking isip ang isang ideya."Hey! Puwedeng magtanong?" tawag-pansin ko sa sundalong dumaan."Ano ang kailangan mo sa akin?" masungit na tanong ng sundalo. Pagkatapos ay biglang naging alerto ang hitsura nito. "Kung may binabalak kang hindi maganda ay huwag mo nang ituloy. Masa
Savina PovNagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran."Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan
Savina PovMagmula nang hinalikan ako ni Desmon ay hindi ko pa siya muling nakakausap. Nakikita ko naman siya ngunit hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang ayaw lamang niya akong kausapin. Gustuhin ko siyang kausapin ngunit nahihiya akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya na cheap akong babae. Galit-galitan ako tapos bibigay din pala ako sa kanyang mga halik."Hoy! Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa, Savina?" panggugulat sa akin ni Edan, isa sa mga babaeng alipin na Desmon na naging kaibigan ko. Sa lahat ng mga alipin niya ay tanging si Edan lamang ang hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin kahit na isa rin naman siyang taong lobo."Wala lang. Nagpapahangin lamang ako," sagot ko sa kanya sabay kibit ng aking mga balikat."Alam mo ba na may nangyayaring labanan ngayon ng dalawang pack ng mga taong lobo?" biglang tanong niya sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong pack ang naglalaban. Napakatahimik at payapa ng gabi kaya hindi ko akalain na ma
Savina PovDinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas."Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit."Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco."Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa."Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao."Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag