Share

Chapter 47

Savina Pov

Nakahiga ako sa loob ng isang kulungan nang pagbalikan ako ng aking malay. Agad na nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari. Pumasok ako sa patibong na ipinain nila sa akin. Mga taong-lobo pala ang nasa loob ng kulungan at hindi ang mga kagaya kong witch. Alam nila Desmon at Allana na ililigtas ko ang mga bihag nila sakaling makarating sa akin ang balita na papatayin na sila kaya ipinakalat nila ang maling impormasyon. At sa pagnanais ko naman na mailigtas ang mga kagaya kong witch ay hindi ako nag-alinlangan na puntahan sila. Hindi man lang pumasok sa aking isip na baka patibong lamang ang lahat. Hindi ako nag-ingat kaya nahuli tuloy nila ako. Ngunit mabuti na lamang may kapangyarihan akong mag-teleport kaya kahit na nakakulong ako ay makakatakas pa rin ako anumang oras ko gustuhin.

Bigla akong tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig ngunit natumba at napabalik lamang ako sa pagkakahiga sa sahig ng kulungan. Tila wala akong lakas na tumayo. Nanghihina ang aking mg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status