Share

Sabon-panlaba

Nakapamewang si Etel habang pigil na pigil ang mga tawang pinagmamasdan si Zack na ngayon ay papalapit na sa kinatatayuan niya.

Ang nakabusangot nitong mukha na pinarisan ng maruming damit, kamay at mga paa ay indikasyon na hindi naging maganda ang pagdaan nito sa makipot na daanan ng kanyang tirahan.

“Uhm! Mabuti naman po at ’di natapon iyong mga pinamili natin,” aniya sabay kuha sa basket na nakasukbit sa kamay nito.

“Where can I wash my feet?” Naka-poker face na ito at tiyak niyang nagsisimula ng mainis.

“Doon po sa may balon, Sir Zack.” Tinuro niya kung saan may maliit na barong-barong na may sementadong square shape na may takip. Hindi na ito kumibo pa at parang bata na inilapag ang dalang sako at sapatos sa lupa. Siya naman ay nawiwiling pinagmasdan ito.

Nakikita niyang hinubad nito ang suot na jacket, maging ang suot nitong mamahaling pantalon na nabahiran din ng mga putik.

“Uhm . . .” Wala sa sarili niyang natakpan ang kanyang mga mata nang kanyang nakitang boxer at white shi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status