Share

Chapter Fourty-Seven

Lloyd

Halos mag-iisang araw na rin akong nandito kina Alex. Buti na lang talaga at pumayag sila na dito muna ako mag-stay pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng matutuluyan. Pabor rin naman ito sa kanila dahil sanay na sila sa akin.

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuang gawa sa kawayan nang alukin ako ng Nanay ni Alex ng kape. Hindi ko naman ito tinanggihan sa kadahilang nakatimpla na ito bago pa ialok sa akin.

“O, Hijo. Magkape at tinapay ka na muna. Pasensiya ka na dito, ha? Hindi pa kasi ako nakakapamili kaya wala pa akong maihain sa’yo.” Sambit nang Mama ni Alex at tsaka inilabag sa lamesang gawa rin sa kawayan ang kape’t tinapay na hawak niya.

“Nako, huwag niyo na pong alalahanin ‘yon. Ayos na po ako dito sa kape at tinapay.” Sagot ko sabay ngiti.

“Nakakahiya pa rin kasi iba ang buhay namin sa buhay na nakasanayan mo, ha? Alam mo naman na hindi kami katulad mo. Wala kaming pera na kagaya ninyo.”

“H’wag niyo pong alalahanin iyon. Ayos lang naman po ako dito kaya hindi niyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status