Share

KABANATA 15: Cruel Ways

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay bumulaga sa akin ang tumpok ng basura sa aking kahoy na kama. Matagal akong napatitig doon saka sandaling napapikit.

Ano pa nga bang aasahan ko? Hindi magagawan ng paraan ang kitid ng mga pag-iisip ng mga babaeng ‘yon para gawin ang bagay na 'to.

Nang magmulat ay dumeretso ako sa aparador, pinasok do'n ang kahon ng mga gamot, saka kinuha ang pantulog kong bestida bago muling lumabas.

Nagtungo ako sa maliit na banyo na para sa mga katulong at doon naligo.

Nang matapos ay kaagad akong bumalik. Dahil sa sakit ng katawan ko dala ng pagod ay hindi ko na kaya pang maglaan ng oras para linisin ang nagkalat na mga basura.

Umaalingasaw ang baho lalo na't kulog ang lugar. Subalit ‘di ko ‘yon inabala at kinuha ko lamang ang isang piraso kong unan na siyang hindi nadumihan, ‘di gaya ng kumot ko na nahalo na sa baho ng basura.

Pumuwesto ako sa sahig malayo sa kama nang sa gayon ay hindi ko masyadong maamoy ang baho. Saka ko unti-unting pinikit ang aking mga ma
P.P. Jing

Babawi ako ng update sa susunod na linggo during Christmas break! Ngayon busy lang talaga so 1 chapter a day lang ang kayang i-update. Anyways, thanks for reading! Tell me what you think in the comment section below. Love lots 🫶🫶🫶

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
nakaka P.I ton mga katulong na to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status