Share

030

Mabilis na lumapit ang ginang na may-ari ng painuman sa mga lalake. May sinasabi ito sa kanila. Marahil ay inaawat ang mga ito upang hindi magkagulo.

Ang matandang lalake naman, na asawa, ay lumapit din sa gawi namin.

"Ma'am, Sir, pasensya na po kayo..." hingi niya ng paumanhin sa amin.

Pagkatapos mag-compute ng bantay inabot ko sa kaniya ang bayad.

"Sa'yo na po ang sukli," sabi ko, dahil gusto ko nang makaalis na kami agad.

Kapag nagkagulo dito madami ang madadamay. Saka lasing na ang mga lalake, ano ang laban nila sa anim na bodyguard?

Hindi nila alam ang hinahamon nila.

Hindi kami umimik. Ang iba pang nangangasiwa ng paimuman ay nilapitan na din ang mga lalake na nambabastos.

Marahil naramdaman nila na hindi sila papalagan ng mga kasama ko, kaya minabuti na lang nilang umawat, bago pa mapunta sa gulo ang lahat.

"Let's go," aya ko pero hindi gumalaw si Darius sa kaniyang mesa.

"Darius," tawag ko ulit. Nagsukatan kami ng tingin.

"Huwag mo ng patulan..." Umiling ako.

Hinawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status