Savina PovDinala ko ang bata sa mundo ng mga tao kung saan naroon ang kanyang lola pati na rin ang iba pang mga witches na iniligtas ko mula sa kamay ng mga tauhan ni Desmon. Nakaramdam ako ng saya at lungkot nang makita ko kung gaano kahigpit na nagyakapan ang mag-lola. Masaya ako dahil nagkita na sila at muling magkakasama and at the same time ay hindi ko maiwasang malungkot dahil naalala kong bigla ang mga magulang ko at kapatid. Kahit kaikan ay hindi ko na sila makakasama. Tanging sa isip at panaginip ko na lamang sila mayayakap. At ang mas nakakalungkot hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabibigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay. Akala ko noon kapag naging makapangyarihan na ako ay magiging madali na para sa akin ng makapaghiganti ngunit hindi pala. Dahil maliban sa hindi pa malinaw kung sino ba talaga ang pumatay sa kanila ay involve pa ang aking puso.Pagkatapos kong ma-isettled ang si Rina sa kasama ang kanyang lola ay nagtungo ako sa bahay nina Julie. Agad akong niyakap
Savina Pov"Kailan gagawin ng ating alpha ang plano niyang pagpatay sa mga witches na bihag natin?""Sa pagkakaalam ko ay bukas ng gabi. Kabilugan ng buwan bukas ng gabi kaya siguro bukas nila isasagawa ang pagkuha ng dugo sa mga witches na iyon para maging sangkap sa ginagawang magic potion ng ating alpha at luna. Kapag nagtagumpay sila ay ang mga taong-lobo na ang magiging pinakamalakas at makapangyarihang nilalang sa buong mundo."Mula sa kinatatayuan ko ay dinig na dinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang omega na sundalo ni Desmon. Hindi ko mapigilang makaramdam ako ng galit kay Desmon dahil sa aking narinig. Napakawalang puso niyang nilalang. Magkatulad lamang sila ni Allana. Sa pagkakataong ito ay saglit na nakalimutan ko ang nararamdaman kong pag-ibig para kay Desmon. Galit ang namamayani sa aking puso. Ipinangako ko sa aking sarili na kahit anong mangyari ay ililigtas ko ang mga bihag nilang witches. Ilang saglit na pinakinggan ko pa ang kanilang pag-uusapan hanggang sa naba
Savina Pov Nakahiga ako sa loob ng isang kulungan nang pagbalikan ako ng aking malay. Agad na nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari. Pumasok ako sa patibong na ipinain nila sa akin. Mga taong-lobo pala ang nasa loob ng kulungan at hindi ang mga kagaya kong witch. Alam nila Desmon at Allana na ililigtas ko ang mga bihag nila sakaling makarating sa akin ang balita na papatayin na sila kaya ipinakalat nila ang maling impormasyon. At sa pagnanais ko naman na mailigtas ang mga kagaya kong witch ay hindi ako nag-alinlangan na puntahan sila. Hindi man lang pumasok sa aking isip na baka patibong lamang ang lahat. Hindi ako nag-ingat kaya nahuli tuloy nila ako. Ngunit mabuti na lamang may kapangyarihan akong mag-teleport kaya kahit na nakakulong ako ay makakatakas pa rin ako anumang oras ko gustuhin. Bigla akong tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig ngunit natumba at napabalik lamang ako sa pagkakahiga sa sahig ng kulungan. Tila wala akong lakas na tumayo. Nanghihina ang aking mg
Savina Pov Tinapunan ko ng masamang tingin ang guard na nagdala sa akin ng pagkain sa loob ng kulungan at damit na para pamalit ko sa aking suot. Basta na lamang niyang itinapon sa mukha ko ang damit na para bang basurahan ang tingin niya sa akin at nagtatapon lamang siya ng basura. Pasalamat ang guard na ito na wala akong kapangyarihan ngayon dahil kung nagkataong hindi nawala ang kapangyarihan ko ay makikita niya kung ano ang hinahanap niya. "Pagkatapos mong kumain ay isuot mo ang damit na iyan at saka puntahan mo si Alpha Desmon sa bahay niya," kausap ng guard sa akin sa tonong nag-uutos. "Huwag kang magtangkang tumakas dahil maliban sa hindi ka makakatakas dahil maraming sundalo ang nagbabantay sa paligid ay binigyan din kami ng pahintulot ng aming alpha na patayin ka sa oras na magtangka kang tumakas," babala niya sa akin. Hindi ko pa nga naiisip ang tumakas ay inunahan na niya ako. "Ano ang binabalak nilang gawin sa akin?" tanong ko sa guwardiya. "Huwag mo akong tanungin dahi
Savina Pov "Bakit nais mo akong maging alipin, Desmon? Hindi ka ba nag-aalala na baka matakasan ko ang mga sundalo mong nagbabantay sa paligid?" nananantiya kong tanong kay Desmon. Baka kasi kahit paano ay may naaalala siya tungkol sa akin o may familiarity siyang nararamdaman kaya inilabas niya ako sa kulungan at ginawa na lamang niyang alipin. "Huwag ka ngang masyadong mayabang, Savina. Noong may kapangyarihan ka pa ay nagawa ka naming hulihin ngayon pa kaya na wala ka nang kapangyarihan? Tangkain mo mang tumakas ay hindi ka magtatagumpay. Wala kang laban ngayon kahit pa isang ordinaryong taong-lobo ang makaharap mo," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi ni Allana. Tumayo siya sa kinauupuan at pinatamaan ng latigong hawak niya ang aking mga tuhod. Bigla akong napaluhod sa kanilang harapan ngunit hindi ako d*****g sa sakit kahit pa parang hiniwa ng matalim na bagay ang aking tuhod. "Tama si Allana, Savina. Tangkain mo mang tumakas ay hindi ka pa rin magtatagumpay kaya ano ang d
Savina Pov Ang bilis ng tibok ng aking puso habang nakakapit ang ajing mga braso sa leeg ni Desmon. Nakaramdam din ako ng saya. Iniligtas niya ako dahil ayaw niya akong masaktan. Nakalimutan man niya ako ay naalala naman ako ng kanyang puso. Kaya gagamitin ko ang aking puso para muling mapaibig siya at tuluyang magbalik ang kanyang mga alaala. "Bakit mo ako iniligtas, Desmon? Natatakot ka ba na masaktan ako kapag nahulog ako sa lupa?" deretsang tanong ko sa kanya. Biglang kumunot ang noo ni Desmon sa pagkakatingin sa akin. "Huwag mong lagyan ng anumang kulay ang ginawa kong pagliligtas sa'yo, Savina. Ayoko lang mamatay ka bago pa man sumapit ang eclipse," madilim ang mukha na sagot niya sa akin. "Paano naman ako mamamatay sa ganyan kataas lamang? Hindi kaya ang OA naman ng reaksiyon mo?" tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang pagsilay ng isang ngiti sa aking mga labi. Sa pagkagulat ko ay bigla na lamang niya akong binitiwan. Una ang puwitan na bumagsak ako sa lupa. "Ouch! Bak
Savina PovKasalukuyan akong nag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga halaman nang bigla akong nilapitan ni Marsha at kinausap. "Pinapatawag ka ni Alpha Desmon. Puntahan mo raw siya sa kuwarto niya," nakasimangot na pagbabalita sa akin ni Marsha."Sa kuwarto niya? Ano ang ipapagawa niya sa akin sa loob ng kanyang silid?" nagtatakang tanong ko sa kanya."Malay ko. Bakit hindi mo na lang puntahan nang malaman mo kung ano ang ipag-uutos niya sa'yo," masungit na sagot niya sa akin. Napailing na lamang ako bago ko iniwan ang aking ginagawa para puntahan si Desmon sa kanyang silid. Ayokong makipag-away o makipagsagutan kay Marsha dahil magsasayang lamang ako ng laway sa kanya. Magmula nang maging alipin ako ni Desmon sa pangalawang pagkakataon ay kung ano-anong pahirap ang ginagaqa sa akin ni Marsha na siyempre, utos iyon mula kay Allana. Ilang beses na rin akong nakatanggap ng parusa dahil sa kasalanang ginawa ni Marsha ngunit sa akin palaging ibinibentang. Natural na kakampihan ni Allana si
Savina Pov"Saan niyo ako dadalhin?" mariing tanong ko sa dalawang alipin ni Allana na humihila sa akin. Naglalakad ako kanina nang bigla na lamang akong nilapitan ng dalawang alipin at hinawakan sa braso pagkatapos ay pilit akong kinaladkad palayo sa bahay ni Desmon. "Kung ayaw mong masaktan ay sumama ka na lamang ng maayos," babala sa akin ng isang alipin. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi ako makakawala mula sa mahigpit nilang pagkakahawak sa dalawa kong braso. Ang isang katulad ko na walang kapangyarihan ay walang laban sa dalawang taong-lobo na humihila sa akin."Kung hindi mo lang sana ginalit si Luna Allana ay walang masamang mangyayari sa'yo. Ngunit nais mong agawin ang aming alpha mula sa kanya kaya hindi ka niya patatawarin," kausap naman sa akin ng isa pang alipin na humahawak sa akin.Mukhang nahuhulaan ko na kung bakit galit na naman sa akin si Allana. Siguro dahil sa nangyari kanina s loob ng silid ni Desmon. Matapos kong gamutin ang mga sugat ni Desmon kani