Share

What are these?

Wala sa sarili si Etel habang hinihiwa ang camote na nabalatan na ng kanyang yaya. Panay ang paliliwaliw ng kanyang isipan papunta sa huli niyang nakita—si Zack na naka-towel lang sa ibaba at walang suot na underwear.

“Anak, kung mahal mo pa ’yang mga daliri mo ay bitawan mo muna ’yang kutsilyo. Mukhang ang layo ng iniisip mo,” ani Yaya Meding niya sabay kuha sa hawak niyang kutsilyo.

“’Ya, ayos lang po kaya si Sir Zack? Titingnan ko nga muna kung natuyo na ’yong mga damit niya.”

“Anak, sampung minuto pa lang ang lumipas. Hindi pa ’yon natutuyo. Ang mabuti pa ay tingnan mo kung maayos ba iyong pagsisibak ni Zack ng kahoy.” Ilang beses muna siyang kumurap bago tumango at marahang humakbang palabas ng bahay, tungo sa likod. ‘Hah!’ Ikinalma muna niya ang sarili. Naririnig na niya ang tunog ng nagsisibak. Pa-simple siyang sumilip. Doon ay nakita niyang kahit hindi sanay si Zack sa ginagawa ay maayos pa rin nitong nasisibak ang kahoy. The reason kung bakit nakatambak lamang ang mga ’yon ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status