Share

Chapter 41

Savina Pov

"Itigil ninyo ang pananakit sa kanila. Lubayan niyo sila kung hindi ay magiging marahas din ako sa inyo," galit na banta ko sa mga taong-lobo nang makita ko na muli nilang hinataw ng latigo ang mga kawawang witches. At isa pa, kung totoo nga na mga witches din sila katulad ko ay dapat ko talaga silang ipagtanggol. Dahil mga kalahi ko sila at hindi pala ako nag-iisa na lamang sa mundong ito.

"Huwag kang makialam, Savina. Dati kang alipin ng aming alpha kaya palalampasin namin ang pangingialam mong ito ngunit kapag ipinagpilitan mong makialam ay mapipilitan kaming patayin ka rin," banta sa akin ng lalaki. Kahit paano ay nakikilala pa rin nila ako bilang dating alipin ng kanilang alpha.

Sa halip na sagutin ko ang nagsalita ay muling kinausap ko ang mga babae. "Nagsasabi ba kayo ng totoo na kayo ay mga witches?"

"Oo, Savina. Kami ay mga witches mula sa canary clan ngunit matagal nang tumiwalag ang aming angkan sa clan at namuhay ng tahimik sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi nami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status