Share

Chapter 5

Bigla kong naisip ang mukha ni Soren kanina. Doing part-time jobs must be really tough. Halatang pagod na pagod siya pero patuloy parin ito sa pagtatrabaho. I'm really concerned about him.

Napatingin ako sa kalangitan na puno ng mga bituin. Life is really tough, complicated, and messy. But Soren is very outstanding; he never gave up and works extremely hard, which adds to his appeal.

"Hmm?" bungad ko saaking kapatid na tumawag.

"Ate Syr! Susunduin mo si Stanley diba? Lasing na lasing e" sabi ng kaibigan ni Stanley kaya napa-iling nalang ako at tamad na nagtungo saaking kwarto para mag-bihis.

"Oo, by the way, sino to?" tanong ko dahil hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan ni Stanley ang tumawag.

"Ah, si Yael po ito." sabi nito kaya binaba ko na ang tawag pagkatapos kong sabihin na pupunta na ako sa bahay ni Daryl.

"Such a pain in the ass." reklamo ko habang sinusuot ang aking pantalon.

Nang dumating ako sa bahay ng kaibigan niyang si Daryl ay agad akong pumasok sa loob dahil nag-aabang ang ibang mga kaibigan nito saakin saka ako dinala sa kapatid kong nakahiga sa couch at lasing na lasing.

Napahilot ako saaking sentido habang tinatanaw ito.

"Can you assist me in carrying my brother?" I asked the boy who is standing beside me and he immediately nodded.

"Ate, kami nalang. Mauna kana sa sasakyan." sabi ni Yael kaya tumango ako bilang pagsang-ayon at naglakad palabas.

"Don't you dare throw up inside, Stanley." banta ko saaking kapatid na nagising. Tumawa lang ito at umaksyong susuka kaya diniretso siya ng kanyang mga kaibigan sa gilid ng bahay.

Napa-iling nalang ako.

Hinawakan ko ang kanyang baba pagkatapos niyang sumuka at pinunasan gamit ang dalang panyo.

"Ang ganda talaga ng Ate ko.." sabi nito kaya napa-iling ulit ako.

Tumatawa pa ito habang akay-akay siya ng kanyang mga kaibigan.

"Ipasok niyo na yan." sabi ko saka binuksan ang front seat.

Pagkatapos nilang maipasok ang aking kapatid sa sasakyan ay agad akong nagpasalamat at nagpaalam sakanyang mga kaibigan.

"Umayos ka nga, Stanley." sabi ko saaking kapatid habang nagmamaneho dahil galaw ito ng galaw sakanyang upuan.

"Naiihi ako, Ate" sabi nito kaya bumuntong hininga ako saka tumingin-tingin kung may bukas pa bang cafe sa oras nato.

"Nasusuka din ako" patuloy nito.

"Pigilan mo muna yan! Wag na wag kang susuka dito sa loob kundi ipapakain ko talaga yan sayo kina-umagahan." sabi ko kaya tumawa siya.

Umabot ako sa kanto papunta saaming campus hanggang sa umabot ako sa Starbucks na malapit dito, kung nasaan nag-tatranaho si Soren.

"Ate, wala pa ba?"

"Nandito na, lumabas ka na nga!" sabi ko saka lumabas din sa sasakyan para alalayan siya.

"Para ka namang lumpo e, ba't ba kasi naglalasing." reklamo ko habang hawak hawak ko ang kanyang kaliwang braso.

"Good evening, Welcome-" napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Soren iyon. Nagulat din sakanyang nakita kaya agad itong lumapit saakin.

"Anong nangyari?" agad na tanong nito.

"Nalasing, naiihi kaya huminto muna kami dito. Sakit sa ulo!" reklamo ko at nakita kong napangisi siya saka tinulungan ako sa pag-akay kay Soren papunta sa comfort room.

"Ikaw nalasing ka din ba?" tanong nito kaya sinipatan ko siya ng mata.

"Mukha ba akong lasing? Stress ako ngayon, Soren." sabi ko saka nagtungo sa bakanteng upuan habang nakasunod lang ito saakin.

"Halata nga" natatawang sabi nito, "May gusto ka bang i-order?" tanong nito.

"Black coffee nalang." sabi ko kaya tumango siya at natungo sa cashier.

Nakatingin lang ako sakanya habang siya'y busy na kumukuha ng mga order sa mga bagong dating na customer.

"Nakakatulog ka pa ba ng maayos, Soren?" tanong ko nang dala-dala na niya ang aking order.

He smiled and nodded, "Oo naman" sagot nito pero kita ko sakanyang mga mata na pag-sisinungaling.

"Ano pa ang ibang part-time jobs mo?" tanong ko.

"Construction worker ako sa umaga, tas sa gabi ay may trabaho sa highway, may construction din doon para sa center island." sagot nito.

"Soren, you're overworking your body." sabi ko pero ngumiti lang ito.

"Wag kang mag-alala, ayos lang ako." sabi nito at tinapik ang aking balikat saka siya naglakad patungo ulit sa bagong dating na customer.

I bit my lower lip and clenched my teeth. He's exhausted, yet he continues to deny it.

Napalingon ako saaking kapatid na umupo saaking harapan habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

"Ba't ka ba naglasing, Staley?" seryoso kong tanong saking kapatid.

"Nakakatakot ka naman, Ate." sagot nito.

"Ba't ka nga ba naglasing? Hindi ka naman ganyan ah?" tanong ko ulit.

"She rejected me.." sabi nito.

"I asked her out earlier but she rejected me" patuloy nito kaya bumuntong hininga ako.

"Then, is it right to waste yourself just on that?" I asked.

"I know.." sagot nito.

"Drink the coffee before it turns cold." sabi ko at nilapit sakanya ang aking inorder.

"Maayos na ang pakiramdam ni Stan?" biglang tanong ni Soren saka umupo saaking tabi kaya agad akong napa-usog ng konti sa kabilang banda.

"Uy, Kuya Soren!" maligayang bati nito kay Soren. "Oo, okay na. Natakot ako kay Ate kaya umayos agad ako." biro nito kaya sinipatan ko siya ng mata habang ang dalawa ay tumatawa.

"Off-duty na?" tanong ko sakanya ng napansing hindi na niya suot ang apron.

He nodded. "Oo, 1PM na din. Gabing-gabi na, umuwi na kaya kayo." sabi nito.

"Ihatid na kita, wala ka ng masasakyan sa oras nato" sabi ko sakanya. Kumunot ang kanyang noo kaya napakagat ako saaking labi, umaasang tatanggapin niya ang aking alok.

"Sige." sabi niya at tumango kaya guminhawa ang aking pakiramdam.

Sabay kaming tatlo na nag-tungo saaking sasakyan. "Sa likod ka Stanley."sabi ko at tamad itong tumango saka dumiretso sa backseat.

This brings back some memories for me. Napa-iling ako saaking sarili at pilit inalis ang mga iyon saaking isipan para makapag-maneho ng maayos.

The streets are empty kaya tuloy-tuloy ang aking pagmamaneho. Diretso akong lumiko sa kanto kung nasaan papasok patungo sa bahay nila Soren.

Napalingon ako kay Soren at nagulat dahil nakapikit na ito, parang tulog na kaya hinayaan ko muna siya habang ako'y nakatitig sakanya.

He's very attractive, so it's no surprise that some women are swooning over him. His brows and eyelashes are bushy, his nose and jaws are chiseled, and his lips... I'm not sure why, but my hands are reaching out to touch his face; I've adjusted his hair and stroked his cheeks, he looks so exhausted.

"Don't overdo yourself too much, please.." I said in a low tone voice.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status