Share

Chapter Fourty-Six

Olivia

Pasado alas singko ng madaling araw no’ng magising ako. Napaka-aga pa pala kaya’t pinili kong manatili na lang muna sa pagkakahiga upang palipasin ang oras. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi lamang ng kama upang makapag-libang dito.

Ilang minuto lamang ang itinagal ko sa pagce-cellphone dahil hindi naman ako ‘yong tipo ng tao na hindi mabubuhay kapag walang cellphone. Kaya’t nagpasiya na akong bumangon at maghilamos. Pagpasok ko sa CR ay kaagad binuksan ang gripo.

Nakapikit akong dinadampian ng tubig ang aking mukha nang biglang pumasok sa isip ko si Lloyd. Bakit parang hindi siya umuwi ngayon? Kadalasan naman, kapag hindi siya umuuwi ng gabi ay umuuwi siya kapag umaga para lamang maligo at magpalit ng damit.

Habang naghihilamos ako ay hindi ko maiwasang isipin ‘yong nakita ko kahapon. Hindi kaya may nangyari talaga kaya hindi siya umuwi ngayon? Baka naman nag-away talaga sila kaya pinili ni Lloyd na huwag munang umuwi para magpalamig.

Nang matapos ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rosie Li
haysss kaloka...
goodnovel comment avatar
Glenda Doctor
update po thanks
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status