Share

Chapter 51

Savina Pov

Kasalukuyan akong nag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga halaman nang bigla akong nilapitan ni Marsha at kinausap.

"Pinapatawag ka ni Alpha Desmon. Puntahan mo raw siya sa kuwarto niya," nakasimangot na pagbabalita sa akin ni Marsha.

"Sa kuwarto niya? Ano ang ipapagawa niya sa akin sa loob ng kanyang silid?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Malay ko. Bakit hindi mo na lang puntahan nang malaman mo kung ano ang ipag-uutos niya sa'yo," masungit na sagot niya sa akin. Napailing na lamang ako bago ko iniwan ang aking ginagawa para puntahan si Desmon sa kanyang silid. Ayokong makipag-away o makipagsagutan kay Marsha dahil magsasayang lamang ako ng laway sa kanya.

Magmula nang maging alipin ako ni Desmon sa pangalawang pagkakataon ay kung ano-anong pahirap ang ginagaqa sa akin ni Marsha na siyempre, utos iyon mula kay Allana. Ilang beses na rin akong nakatanggap ng parusa dahil sa kasalanang ginawa ni Marsha ngunit sa akin palaging ibinibentang. Natural na kakampihan ni Allana si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status