Share

Chapter Fourteen

Olivia

“Alam mo, Matthew? Kanina pa ako naguguluhan sa ikinikilos mo. Ano bang problema? Ano ba talagang dahilan kung bakit pilit mo akong inilalayo sa library na iyon?” pang-uusyosong tanong ko habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.

Nagbuntong hininga siya ng malalim bago tumingin-tingin sa paligid at sagutin ang tinatanong ko.

“Iniiwas lang kita sa gulo, Olivia.” Matipid na sagot niya.

Lalo naman akong naguluhan dahil sa sagot niyang iyon kaya’t lalong napasalubong ang dalawa kong kilay habgn diresto ang tingin sa kaniya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ayokong makita ka ni Kuyang nandoon dahil hindi ko alam kung anong maaari niyang gawin sa iyo.”

“Bakit? Ano bang mayroon sa kwartong iyon, bukod sa mga libro at iba pang gamit na maaari niyang ikagalit?”

“Marami. Ang kwartong iyon ay lubhang mahalaga kay Kuya Lloyd. Nandoon lahat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status