Mabilis na lumapit ang ginang na may-ari ng painuman sa mga lalake. May sinasabi ito sa kanila. Marahil ay inaawat ang mga ito upang hindi magkagulo. Ang matandang lalake naman, na asawa, ay lumapit din sa gawi namin. "Ma'am, Sir, pasensya na po kayo..." hingi niya ng paumanhin sa amin. Pagkatapos mag-compute ng bantay inabot ko sa kaniya ang bayad. "Sa'yo na po ang sukli," sabi ko, dahil gusto ko nang makaalis na kami agad. Kapag nagkagulo dito madami ang madadamay. Saka lasing na ang mga lalake, ano ang laban nila sa anim na bodyguard? Hindi nila alam ang hinahamon nila. Hindi kami umimik. Ang iba pang nangangasiwa ng paimuman ay nilapitan na din ang mga lalake na nambabastos. Marahil naramdaman nila na hindi sila papalagan ng mga kasama ko, kaya minabuti na lang nilang umawat, bago pa mapunta sa gulo ang lahat. "Let's go," aya ko pero hindi gumalaw si Darius sa kaniyang mesa. "Darius," tawag ko ulit. Nagsukatan kami ng tingin."Huwag mo ng patulan..." Umiling ako. Hinawa
SA LABIS na kalasingan, mahimbing na ang tulog ni Darius nang makarating kami sa bahay niya. Hindi na siya magising, kaya pinagtulungan na lang siya ng dalawang tauhan na ilabas ng sasakyan at dalhin sa kaniyang kuwarto. Kahit na lasing ako, kahit paano may natitira pa naman akong katinuan. Kaya ko pang kumilos. Iyon nga lang pikit na ang mga mata ko. Inalalayan din ako ng tauhan, pero dahil ilang beses akong natumba, binuhat na lang ako. Nakatulog ako, at nang maramdaman ko ang pagkakalapat ng aking likod sa malambot na kama, umayos ako ng higa. "Ano ba!" reklamo ko nang may dumagan sa akin. "Tang ina! Hindi ako makahinga!" sigaw ko nang basta na lang akong daganan ni Darius. Nakakainis naman, e! Lasing na nga at lahat, gusto pang gumapang. Hinalik-halikan pa niya ako. Naaalibadbaran ako. Mainit. Hindi ako makahinga at ang nais ko lamang ngayon ay ang matulog na. Walang gapangan. "Pakihulog nga 'to sa kama," utos ko. Hinampas-hampas ko si Darius, dahil nakatulog na siya haba
PAGKATAPOS naming kumain ng brunch, napagkasunduan naming magpahinga sa may duyan na nasa labas. Hindi pa naman kami puwedeng lumangoy sa dagat, dahil katirikan na ng araw, kaya magpapahinga na lang muna kami. Masakit pa din ang ulo namin hanggang ngayon dahil sa hang over. Kahit paano kaya ko pa namang tiisin, pero itong kasama ko mukhang malakas talaga ang tama sa kaniya ng ininom na alak. "Baka bumigay ang duyan." Tumingin ako sa isa pang duyan na nakakabit sa dalawang puno ng maliit na niyog. Tag-isa na nga kami, gusto pang makipagsiksikan sa akin. "Hindi iyan. Matibay 'to," sagot naman niya. Inangat niya nang kaunti ang katawan ko bago siya humiga nang maayos. Pinaunan niya ako sa kaniyang braso saka ako niyakap. Paano naman kaya ako makakatulog nito? "Much better," aniya saka bumuntong hininga na tila kuntentong-kuntento sa buhay.Napangiti ako. "Sweet ka din pala, no?" "Ayaw mo ba ng sweet?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Gusto. Kung titignan ka kasi hind
"Uhm..."He kiss my lips and lick my neck. His fingers did his magic all over my body. He traces my weak spots with his warm skin making me tremble and weak. I want him inside me. But he doesn't want to give me what I wanted. Not just yet. Muling naglapat ang aming mga labi. We suck each other lips like a thirsty and hungry animals. I bit his lips and it make him groan like a tiger being threatened by his enemy. I hug him tight and feel his warm body against mine. My moan muffled by his kisses when his hands went down to my butt, until it reach my inner thigh. His touch was explosives. Making me tremble and wet down there. "I think we should take off our clothes now..." "Hmmm..." he agreed. We both took off our clothes while our eyes glued to each other. Pagkahubad ng huling saplot sa aking katawan mabilis niya akong hinapit sa aking bewang. He kissed me again.Naramdaman ko na lang ang pagbundol ng aking likuran sa malamig na tiles, habang ang aking mga binti naman ay awtomat
Muli akong ngumiti nang itapat niya sa aming mga mukha ang camera. Nasa dalampasigan kami ngayon upang panoorin ang pagsikat ng araw. "Let's take some more pictures..."Nangawit na ang labi ko kakangiti kaya ngumuso naman ako. "Hindi ko akalain na mahilig ka palang mag-selfie," komento ko. "Not really... Gusto ko lang punuin ng pictures natin ang social media account ko," nakangiti niyang sagot habang tinitignan isa-isa ang mga kuha namin. "We look cute in here." Pinakita niya ang isa sa mga kuha namin. Ang ganda nga ng pagkakakuha. "Hmm... I'll ask some of our staff to print it.""Saan mo naman ilalagay?" tanong ko. "Sa bahay, sa kuwarto ko sa mansyon. Dito sa resthouse."Totoo pa ba 'to? Bakit super green flag naman ata ng binigay ni Lord na boyfriend sa akin? Kagabi pa niya ako pinapakilig. "Last na..." Hindi pa din pala siya tapos. Hinalikan ko ang kaniyang pisngi. Napangiti ako nang makita ko ang resulta. Ang ganda ng kuha namin. "Gusto ko itong gawing profile picture ko
"Hindi pa tayo uuwi?" tanong ko kay Darius nang mapansin ko na hindi ang daan patungo sa bahay o bahay niya ang binabagtas namin. "Hmmm... Mabuti at pinaalala mo, saan ka uuwi mula ngayon?" tanong naman niya. "Natural sa bahay," mabilis ko namang sagot. Wala naman siyang sinasabi na lumipat ako sa bahay niya at tumira kasama siya sa iisang bubong. Hindi naman kami mag-asawa at wala din kaming naging usapan about sa pag-li-live in. "Puwede naman sa bahay ka na tumira mula ngayon..." taas kilay niyang sagot. Hindi ito request. Para bang utos na hindi puwedeng baliin ang paraan ng pagkakabigkas niya. "Hindi naman tayo mag-asawa pa," sambit ko. I wanted to hear what is he gonna say next. Nagsalubong ang kaniyang kilay. Bumuka ang mga bibig at tila nag-isip ng sasabihin pero wala namang salita na binitawan. Tumaas ang kilay ko. "Well, whatever my baby wants," pagpapaubaya niya. Napangiti ako. Sabi nila toxic daw ang unang mga araw nang relasyon pero hindi ko naman iyon nafi-feel sa
Hindi ko alam kung bakit naging overthinker ako. Noong nakita ko si Tatay sa mall, ganito ding oras. Sa ganitong oras, dapat pauwi na siya sa bahay. Ang sabi niya noon may kinita lang siya na kakilala. And then, the two men in a corporate attire who seems to know tatay well. Ramdam ko na matagal na niyang kilala ang mga ito. Tapos ngayon naman. What can be the explanation for this? "What are you looking at, baby?" "Si Tatay. Nakita ko siya. Lulan siya ng sasakyan na kaaalis lang.""What is he doing here? Does he work here or near this place?""Hindi, e. Kaya nga nagtataka din ako.""Baka hindi siya iyon, baby. Come on." Nagkibit balikat ako. Siya iyon, e. Hindi ko alam kung bakit sobrang big deal sa akin na makita si Tatay sa ganitong lugar at lulan sa isang magarang sasakyan. May kung ano sa aking sarili na nag-iisip ng iba. Pakiramdam ko kasi may tinatago siya. Sa mall. Tapos ngayon dito. Umuuwi siya agad pagkatapos ng trabaho, e. Baka may iba na siyang trabaho? Kaya? "BA
PAGKATAPOS naming mag-close ng shop, sabay na kaming umuwi ni Camila sa mansyon ng mga Antonio. Sa iisang sasakyan na kami sumakay. Ang family driver ang sumundo sa amin dahil sina Kevin at Darius ay kasalukuyang nasa isang meeting pa. Hahabol na lang daw sila sa dinner. Gusto ng Don na magsalo-salo ang buong pamilya ngayong gabi.Nakakatuwa dahil hindi pa naman kami mag-asawa ni Darius pero tinururing na niya ako na parte ng pamilya nila. Sina Amanda at Franco naman ay kasalukuyang nasa biyahe ngayon pauwi ng mansyon, galing sa kanilang honeymoon. Tinuloy pa din nila ang honeymoon kahit na pinigilan sila ni Tita Frances. Buntis kasi si Amanda, at nag-aalala ang kaniyang mother in law na baka mapaano daw ito sa biyahe. Wala din siyang nagawa nang magbigay ng fit to travel ang Ob-gyne ni Amanda. Habang wala ang mag-asawa, na kay Tita Frances si Divine. "Good evening po..." Nakipagbeso sa akin si Tita Jane. Ang Don naman ay nakipagkamay at bahagya akong niyakap. "Natutuwa talaga